Chapter 2 :

34 1 0
                                    

CHAPTER 2:

Hindi naman pala magiging komplikado ang presentasyon ni Macky sa harap ng Director. Sumang-ayon naman ito sa mga pinakita niyang mga documentation rito. Kaya madali lang natapos ang appointment niya sa ginoo. Makakabuti sa kanya, ang mag-relax-relax na at, tatanda siya ng maaga kapag lagi na lamang siya padalos-dalos.

"Siya nga pala, Macky. May inirekomenda pala si Mr. Santos na papalit sa kanya as your Electrical Engineer sa bagong project natin sa Ayala." Habol ng Director sa kanya. HA?!!! Wow, ang bilis naman!!

"Ah, sure sige po. Kailan po raw siya mag-iistart?" Aniya habang muling lumalapit sa office table ng Dirketor.

"Actually, His about to start right now. Sabi kasi Mr. Santos na kailagan mo na raw ng kapalit niya." Wika pa nito sa kanya.

"Opo. Kinailagan ko na po talaga lalo't na sa department ko po."

"Ok, then I'll sent him in, after lunch." Anito at saka hinablot ang parati nitong dalang attache-case at tumayo na rin sa kina-uupuan nito.

"Ok sir. Have a happy lunch."

"Same to you, Macky." Ito lang ay nauna ng lumabas ang Direktor at saka sumunod na siya rito. Nag-kahiwalay lang sila ng amo noong lumiko siya sa nadaanang intersection patungo sa opisina niya. Hindi siya nakatingin sa kanyang dinadaanan kaya kung sino na lang ang nabanga niya.

"What is your problem?" Tanong pa niya sa di kilala.

"Pardon?" Napa-angat pa ng kilay ito. At tila naguguluhan

"Bakit ka ba nang babanga diyan? Sino kaba?" Hindi naman nag-taas si Macky ng boses pero ang tenor ng pananalita niya ay tila nainis siya ng tudo ng binata.

"Oh, Am sorry. Did I hurt you anywhere?" Anito at saka lumapit pa sa kanya, upang sa suriin siya. Si Macky naman ay nagulat sa inasal ng binata, hindi niya aakalaing aamuin pa siya nito ngayong hindi naman niya ito kilala. At saka, she's been in the department for so long, kaya masasabi niya'ng ngayo pa lamang niya nakita ang binata.

"May I help you?" Pag-iibang paksa na tanong niya rito.

"No, Am ok." Sagot nito agad.

"Ok then, sige." ito lang ay dinaanan lang ni Macky ang binata. As if hindi niya ito na encounter ngayon-ngayon lang. Napakamot ng ulo lang ang binata sa inakto nito, ngunit bago ito tuluyang lumisan ay muli nito'ng binigyang pansin kung saan ito pupunta.

"So-so." Wika nito sa sarili, noong makita niya kung saang opisina ito nag-punta. Ok then, I'll see you later. Naisa loob-loob pa nito sa sarili at saka umalis na ito.

Macky Boi Engineer's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon