Kianna's love story

122 5 1
                                    

             ♫  Bakit kung  sino pa.. Ang syang marunong magmahal.. Ang syang madalas maiwan, nang di alam ang dahilan.. ♫ 

Anak ng tokwang kantang yan. Sino bang songwriter nyan? Sinong kumanta? At sino yung bwisit na DJ sa istasyon ng radio na yan ang nag-play ng lumang awiting yon?

Nakakainis. Oh-kay, ang OA ko. Those lyrics. Takte, saktong sakto saken. Nakakaasar. It reminds me of my bitter memories about love. My sad experiences. UGH. :|

Nga pala, nakasakay ako ngayon sa bus. Galing akong Manila and I’m on my way to Cavite, my home province. Dun ako magbabakasyon this summer break. And I’m planning to stay there at doon nalang magpatuloy ng pag-aaral. Plano ko na ring mag-shift ng course.

Haaay. Ang gulo ng isip ko ngayon. Kung lilipat ako, baka balik second year ako. Or worse baka freshman ulit ako. Yan na nga bang sinasabi ng matatanda eh. Sagabal nga sa pag-aaral ang letcheng pag-ibig na yan.

BH na BH talaga ako ngayon. Kumbaga sa sasakyang nasangkot sa aksidente, WASAK NA WASAK. Badtrip na pusong ‘to, ba’t kasi natuto pang magmahal. T_T

I’m Kianna. Eighteen years old and tomorrow, I’ll be turning 19. Incoming third year na dapat sa course na BSBA, major in Human Resources Management. At ito ang kwento ko.

*****

Nagsimulang tumibok ang puso ko nung first year high school ako. Chosera.

Yung ibig sabihin ko sa pagtibok eh yung alam nyo na.. Yung first time na pagkakaroon mo ng abnormal heartbeat ng puso na nakukuha mo dahil sa kagagawan ng isang napaka-espesyal na tao sa buhay mo. In short, first love. Hahaha.

His name’s Jeremy. Sa Cavite ako nag-elementary at nung nakabili si papa ng bahay sa Manila ay doon na ‘ko nag-aral ng high school. Since first year ako, niligawan nya ako. Sya naman, second year na. Bata pa kami talaga noon. 12 lang ako, sya 13. Pero iba sya sa mga batang manliligaw.

Pinupuntahan nya ako sa bahay. Hinahatid pauwi. Hindi katulad ng mga karamihang nagliligawan sa high school na hanggang school gate lang. Hanggang kanto lang. Hanggang corridor lang.

May paninindigan sya na kung manliligaw ka, dapat seryoso. Dapat alam ng parents mo at ng parents ng nililigawan mo. Dahil ang pagpasok sa isang relasyon, hindi joke joke lang. At 13 years old lang sya noon.

Yan ang dahilan kung bakit hanga ako sa kanya. Napaka-gentleman nya. Sweet. Thoughtful. Caring. Matalino. Magalang. Mayaman. Tapos gwapo pa. Anong say nila di ‘ba? ;)

Sya yung first suitor ko. Syempre, kahit gusto ko na sya noon, pakipot muna ako. Haha. Ayokong sagot agad. Masyado syang sinuswerte, buena manong buena mano ang dating nya. Haha!

Ang bait nya rin sa barkada ko. Nirerespeto nya ang pakikipagkaibigan ko sa ibang tao kaya hindi nya ko hinihila pag kasama ko ang barkada o kaya yung tipong sosolohin ako. At kung sagot nya yung merienda ko, sagot din nya yung sa mga kasama ko.

Kaya botong boto ang mga bruhang yun kay Jeremy noon. Palibhasa, nakakalibre. Nyahaha!

Sa family ko, wala ring problema. Hindi sila masyadong naghihigpit sa ‘kin kahit bata pa ako. Sa totoo lang, nagpapaalam pa si Jeremy kay papa at mama tuwing magdedate kami. Well, payag naman sila lagi, wag lang gagabihin.

At nung sinagot ko si Jeremy noong February 14, 2007, di ko ma-describe ang itsura ng mukha nya sa sobrang saya. Syempre, ang saya saya ko rin noon. :D At nagcelebrate pa ang families namin. Nag-Valentine party sa bahay nila at nandun kami kasama sina mama, papa at ang kapatid kong si Karen. Nagkaroon ng kasiyahan ang mga pamilya namin dahil saming dalawa.

Teenage Love AffairsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon