Narinig ko
Ang mga ungol mo kagabi
Ibinulong sa akin ng hangin
Kaya kumaripas ng takbo
Animo'y hinahabol ng delubyoPero teka,
Hindi ata akin
Ang likod
Na haplos haplos mo ngayon
At ang makinis na braso
Kaylanma'y di naging akinSawa kana ba sa init ng aking mga halik
O sa yakap kong punong puno ng pag ibigHayaan mo mula ngayon,
Buburuhin ang pawis
Hanggang maging alak
Papandayin ang katawan
Hanggang maging asero
Makilala mo lang muli
Ang kasintahang itinaboy sa panaginip©damongligawjenny
A/N:
Isang tula na isinulat ko noong ako ay estudyante pa sa high school. Assignment namin noon. Alam ko may mga mali mali dito pero teenager lang ako noon. Basta kaming magkakaklase nagsulat na lang maski papano.
Nagpapasalamat ako kung mayron man magbasa nito, salamat.P.S.
Hindi ako perpekto, hindi ka perpekto kaya wag manghusga.Salamat uli at God bless us all!
Love,
Ate jenny
BINABASA MO ANG
KASINTAHAN SA PANAGINIP
PoesieTulang isinulat ko noong ako ay fourth year high school student taong 1997 sa Saint Michael (tula - poem)