Isa lamang akong simpleng tao.
May mga maliit at simpleng pangarap na pinipilit maabot.
Pero mula ng makita kita,
Tila ba ang lahat ay naging imposible na.Ninais ko na mapasaakin ka, kahit alam ko na walang kapag-a pag-asa.
Langit ka at Lupa ako, na kahit kailan ay.. hindi magtatagpo.
Masama ba ang nararamdaman ko?
Masama bang magustuhan kita kahit patago? O kahit nga ipagsigawan ko pa, tila ba isang suntok sa buwan bago iyon makaabot sa pandinig mo.Oo, maaari ngang ako'y nahihibang na sayo.
Na para bang uminom ako ng gamot na pangalan ay "Chanyeol" hanggang sa ako'y maadik at ma-overdose.Isandaan mahigit na marahil ang naipadala kong mensahe,
Na kahit kailan ay tila ba hindi mo man lamang na-seen.
Masama bang kulitin kita?
Kahit alam kong labing isang milyong fangirl ang followers mo sa Instagram?
Pano na ang aking nararamdaman?
Aasa na lamang ba ko sa tadhana,
Na baka-sakaling ikaw ay makita ng harapan?Ang tulang ito ay para sayo Park Chanyeol.
Ikaw na nag patibok ng sobra sa puso ko.
Corny ba?
Wala akong magagawa kong yan ang tingin mo.
Gusto ko lang na malaman mo na gustong gusto talaga kita at ikaw ang patuloy na bumubuo nito ❤Sa bawat pag-kanta mo, puso ko ang dinadala mo.
Sa bawat pag sayaw mo, isip ko ang natutuliro.
Pano ba kase naiisip ko,
Ang galing ng Diyos sa paggawa ng isang tulad mo.Sana ay maging masaya ka araw-araw,
At di bale ng i-bash nila ang SM basta wag lang ikaw.
Hanggang dito nalamang,
Nagmamahal, ang iyong asawa este taga hanga ❤