Chapter One

725 10 6
                                    

Mahirap talaga magkaruon ng unrequited crush parang ako lang. Lahat talaga ginawa ko na para mapalapit sa kanya kaso hanggang CRUSHZONED lang talaga ko.

"Imelda, si Peter oh!" sabi ni Dolly

Oh akala nyo bestfriend ko si Dolly no. Kala nyo lang yun si Dolly nga pala yan yung isa sa mga top malandi dito sa Lincoln's University. Gusto gusto nya kasi ako lagi mapahiya sa harapan ni Peter my Angel este ni Peter Den Mar Torres. Mukha kasi akong joke sa gagang yan eh.

"Hi Baby Peter!" masayang sinabi ko. Ikaw ba naman makakita ng ganitong ka gwapo eh. Oo gwapo talaga si Peter. 6"3 ang height nya, maputi, singkit, in short CHINITO ang bebekoy pero ang pinaka gusto ko talaga sa kanya eh kapag naglalaro na sya ng Volleyball. Mala anghel sya kapag lumilipad para mag power spike sobrang kinikilig ako nun! Hayy grabe galing talaga ng bebekoy. Ay tama na muna ang pagpapantasya!

Ayan kahit papasok pa lang sya ng gate ng school namin eh sigaw na ako ng sigaw dito na parang baliw para pansinin nya. Kasi naman ang dami tao na gusto sumalubong sa kanya may Media, fangirls at fangirls at fangirls! Ikaw ba naman maging Superstar at MVP sa Volleyball eh.

Naalala ko nun hindi pa ako dati nag aaral sa Lincoln's University sa simpleng school lang ako dati somewhere in province. 

*FLASHBACK*

"Wow Ma! Bago itong tv natin ah flatscreen!" sabi ko kasi naman 2years na kaming wala tv dahil simula nung nagkasakit Papa ko lahat ng naipundar namin na gamit ay pinagsasanla namin para sa kanyang dialysis hanggang wala nang natira ni isa kundi mga damit na lang. Pero tadhana talaga na mauna na sya sa langit. Kaya ito tatlo na lang kami ang natira, si Mama, kapatid kong bunso at ako. 

"Ayan mga anak, unti unti na tayo nakakabili ng mga gamit dito sa bahay natin." sabi ni Mama habang nakahiga sa sofa para magpahinga galing kasi sya sa trabaho.

"Thanks Ma!" sabay pa kami ng kapatid ko.

"Ou nga pala Mel saan mo balak mag college? Magsabi ka na para mabudget ko na yung tuition fee mo."

"Ah sge po mama." 

LUMIPAS ANG MGA ARAW..

Nandito ako sa sala namin para magpahinga nag general cleaning kasi kami ng kapatid ko. Binuksan ko ang tv at kumuha ng tubig.

"Ano ba naman yan Ate! Walang magandang palabas puro naman drama. -____-" Sa bagay tama nga naman tong kapatid ko sa kakalipat ko ng channel eh napunta na ako sa Sports Channel.

"Ed, alam mo ba na ang makakalaban sa Men's Volleyball ng Clinton's University ay ang Lincoln's University?"

"Ou nga pala Pards, balita ko na madaming bagong player ang LU ngayon."

"Aba talaga lang ah. Tignan natin ang galing ng mga new players nila."

Psh. Ang daldal naman ng mga commentators na ito. Tagal magsimula ng laban.

FOR THE FIRST SET.

"Torres nag spike PASOOOOOK!"  sabi ng isa sa mga commentators.

Wow ang galing naman ng Lincoln's University. Habang nanunuod ako nakafocus na pala ang camera sa isang manlalaro. Nakita ko sa likod ng jersey nya ay TORRES 4, hindi ko namalayan na sobrang lakas na pala ang tibok ng puso ko, para bang nag slow motion yung pinapanuod at nagkaruon ng mga glitters ang pinapanuod ko. Para bang nabingi ako sa pagkakataon na yun halos hindi ko na marinig ang madadaldal na commentators bagkus (wow lalim) napako na ang tingin ko sa lalaking yun. Mapapansin mo sa kanya na isa sya sa napakagaling na players. Mala anghel sya kung lumipad para tumalon at mag powerspike.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Napahawak ako sa dibdib ko dahil sumasakit na sa lakas ng tambol para bang may drums sa loob. OMAYGASH. 

Pagkatapos nila lumaban ay nanalo sila at tinanghal sya na MVP sa kanilang grupo. Nakikita ko na napaka saya nya para bang nandun ako sa arena FOR REAL! Hahahahaha.

Dali dali ako pumunta nun sa computer shop nila Aling Daisy sa kabilang kanto namin. Binuksan ko agad yung Google at nag search ako agad pagkaupo ko. Nilagay ko TORRES VOLLEYBALL

*browse .. browse .. browse"

Duon ko nalaman kung ano ang full name nya, height, year at course, at kung ano pang impormasyon ang tungkol sa kanya. Ang stalker mode ko naman haha,

Hindi ko talaga ma explain yung feeling kapag nakikita ko mga photos nya. Ngayon na lang kasi ako nakadama ng happiness simula kasi ng mawala si Papa nawalan na ako ng interest sa mga bagay bagay naging ANTI-SOCIAL ako. Pero ngayon para bang may gumising sa natutulog ko na puso (Makata ang dating haha) Ang OA ko na basta masaya ko.

"PETER DEN MAR TORRES. Hintayin mo ako sa Lincoln's University at magkikita rin tayo."

__________________________________________________________________________________

Author's Note:

Wohoo! Natapos na din ang Chapter One nakakalungkot wala ata nagbabasa nito. Bukas na lang ako mag uupdate ulit. Vote naman kayo kahit isa lang please? :( Osya guys, goodnight na.

  

My Angel: Peter Den Mar TorresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon