Maki Insert

40 1 0
                                    

Ang sarap pag nakaka text mo ang crush mo ano? tapos pag nalowbat bigla ang cellphone mo tatahakin ang lahat ng landas maki insert lang.

Ako nga pala si Darra syempre papakilala ko rin ang bestfriend ko! ang super cute at ubod ng sungit na si Chad.

Noong elementary ko sya nakilala, nakakatuwa nga yung unang beses ko syang nakita. Naalala ko nadapa ako nun sa maputik kasi lalampa lampa ako nasugatan ako noon sa tuhod kaya iyak ako ng iyak

hanggang sa may batang lalaking nag abot sakin ng kamay pero imbis na matuwa ako ay nainis ako sakanya alam nyo kung bakit? 

ganto kasi yun....

"Tss! tayo!"

iniabot nya sakin ang kamay nya para alalayan ako patayo

"Salamat :("

"Wag kang mag pasalamat ang tanga mo yan napapala mo"

iiyak ulit sana ako nun kaso biglang nanlaki ang mata at dalidaling pinahiran ang tuhod ko. ay oo nga pala nag ka sugat ako.

"Lalampa lampa ayan tuloy nag ka sugat ka, tara sa clinic malala ata yang sugat mo"

"di ko na kayang mag lakad, ang dumi ko na tapos ang sakit ng tuhod ko"

nagulat ako sa ginawa nya, binuhat nya ako papunta ng clinic, akalain nyo yun nakaya akong buhatin ng isang patpating bata.

pag karating namin sa clinic ay inasikaso naman agad ako ng nurse at pinagpalit ng uniform. 

"Ano kumusta okay ka na?"

tumango ako bilang sagot sa tanong nya

"Pasensya ka na ang sama ko ata sayo kanina"

"Okay lang ang bait mo nga eh binuhat mo ako papunta dito sa clinic"

"Ang bigat mo nga eh akala ko mapuputol tong balikat ko hahaha"

"grabe to haha"

"hmmmm.. ako nga pala si Chad"

"Daraleen, Dara nalang :)"

at doon na nag simula ang pagiging mag bestfriends namin. Kolehiyo na kami ngayon at dahil nga sa mag bestfriends kami 

ay pareho kami ng kinuhang kurso, ayaw nya raw mapawalay sakin kaya eto gumaya ng course ko nag AB BROADCASTING din,

3rd year na kami ngayon.

"Dara, may sasabihin sana ako sayo"

"Ano yun Chad?"

sagot ko

"uhh.. ano.. MAY ASSIGNMENT KA SA STATISTICS?"

"Ay kabayo ka! bata pa ako wag mo ko sigawan di pa ako bingi!"

nagulat nalang ako bigla syang sumigaw, problema nito.

"Sorry naman :("

"Hay nako chad wala ka na ata sa sarili mo, secon sem na po tayo at wala na tayong statistics"

"ah.. oo ba? haha sorry :("

"Sabihin monga may problema ka ba?"

"h-ha?? w-wala ah!"

nauutal nyang sabi, alam ko at kilala ko itong si Chad pag nauutal yan pwedeng ay nililihim sya o may nagawang mali.

tinitigan ko syang mabuti sa mata at imbis na mainis ako ay natawa ako sa reaksyon ng mukha nya.

"HAHAHAHAHAHA!"

"Bakit ka naman natatawa dyan Dara?"

nahihiya nyang tanong, pero tawa parin ako ng tawa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maki InsertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon