"Uy, si Kuya oh!" turo ni Patrice. Siya ang pinsan ni Dein Shawn Martinez, my ultimate crush since we were toddlers.
"Kinikilig na yan, oh!" panura pa saakin si Kyrizze. Inirapan ko siya at itinulak nila ako.
"A-ano ba!" angal ko. Pinagtawanan nila ako. Tignan niyo? Mga bully! I don't mind anyways dahil sanay naman na ako. I love these guys!
Pinagmamasdan ko lang siya sa malayo. Hindi ko alam kung bakit hindi na niya ako maalala. Amnesia? Bakit naman? Dammit! Oo, hindi naman talaga ako kagandahan para alalahanin niya. Pero heck, bakit?
"Mga pabibo kayo." banggit ko.
Umakyat na kami sa classroom. Kanina pa ako binubulabog ng mga kaklase ko sa sobrang ingay. Wala naman akong magawa. Sumilip si Calissa rito at tumakbo ako sa kanya at hinatak siya.
"Dito ka nga." sabi ko. Nagpupumiglas siya at natawa. Tuwing after lunch talaga, nagkakagulo ang tatlong section ng grade level namin.
"Tsk. Doon na ako! Tinignan ko lang kapangitan mo eh." tawa niya. Tinulak ko siya. Ang sama neto saakin. Palibhasa, maliit.
"Gago. Bwisit ka talaga." sabi ko. Natawa siya at pumasok na ng classroom nila pero hinatak ko siya.
Hinananap ko yung ka-MU niya, malabong usapan. And there he is, nagdodrawing sa bulletin board nila. Habang hawak ko si Calissa at bigla 'kong tinawag si James.
"James oh! Calissa nga pala." sigaw ko. Nnanlaki ang mata ni Calissa at tinulak ako sa room namin at nagtatakbo sa loob ng classroom niya.
Bagay pa naman sila. But yeah, maybe sa future. You never know. But, I don't think James will ever deserve my friend, again.
Dumating na ang teacher namin kaya nagsi-tahimik na at umupo na sa kanya-kanyang upuan. Nagdasal kami at nag-good afternoon sa teacher namin.
Umupo na kami at napatitig na naman ako sa bintana na malapit saakin. I started daydreaming na naman.
Mayamaya pa ay labasan na ng higher grade level. Which means, lunch na nina Dein. Iniiwasan ko na tumingin sa bintana kasi baka sakaling dumaan siya at mapahiya pa ako 'pag nakita niyang naka-nganga ako or what. That's embarrassing, right?
But I can't help myself to look at the window at saktong nakita 'kong papadaan siya.
Buti na lang, nagpaliwanag lang si Sir at may pinasulat sa board. Nagmadali ako ng gawa at tumingin sa bintana, muli.
"Patrice! Si Dein oh." Medyo nalakas na sabi ko. When I realized that my voice did volume up a little bit, I covered my mouth. Napatingin si Dein sa direksyon ko at ako naman ang nag-iwas ng tingin.
Napatingin sina Xandria, Yana at Patrice sa direksyon ko pati ang mga seatmates ko. Ano ba yan, Julianna! Ang bibig mo, buwiset!
I was pre-occupied most of the time. Lagi 'kong iniisip kung bakit ako nakalimutan ni Dein? Ganon ba talaga kapag di ka naman ganoon ka good looking? Madali 'kang nakakalimutan? Hustisya? Nasaan?
Bumaba na kami para sa meeting ng pag-gawa namin ng application. I mean, di kami mismo yung gagawa ng mismong application. No codes and something.
Hinahagilap ng aking mata si Dein. Kaso, di ko makita. Naisip ko rin na baka kumakain siya or what. Someone I noticed is a girl na alam 'kong nagkakagusto sa kanya.
"Si Maya ba yun? Yung nagkakagusto din kay Dein?" tanong saakin ni Yana. Umirap na lang ako tapos binatukan pa ako. Mga sadista talaga 'tong kaibigan ko!
"Oo. Pero mas maganda ka naman dun. Kaso, parang mas malaki yung pag-asa niya." ani Patrice. Hindi ko alam kung sinusuportahan ba nila ako o sinusura. Kasi kung nanunura sila? Nasusura nga ako.
YOU ARE READING
Forgotten Memories
KurzgeschichtenJulianna Cuevas is in the middle of something when Dein Martinez caught her attention. She knows him so well, but Dein have no idea who is she. Memories are meant to be kept, but sometimes, in a blur you can lose anything. Even the best memories you...