CHAPTER 3

12 0 0
                                    

Chapter 3
○Secret feelings○

Lisa's POV

"Hoy! may tao ba diyan sa loob?"

*Tok tok*

Ibig sabihin, may crush na ako?

"OMG~ hindi dapat ganun eh, Saddest Sad Ever."

"Sinong nandyan sa loob? Pwede pakibilisan kay linisan ko pa ang CR? Pwede?"

Natauhan nalang ako bigla ng may nagsalita sa galing sa labas

"Hala, sorry. Wait lang ha, ifa-flush ko lang." tapos kumuha ako ng isang tabo ng tubig at ibinuhos doon sa bowl

Tapos ay binuksan ko na ang door

"Ikaw ba ang taga-linis dito?" tanong ko sa kay Kristel

"Hindi talaga obvious?" sabay pakita niya sa akin ang dala niyang brush at mga sabon.

"Kaya nga." sabi ko. Grabe, taray niya ha? Kung tutuusin madali lang naman siyang kutusan. Tss

Nang bumalik na ako sa upuan, biglang akong nakaramdam ng awkward na feeling, na parang may nakakailang. Weird

"Honey" may biglang kumalabit sakin

gosh! siya na naman~

lilingon ba ako?

lilingon, hindi?
lilingon, hindi?

UGH!! LILINGON NA NGA LANG!!!

nung lumingon na ako

O.O
GOSH! bat ang gwapo niya! Fuck Lisa, this is completely not you. Screw it!

"A..ano?" halos matulala na ako sa tingin niya... SARAP MAG FREAK OUT! (NOOOO!)

"Naibalik ko na pala yung trapo sa bag mo" sabi niya ng nakatitig sa akin. Lol so ano ginapatunayan ko, na nag-eye contact kami? Hahaha Lisa, okay ka lang?

lumingon na uli ako sa lugar ko at tiningnan ang trapo sa bag ko, alibi lang yun... para mag-OH MY GOD face ako ng nakaduko

"Hindi mo naman kailangan i-share pa sa akin na nabalik mo na ang basahan ko no kasi may tiwala ako sa inyong lahat. Pero salamat" lumingon ako ulit sa kanya at nag-smile.

Ano ba naman to, bat feeling ko lalagnatin na ako maya-maya? Iba eh, iba talaga ang feeling ko ngayong araw at sa susunod pang mga araw. Parang... ugh basta. Lisa, study first. Kung ito man ang ibig sabihin ng sinasabi nilang crush, ngayon palang tanggalin mo na yan sa buong sistema mo.

---

AP class na ngayon at sabi ni teacher, mag-gu-groupings daw kami.

5 members for each group at choose your own member... so ako, nasa group nila Diana, Brylle, Devine, at Maye.

"Oy, sinong group leader natin? At anong pangalan ng group natin?" tanong ni Diana sa amin habang bumubuo ng circle.

"Ah! TEAMPURA nalang kaya, diba ang sabi ni ma'am na ang group name related sa AP?" Walang kwentang suggestion ko. Wala ako sa mood mag-isip at isa pa, di ako nakarecess kaya tempura ang nasabi ko

"Tempura? ang pangit naman, D'discovererZ nalang kaya. AP... history, discover! what do you think guys??"sabi naman nitong si Brylle, edi sya narin ang leader. Tss

"Bat di narin ikaw ang leader, ikaw naman nakaisip ng group name" I suggested, again

"Oo nga! nice idea Lisa! Oh sige. Si Brylle ang leader, si Devine ang assistant leader at si Maye ang secretary " sabi ni Diana

Accidentally It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon