The Resthouse Killer ...
Xeen 's pov
Tama ba yung narinig ko ? May kumakanta nang wala sa tono at may itatago sya para di malaman na sya ang pumatay ? !
Teka , Di to maganda ha ? Eh sino bang naiwan dito sa taas ?
Si Owee !!! Si Owee yung nagsalita at kumanta ! Oh my god !
HindI kaya ?! Hindi kaya sya ang .... HINDI !!!
Erase ! Erase ! Hindi magagawa ni Owee yon ! Imposible !
--
Napag isipan kong bigla ko kayang pasukin ang kwarto ni Owee nga malaman ko ang ikinakakaba ko ?
Wait a minute , kung gagawin ko yun at kung sakaling si Owee nga yung pumapatay , baka mapatay ako ni Owee ?!
Erase ! Plan B , kung kumatok kaya muna ako ? Wait , baka bigla na nga nyang itago yung dapat nyang itago , bago nya ako pagbuksan ng pinto . Edi sayang yung effort ko .
Erase ! Plan C , Tawagin ko kaya muna silang lahat at sabay sabay naming tuklasin ang sikreto ni Owee ?
Effective sa lahat ang Plan A , kaya get ready , Im comming , Owee the Killer !!!
--
Owee 's Pov
Bigla nalang bumukas yung pinto , at nakita ko si Xeen na nasa tapat ng pinto .
"aha ! ikaw nga yug killer ! " sigaw ni Xeen sa akin habang itinatago ko sa isang maliit na maleta yung kutsilyong pinampapatay ko sa kanila .
"no , Xeen . Your expecting for ... for , for nothing ! Right ? " Nanginginig pa ng tono ko sa kanya .
"no , Owee . Wala kanang takas sa kasalanan mo ! Harapin mo tong lahat , Owee . " sabe nya sabay atras para makalabas ng room ko .
Dali dali ko syang hinabol sa paglabas nya at baka makarating sya sa Iba pa naming kasama .
Pero sa isang napaka gandang tagpo , nadulas sya sa rag na nasa tapat ng room ko .
Bumagsak sya sa sahig at humampas ang ulo sa sahig na tiles .
"ayan , ang kulit mo kase eh , ayan tuloy , napahamak ka . " bigkas ko sa kanya sabay hila sa paa nya para dalhin sa cr sa dulo at doon ko tatapusin ang buhay nya .
"Tigil ! " salita ni Marco sa akin .
" ano kaba pare , what's on your mind ? im going to sex this stupid girl ? no . I have my own girlfriend , you know that " sabe ko sa kanya na medyo kabado baka kase nakita nya at narinig pa yung sinabe ko .
"huwag ka ngang tanga . alam ko na lahat . " sabe nya . medyo nagulat lang ako .
"pare please , sana sa atin nalang to ng bagay na to . kaibigan naman kita eh . " sabe ko sa kanya .
"gusto mo pa akong suhulan ha ? Give me her . "sabe nya .
Dali dali ko namang pinasa sa kanya ang walang malay na si Xeen .
Sa paglapit ko sa kanya , "ano bang balak mo sa kanya ? " sabe ko .
"ako nang bahala doon . " sabe nya sa akin sabay salin ng katawan ni Xeen sa balikat nya .
"Dibale , hindi na kita papatayin , tutal naman naiintidihan mo ko . " sabe ko sa kanya sabay tapik sa braso nya .
--
Marco's pov
Ano bang sinasabe nya ? Hindi nya na raw ako papatayin ?
Teka , teka . Hindi kaya sya ang pumapatay sa amen ?!
Hala teka , dapat malaman to nang lahat .
Dahan dahan kong binaba si Xeen para makabwelo ako ng takbo at ng malaman ng iba ang katotohanan sa likod ng lahat ng ito .
"oh bat mo pa binaba yan ? " tanong ni Owee sa akin .
"ano bang sinasabe mo ? " diretsong tanong ko sa kanya .
"ha ?! akala ko ba nagets mo na ang lahat ?! " bigla syang nagtaas ng boses sa akin .
"tarantado ka pala eh ! Bat mo ba kailangan pang pumatay ?! Hinayupak ka talaga no ?! " nagalit nako sa kanya .
"Gusto mo bang isunod kita sa gagawan ko ng puntod sa likod ng bahay na to ?! " bigla syang nagalit saken at hinablot ang t-shirt ko pataas .
"Teka , bitawan mo nga ako ! " sabe ko sa kanya sabay piglas sa kapit nya sa t-shirt ko .
"Bahala ka sa buhay mo , basta ako , sasabihan ko na silang lahat . " pagalit na wikako sa kanya sabay lakad patungo sa hagdan .
Bigla nya nalang akong tinadyakan sa likod na kinasalampak ko sa sahig .
"ano kaba, Owee , dapat nila tong malaman dahil nag aaway away na sila sa baba sa kung sino talaga ang pumatay , tapos ikaw lang pala yon ?! Dapat kana talagang magbayad sa ginawa mo , Traydor ka , Owee , traydor ka ! " Sigaw ko sa kanya sabay piglas sa pagkakatapak nya sa likod ko .
--
Jess ' pov
Dapat talaga magbayad ang pesteng salarin na yan .
"Gab , baka pwede gumawa tayo ng confession mamaya para magkaalaman na . Hindi pwedeng uuwi tayo na walang magbabayad sa mga buhay na nawala . " sabe ni Lewis .
" ButI kung papayag ang lahat . Tsaka may salarin bang umamin sa sarili nilang kasalanan ?" sabe ni Alexis .
"oo , may punto si Alexis , at tsaka paano kung malaman na natin yung killer , tapos bigla nalang tayong patayin lahat ? " singit ni Brixx.
" hindi naman kase kailangan pa nga confessions na yon , mas mainam kung huhulihin natin sya sa akto . " paliwanag ni Denise .
"kung gagawin natin yon , eh paano kung ISA pala sa huhuli yung killer ? " tanong ni Dave .
"HindI na kailangan ng kung ano anong plano para makilala yung killer , subaybayan nalang ng bawat isa yung isa't isa nang sa gayon , mas mapapadali yung pag kilala sa kanya . " suggest nI Paul .
" nice Paul , mas maganda at mas mainam yung sinabe ni PAul . " pagsang ayon ni Sharleen .
"Edi dapat may kanya kanya tayong susubaybayan ? " sabe ko sa kanilang lahat .
"hindi , Jess , dapat ikaw sarili mo ang bahala kung sino yang pinagdududahan mo at susubaybayan mo . " paliwanag ni Carl .
"Shut up . " isang salita lang ni Owee , natigil ang paguusap namin at sabay sabay kameng lumingon sa kanya na pababa sa hagdan .
"ano yang mga kapit mo na nakabalot sa damit na binuhol- buhol ?" tanong ni Arvin .
" ah eto , wala to . " sabe ni Owee , kataka-taka lang na medyo may dugu-dugo pa yung mga bitbit nya .
--
a/n :
Early thanks sa mga kumuha ng copies ng story ko na to , sana mas maging successful pa lalo yung mga stories ko na ipupublished sa mga susunod na araw , kaya sana wala parin kayong sawa sa pagbabasa ng mga Mystery / Thriller na stories na gagawin ko , at sana maging isa ako sa inspirasyon ng mga newby wattpad writters .
Thank you wattpad readers , salamat ! Muah-Muah !!
BINABASA MO ANG
The RestHouse Killer ( FINISHED )
Mystery / ThrillerMahal mo ang BARKADA mo . Tapos isa pa sa kanila ang jowa mo . Eh bakit mo sila kailangang patayin ? Ano bang ginawa nila sayo ?! ' The Reshouse Killer ' Allrights reserved , 2014 .