Inis na inis pa din ako sa nangyari kanina! Takte naman kasi Nuwa ano ba! Bakit ba hindi mo sinampal man lang o sinipa ng matauhan na hindi lahat ng babae na-fafall sa mga gaya niya?! Nakakainis sobra! Pagdating ko sa bahay wala akong gana na pumasok sa loob at lumapit sa mama ko na naghihiwa ng gulay for our dinner. Agad ko naman pinuntahan si mama para sabihin sa kanya na andito na sa bahay ang diyosang anak niya.
"Hi ma!" Bati ko kay mama na masyadong abala sa paghihiwa ng gulay.
"Oh anak andito ka na pala. Kamusta ang unang araw mo sa bagong school?" concern was really evident on her voice. Ang sarap sa pakiramdam ng may ganito kang mama.
"Okay lang naman ma." Okay I lied....
"Sure ka ba nak? Parang hindi ah you can tell me naman kung may problema." Eto ang gusto ko sa mama ko eh kahit busy siya sa mga gawaing bahay hindi niya ipinagdadamot ang oras niya at attention sa amin.
"Nay actually meron po eh at hindi po nakakatuwa." Okay tama yan Nuwa magkwento ka ng mabawasan naman yang stress mo kanina. Napansin ko na lang na biglang tinigil ni mama ang paghihiwa ng gulay at naghugas ng kanyang kamay sa lababo at tsaka umupo at pinalapit ako.
"Nay naman bakit mo tinigil yung paghihiwa? Naka abala pa tuloy ako." Di naman kasi kailangan itigil yung paghihiwa ng gulay kasi pwede naman ako dumada habang nag hihiwa siya ng gulay.
"Nako anak ramdam ko kasi na seryoso na usapan eto eh. Tsaka nak ano ka ba paano ako matutulungan ang anak ko na dyosa na mana kay mama niya kung may ginagawa akong iba diba?" Napaluha naman ako ng saglit kasi iba talaga mag mahal ang mama ko na eto! The best!
"Hala nak napaluha pa"
"Nay kasi naman eh.. Bakit ang sweet mo?" Natatawang sabi ko kahit naluluha ako kasi napakasarap sa feeling ng may ganitong pagmamahal mula sa magulang.
"Ay susmaryosep ka naman anak! Syempre naman kailangan sweet tayo no! Ano nga ang naging prob ng anak ko?" Okay Nuwa it's time to tell the story Aja! Wag sana mabeastmode si mama.
"Okay here it goes! Ma ganito po kasi yan. May lalaki po akong kinaiinisan sa school kanina. Kasi napaka presko niya masyado! Tapos ang manyak pa! Susme nay magsayaw ba naman sa gitna ng hallway sino kaya matutuwa doon? Tapos nay ng pauwi na ako bigla akong hinalikan nay!" Okay paktay ka na Nuwa!
"Haha!" Hala tinawanan pa ako minsan talaga maypagka baliw din si mama eh!
"Mama naman eh!" Nakanguso kong sabi.
"Nak natural lang yan malay mo crush ka ng lalaki na yun." At mukang pabor pa sa kanya at di siya beastmode.
"Ma imposible! Tsaka nay di ko naman siya type ang manyak kaya non nay sa labi ako hinalikan!" Okay naisiwalat na ang dapat maisiwalat goodluck. Napansin ko naman na nakangiti si mama at bumalik na sa paghihiwa ulet ng gulay.
"Nuwa anak eto ang tatandaan mo, walang imposible kahit yang lalaki ang pinaka manyak sa buong mundo. Kasi wala naman pinipili ang pagmamahal eh. Tsaka nak ano ka ba bago ka naman magkaroon ng first kiss nauna naman na kami ng papa mo mahalikan yang labi mo no." Kinanguso ko naman yung sinabi ni mama kasi naman eh!
"Nay naman parang kumakampi ka pa sa lalaking kwinento ko." At hala tinawanan na naman ako.
"Hindi naman sa ganon anak tsaka ano ka ba? Mandiri ka pag hindi tao ang humalik sayo o kapederasyon mo pa mas kadiri yun!" Natawa naman ako kay nanay millenial naman po pala!
"Nanay talaga loka ka! "
"Ay sisihin mo lola at lolo mo kung bakit ako ganito. Oh siya nak umakyat ka na sa kwarto mo para makapag pahinga at shower at papakuluan ko na lang ang karne pati etong gulay at kakain na mamaya."

YOU ARE READING
Even If
Teen FictionEven if you hurt me. Even if you broke my heart into pieces. Even if you caused me so much pain. I'm still gonna love you.