Dear Aries
Written By: Admin EarthPrincess
Edited By: Admin BelleBerry (just thank me later. jk)
© 2013 dreamhighfive All Rights Reserved
----------------------------------------------------
"Maingay"
"Panget"
"Nagsalita ang Maganda"
"I know right"
"O, Wag feeler"
"Leche ka "
"Tao ako"
"Weh? Di nga?"
"Ayaw Maniwala"
"Eh di ka mukhang tao eh"
"Oo nga parang ikaw"
"Che! Ewan ko sayo!"
"Bhelat! Talo sya!"
Nakakainis talaga! Sobrang nakakainis! To infinity and beyond! Buset na Niel yan!
Pero sanay nako. Ganyan kaya ang normal conversation namin. Kahit nakakainis.
Oo. Naiinis ako sa kanya. Si Niel Bustamante. Classmate ko since grade 7 at grade 10 na kami ngayon. Ibig sabihin matagal ko nang tinitiis ang panget nyang mukha.
Kung sa tingin nyo simula pa lang ng grade 7 lagi na kaming nagaaway, mali kayo. Actually nung grade 7 niligawan nya ko. Tama kayo ng dinig, Niligawan nya nga ako. Sobrang sweet nya non. Sabi ko nga mukhang na Like at first sight ako nun sa kanya.
Pero nung grade 8, umamin sya saakin. Sabi nya ang galing kong umarte no? joke lang yung panliligaw ko. Naniwala ka naman.
NASAKTAN AKO. To infinity and beyond.
At ano pa ang mas masaket? Sinabi nya yon sa araw na sasagutin ko na sana sya.
NASAKTAN ULIT AKO. BIG TIME.
Dahil don eh pag nakikita ko sya eh naalibadbaran ako sa mukha nya. Lagi kaming nag iinisan. Pero hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing naiisip ko na joke lang para sa kanya yung panliligaw nung mga panahong nahuhulog ako sa kanya.
Psh. Nevermind the drama
"Hey Aries!" sigaw ng panget. Oo, si Niel.
"Maka-hey. Close Tayo?" sigaw ko pabalik. Magpapatalo ba ko?
Nagulat ako nung lumapit sya saakin. Mali pala. Nung dumikit sya saakin. Waaaah?! Bat sya dumikit?! Naamoy ko tuloy yung pabango nya .
"Ayan close na tayo" sabi nya with a smirk. Waaah?! Pervert?!
Sa sobrang gulat ko eh natulak ko sya. Sumobra ata yung pagkatulak ko at tumama sa pader ang ulo nya. Mas nagulat ako nang bigla syang sumigaw.
"Aaaaaaaaaaaaarrrrrrrgggghhhhh" Sigaw nya habang nakahandusay sa sahig at nakahawak sa ulo nya. Anong nangyari sa kanya?
"Uy! Niel?! Anong nangyari sayo?! Niel?!" Sabi ko habang pinipigilan syang magwal. Pero sa sobrang pagpupumiglas nya eh natamaan nya ko at tumama ako sa pader.
" Aray!" Sigaw ko. Ansaket.
Biglang dumating ang mga kaklase ko at dinala sya sa clinic. Naguguluhan nako. Anong nangyari?
BINABASA MO ANG
Dear Aries (One Shot)
Teen FictionThe unspoken feelings of Niel Bustamante for Aries Legaspi, written in a letter.