DILEMMA

878 9 3
                                    

 

''Ano ba tong pinasukan mong relasyon Julius? Sa dinami dami ng babaeng pwede mong buntisin eh un pang kasing edad ko! Ano nalang sasabihin ng namatay mong ama pag nakita niyang ganito ang kinahinatnan ng buhay mo!Hiwalayan mo ang babaeng yan!''utos ni Carmen sa anak nitong si Julius.

 

''Hindi mo talaga kami titigilan Rowena at pati si Mama sinama mo pa dito.Ma hindi ko pwedeng hiwalayan si Mariposa,mahal ko siya at magkakaanak na kmi.''giit ni Julius kay Carmen na hindi makapaniwala sa naririnig mula sa anak niya.

 

''My God Julius shes older than you! mas matanda lang ako sa kanya ng ilang taon! para mo na siyang Ina! kung mag kaanak man kayo pwes sustentuhan mo nalang wag mo ng patulan! ''galit na wika ni Carmen.

 

''I cant do that Ma,kung hindi niyo tanggap ang relasyon namin ni Mariposa wala na akong magagawa dyan.Umuwi na kayo papasok na ako, kailangan pa ako ng asawa ko.''wika ni Julius ng hawakan siya sa kamay ni Rowena.

 

''Kaya kong maging ina sa anak mo dyn sa gurang na yan.Kunin mo ang bata pagkapanganak ni Mariposa tapos magsama tayo.''wika ng desperadang si Rowena kay Julius.

 

''Tama magandang idea yan,anak makinig ka kay Rowena alam kong nagmamahalan parin kayong dalawa.Kayo ang bagay anak,kunin mo ang bata dyan sa gurang na yan tapos magpakasal kayo sa probinsiya.''sulsol naman ni Carmen sa anak niya.

 

''Hinding hindi ko iiwan si Mariposa! umalis na kayo Ma at ikaw naman Rowena tigilan mo n kami dahil kahit kelan di na ako makikipag balikan sayo! mahal na mahal ko si Mariposa hindi ko siyang kayang iwan para sumama sayo.''wika ni Julius na agad papasok ng gate habang bigo ang sina Carmen at Rowena na kumbinsihin ang lalake na hiwalayn si Mariposa.

 

''Sorry!''wika ng mangiyak ngiyak na si Mariposa na nooy nasa loob ng gate at nakikinig sa pagtatalo ni Julius at ng Mama niya.

 

''Bakit andito ka? narinig mo ba ang lahat? wag kang mag alala hinding hindi kita iiwan.''wika ni Julius sabay yakap sa umiiyak na Mariposa.

 

''Sorry talaga Julius,kung pinanganak lang ako ng huli tulad mo baka sakaling tanggapin pa ko ng Mama mo.''wika ni Mariposa na naging emotional habang yakap ang lalaking minamahal.

 

''Ssshh tama na,makakasama sa baby yan.Hindi mahalaga ang agwat ng edad sa dalawang taong nagmamahalan.Mahal na mahal kita Mariposa,pati ang magiging anak natin.Dont cry na ok? tara kain na tayo medyo nagutom ako sa trabaho.''wika ni Julius sabay halik sa mga labi ni Mariposa.

 

Napanatag na ang loob ni Mariposa matapos siyang i aassure ni Julius na siya lang ang mahal nito.Buo na ang kanyang loob na ipaglaban ang pag ibig niya kay Julius kahit na hadlang ang lahat ng tao sa pagmamahalan nilang dalawa.

 

''Ngaun pala ang last na pre natal check up ng mahal ko,aabsent nalang ako para samahan ka.''wika ni Julius pagkagising nilang dalawa ni Mariposa kina umagahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY MAY-DECEMBER LOVE AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon