Bahala na

6 0 0
                                    

Nagsimula tayo sa bahala na. Bahala na kung paano ang bukas, bahala na kung saan to magwawakas, bahala na  kung ano ang hinaharap, bahala na kung hindi tiyak ang kung ano man ang meron tayo, bahala na.
Naging maayos naman ang lahat. Masaya tayo sa bawat araw na lumilipas, masaya sa bawat pagkakataong tayo'y tumatakas, masaya tayo kahit nakaupo lang tayo jan sa labas, masaya naman tayo di ba? Masaya naman tayo, un ang alam ko. Ngunit isang araw bat parang may nagbago, bigla kang lumayo, bigla nawala ung saya, eto na ba yung simula ng sagot sa bawat "bahala na" na binigkas natin sa isa't isa? Nawala na ang tamis sa bawat salita na nagmumula sayong mga labi. Nawala na ung ingat, ung pag iingat mo sa akin tuwing magkasama at tuwing maghihiwalay ng landas. Nawala na ung saya, ung saya kahit sa mga simpleng bagay lang. Bakit nag bago ang lahat? Bakit nawala na lang ang lahat? Nanlalamig ka na. Nanlamig ka na. Pero hindi, hindi pala, hindi ka pala nanlamig, nasawa ka na pala sa malalamig na umagang masaya tayo magkasama dahil mahal gusto mo pala ay ang maiinit na gabi, kaya ba mas pinili mo ang mga maiinit na gabi? Ang mga gabing pinapainit mo kasama sya? Mahal may nagpapainit na pala sa mga gabi mo kaya mas pinili mong talikuran ang malalamig na umaga kasama ako. Mahal may iba na pala kaya pala natapos na ang masasayang araw na magkamiling ang ikaw at ako, natapos na pala ang tayo. Mahal, ay hindi pala kasi sa simula pa lang ako nga pala ay "bahala na " lang sayo. Mahal hindi, hindi ko nga pala talaga alam kung may "mahal" o kung may pagmamahal nga ba sapagitan nating dalawa. Kaya ngayon para sayo tatapusin ko na. Tatapusin ko na ang mga bahala na, tatapusin ko ng mag isa ang bawat bahala na dahil mahal, mahal ako na lang pala ung umaasa at nang hahawak na balang araw ang bawat "bahala na" ay magkakaron ng kasiguraduhan. Kaya nawa hindi matapos ang maiinit nyong gabi dahil mahal pagod na ko, pagod kong mag intay sa bawat malalamig na umaga na baka sakaling dumating ka. Mahal hanggang dito na lang siguro ang ating istorya. Mahal eto na ang dulo ng ating mga bahala na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bahala NaWhere stories live. Discover now