DIAN'S POV
"Alam mo beh may mga-blah blah blah" hindi ko alam pero wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi ni Mark, nandito kasi kami sa canteen, at tinititigan ko lang si GomezSiya pala yun. Yung nakaagawan ko sa notebook sa mall "Ang yabang yabang mo" bulong ko "Huy teh! Tapos na kong kumain, tsaka kanina pa ko salita ng salita. Nakikinig ka ba? Dian-" wala talaga akong panahon makinig kay Mark
"DIAN!"
"AY KIKI KA! ANO BA!?"may narinig ako na mga tumawa kaya bigla akong napatakip sa bibig ko "O-M-G, FYI hindi ako mukhang kikibels. Grabe ka ah *irap with matching cross arms*" inirapan ko din siya saka kumain
Habang nakain ako bigla nalang akong may narinig na nagtatawanan pagtingin ko sila Lili nanaman pala, binubully yung transferee. “Hanggang ngayon ba nambubully paren yang mga yan?” tanong ko kay Mark
“Jusko teh, simula ng umalis ka ganyan na palagi yung ginagawa nila, halos lahat ata dito nabully na nila”
Tumayo ako at dumiretso papunta sakanilaGanyan sila tuwing may bagong student, palibhasa umalis ako dito last year kaya sila namuno ng school “Oy, diba may rule tayo dito sa school na bawal magkalat” pinulot ko yung mga pagkain sa lapag saka binato sa kanila
Pinunas ko yung kamay ko dun sa palda ni Alice, asungot ni Lili, “Papunas ah. Kalat niyo naman yan eh” nagulat sila nung nakita nila ako, pero biglang sumama yung aura ni Lili
“Di porket that youre back you can do this to us again, RIGHT!?” sigaw niya dun sa mga studyante, tango naman sila “Hala, wala pa nga akong ginagawa eh. Nililinis ko lang yung kalat niyo. Tara ate” tinawag ko yung babae at dinala sa girls bathroom
Kumuha ako ng extra na damit habang pinastay ko muna siya dun, pagbalik ko binigay ko sa kanya yung damit “Yan muna yung suotin mo ngayon, balik mo nalang saken pag okay na” nag thankyou lang siya
“Kaklase ba kita?”tanong ko “Uhhm opo” napatango tango nalang ako nung bigla kong naalala si Mark “Uhhm anong pangalan mo?” tanong ko “Angela po” sabi niya “Ahhh sige Angela, una na ko, balik mo nalang yan” tumango lang siya kaya napatakbo ako palabas
Nagulat ako nung bigla akong bumangga sa isang tao, nakita ko na nakatayo parin siya, isang lalake. Bakit nakatayo paren siya? Samantalang ako halos lumipad na o_0
“Sorry ah” sabi ko nalang tas tumango lang siya. Wow ang gentleman. Hay nako, wala na talagang matinong lalake ngayon, si Mark nalang. Kaya lang pusong babae siya
Pagbalik ko sa canteen wala ng tao, kaya baka nasa room na siya. Nagulat ako nung biglang nag bell kaya napatakbo uli ako, kanina pa ko tumatakbo beh ~_~
Pagpasok ko sa room nandun na nga silang lahat. Gotla ako nito, history class pa naman ngayon “Sorry Im late maam” tinaasan niya muna ako ng kilay bago mag salita
“San ka naman galing Ms. Marasigan?”tanong niya “Sa labas po” narinig kong nagtawanan bigla yung mga kaklase ko kaya tinaasan niya uli ako ng kilay “Excuse me?” ngumiti ako ng pilit saka sumagot
“I mean sa CR po sa labas hehe... sige maam upo na ko” inunahan ko na siya bago pa ko masigawan ng bongga, pero hindi parin siya nagpapigil huhu “May sinabi na ba ko?” umiling ako tas saka umupo, tumawa uli yung mga kaklase ko kaya walang nagawa si Maam kundi ituloy yung napaka ikli niyang discussion
Pagkatapos ng tatlong taon, kalansay na kaming lahat at hindi parin tapos magdiscuss si maam ^_^
*ringggggggggggg*(a/n: the fck HAHAHA)
Napatayo ako atsaka sumigaw ng “YESSSSSSSSS!!!!” napakamot nalang ako ng ulo at ngumiti nung nakatingin silang lahat sakin “Hehe sorry po” naupo nalang ako ulit, at naghintay ng teacher
Nagulat ako nung biglang may nagbato ng papel sa ulo ko, pagtingin ko sa likod ko nakita ko yung babaeng nabully kanina “Sino nagbato?” tinuro niya sila Gomez kaya tumayo ako at lumapit sa kanila
“Oh Ms.Marasigan, may problema ba?” sabi niya sabay ngiti, hinawakan ko siya sa kwelyo, nagulat ako nung hundi siya pumalag nung biglang pumasok yung next teacher namen
“What are you doing!? Kilala mo ba kung sino yung kinakalaban mo Ms.- Marasigan, he is the valedictorian of this school and the son of the owner of this school” napatingin agad ako kay Gomez at ngumiti lang siya
VALEDICTORIAN!? NO WAY
“Take this slip. Mamaya pumunta ka sa room 307. 1 hour detention” sabi niya ulit “WHAT!?” tinignan ko si Mark ng -wtf look- nag shrug lang siya, sign na EWAN KO“Sinisigawan mo ko? Baka gusto mong gawin kong 2 oras?” ngumiti agad ako saka sumagot “Hala! Hindi maam noh, nag jojoke lang ako. Kayo talaga maam, di mabiro ^_^” inirapan niya lang ako saka nagsimula
Tinignan ko ng masama si Gomez saka nakinig. Pagkatapos ng klase dumiretso ako dun sa room na 307. Di lang naman ito yung unang beses na nakapasok ako dito, kaya medyo sanay na den ako T_T may mga lalaki na nandito na nakaupo lang
Binigay ko yung slip dun sa teacher saka naupo at natulog. Nagising nalang ako sa ingay, pagtingin ko wala yung teacher tapos nagulat ako na binubuksan na nung mga lalake yung bintana palabas ng room na toh
“Oy anong ginagawa niyo?” tanong ko “Tatakas, baket?” sagot nung isang lalaki na mukhang jejemon “Mga g*go ba kayo bakit kayo tatakas?” tanong ko uli “G*go ka din ba bakit naman kami hindi tatakas!? Expert na kami sa ganito” sagot naman nung isa na pang anime yung buhok
“Kesa daldal kayo ng daldal diyan, dalian niyo na, baka dumating na si piglet” sabi bigla nung lalake na- teka! Parang nakita ko na toh? Ahh baka kasama toh ni Gomez. Infairness may itsura, lahat naman kase tayo may itsura ^_^
Nabuksan den nila yung bintana kaya isa isa silang lumabas, natulog nalang uli ako at hinintay matapos yung detention. Bait ko noh. Nagising uli ako dahil naman sa yumuyugyog sakin, pagtingin ko si piglet, joke si maam
“Nasan na sila!?” tanong niya, kibit balikat lang yung sagot ko, bumuntong hininga lang siya saka ako pinalabas, tapos na pala. Tinext ko si Mark na magkita nalang kami sa canteen
Pagdating ko may pinagkakaguluhan yung mga tao, nakita ko agad si Mark na nakikigulo kaya pinuntahan ko siya “Ano meron?” tanong ko, tinuro niya yung nasa bandang unahan, isang lalake na nakatalikod
“Sino yun?” tanong ko uli “Di ko alam pero ang gwapo niya WAAAAHHHHHHHHH!!!” -_- basta gwapo talaga eh noh “Tara na nga kumain na tayo, wala kang mapapala sa isang nakatalikod na lalaki” nagpout siya pero sumama paren, gaga dia
Habang nakain kami biglang tumahimik, tapos si Mark naman biglang natigilan kaya napatingin ako sa kanya. Tinignan niya ko tapos tumingin siya sa likod “Oy ano ba nangyayari sayo?” hinawakan niya yung mukha ko saka nilingon toh sa likod
Pagtingin ko, nakita ko si “IKAW!?”
To be continued
BINABASA MO ANG
The Only One For Me (Revising)
HumorOnce upon a time in a far far away la- ARAY!! Ano ba ako narrator wag kang epal Dian! So Ito ang story ni Kyle at Dian Si Dian ay isang studyante na bagong dating. ULIT. sa school nila at si Kyle ang pinaka sikat na lalaki sa school nila, di lang da...