Coins

9 1 2
                                    

♥ C O I N S ♥

"Bayad mo?"

Sa apat na buwan nating mag-kaklase araw-araw yan palagi ang bungad mo saakin.

Ultimong kahit piso na lang yung pera na natira sa bulsa ko, pinipilit mo pa din akong magbayad.

Treasurer ka sa room natin samantalang ako norma------- I mean abnormal na estudyante nagbabayad naman ng class fund.

Alam mo? Lagi mo nalang kinukuha pera ko. Kaya pati puso ko nakuha mo na. Ang kaso sukli lang ang binalik mo at kinuha mo nang tuluyan ang puso ko.

Naalala ko pa nung minsang muntik na akong madulas at masabi ang feelings ko.

Limang piso ang binigay ko samantalang apat na piso lang ang hinihingi mo.

"Uy puso k----- I mean piso ko ibalik mo na." Sabi ko sayo.

Mabuti na nga lang at walang nakapansin nun kundi buking na ako.

"Oh piso mo. Parang piso lang naman eh." Sabi mo naman saakin habang inaabot mo yung piso ko.

"May nga bagay na akala mo sa umpisa maliit lang ang halaga pero Pag nawala sayo tsaka mo maiisip na mahalaga pala sila." Hinugutan ko pa yung piso para hindi mo mahalata na gusto pa kitang makausap ng matagal.

Ang kaso may nag-aabang pa pala sayo na kasunod ko kaya hindi ka pwede magtagal.

Ganyan naman palagi diba? May mga taong papasok sa buhay mo para pasayahin ka pero panandalian lang pala at iiwan ka din nila.

At worst? Yung kasunod ko na kokolektahan ko ay yung kaibigan ko pa.

Haha.

Masyadong nakakatawang makipaglaro ang tadhana.

Kahapon ko lang rin kasi nalaman na magka-MU na kayo nung kaibigan ko.

Okay lang naman sa akin. Pagdating naman sa kaibigan kong yun ay wala naman akong problema.

Oo pramis. Wala talaga.

Binura ko na kasi sa bokabularyo at feelings ko ang salitang masaktan.

Haha.

Ang inaalala ko lang, kung paano ako iiwas sayo ngayong alam mo na yung nararamdaman ko.

Umiiwas na ako eh. Buti nga at effortless ang pag-iwas ko dahil hindi naman tayo close.

Hindi nga close kasi wala pang tayo.

Iniiwasan ko na ngang tumingin palagi sayo kagaya ng nakasanayan ko. Kaso ikaw naman tong pag tinitignan ko saakin nakatingin.

Ako na nga yung umiiwas na lumapit sayo kaso ikaw naman tong lapit nang lapit.

"Uy bayad mo. Anubayan kanina kapa natulala saakin. Alam ko namang gwapo ako eh." Ang kapal ng mukha!

Inabot ko sakanya yung limang pisong buo at hiningi ko ulit sa kaniya yung sukli kong piso.

"Hindi ko na ibabalik yung puso mo dahil akin na to. Wag mo na din ibalik yung puso ko para kwits tayo."

♥ C O I N S ♥


TreasuredWhere stories live. Discover now