Camping

175 2 3
                                    

Binabasa ko na naman ang conversation namin ni Hana. Naalala ko yung una ko syang nakausap. Yung umusbong na yung sweetness namin. Korni-_-

*Flashback

"Marc! may grupo ka na ba? kulang pa kasi kami ng dalawa eh." Lumapit sakin si Hana. Tsk! kung maka ngiti naman talaga to makalaglag puso.

"Ah eh. wala pa. sige kaming dalawa na lang ni Jerome ok lang ba?"

"Sige maya mag aasign na ako ng role nyo sa Feeding program natin ahh.. wait lang." Tinalikuran na nya kami.

"Jerome! Dun na lang tayo sa grupo ni Hana ok lang ba?" walang alam si Jerome sa ginawa ko pero makikisama naman yan eh. sya lang naman ang nakakaalam.. na CRUSH ko si Hana.

"Oks lang pre. alam ko naman na-" Siniko ko sya bago pa nya matuloy ang sasabihin nya.

"G*ago! baka may makarinig sayo! secret nga lang natin yun eh!" Tiningnan ko sya ng masama.

Nginitian lang ako nang g*go.

"Marc, Jerome lapit kayo dito. mag memeeting na tayo." Hinila nya patayo si Jerome. Tsss! dapat ako na lang hinila mo! Selos ako!

Kinindatan ako nung G*ago nung tumingin ako sa kanya. Tae! Pinanlisikan ko lang sya ng mata.

"Oh sige. Marc saka Jerome kayo yung MC ahh. kayo na din magisip ng mga pwede munang gawin bago mag pakain. Maglalaro, Mag peplay, o kaya may kakanta o sasayaw basta yung mageenjoy yung mga bata." Paliwanag nya.

"Hana. Kayo na lang dalawa ni Marc yung MC!" Sigaw nung isa nyang kaibigan. Sabay nag ayiee yung iba pa nyang kaibigan.

Tiningnan ko si Hana namumula sya. ahahah tapos sinamaan nya ng tingin yung mga kaibigan nya. nanahimik naman sila.

"Basta kayo ni Jerome ang MC" tapos umalis na sya. nabadtrip ata.

Umalis na kami dun sa meeting place at pumunta na sa upuan namin. Wala yung Prof namin di na bumalik at si Hana andun lang sa sulok di sya nakikipagkulitan sa mga kaibigan nya. Nagababasa lang sya ng libro. Nababangga pa nga sya ng mga kaibigan nya. Naiinis na nga yung mukha nya eh. Pero maganda pa rin sya. Yung malalaki at singkit nyang kulay Hazelnut na mata. Malalaman nyang pisngi at maninipis na pinkish lips! Damn! Parang gusto ko syang halikan!

Napahawi ang mga mata nya sakin. Inalis din nya agad. Nakita nya siguro akong nakatingin sa kanya namumula sya eh.

"Hoy Marc! Samahan mo nga kami muna sa labas magyoyosi lang kami." Pag yayaya ni Mike.

"Sige. balik agad tayo baka kasi dumating na yung Prof natin." 'Bumalik agad tayo para masulit ko si Hana'

Mabilis lang sila nagyosi. Si Mike na lang at ako ang umakyat tinamad na yung tatlo kaya ayun nag Cutting na.

Pagkaakyat namin nakaupo sya sa upuan ko. Pagkakataon nga naman oo!

Tinabihan ko sya.

"Uhmm. Hana ano yang binabasa mo?" Ako na yung nagopen ng topic. Gusto ko lang kasi marinig yung angelic pero energetic nyang boses.

"Ahh. Mangga to yung Tsubasa. ahehehe" Taena! Ang Cute mo talaga shit!

"Ahh.ok" Wala na ko maisip na sabihin! nahihiya na ako!

"Pwede na daw tayo umuwi! di na daw aakyat si maam!" Sumigaw yung isa naming epal na classmate.

Inayos na agad ni Hana yung gamit nya at lumabas na agad.

Hay. Bakit kaya nagmamadali yun? Di man lang nya inantay yung mga kaibigan nya.

"Ay. kuya Mike may number mo na ako ano? Ikaw Marc may number na ba kita." Nagulat ako kasi bumalik pala sya.

CampingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon