A LOVING FATHER

40 1 0
                                    

Sabi nila, ang ama ang haligi ng tahanan. siya yung kumakayod, nagpapakapagod, at nagpapakahirap. lahat kayang gawin, lahat titiisin maiahon lang sa hirap ang kanyang pamilya.. etong kwentong 'to ay base sa tunay na buhay...

***

Isang araw, habang papunta ako sa school ko, may napansin akong isang matandang pipi (dumb) na lalaki. pinagsasabihan niya ang isang babae. nilingon ko lang sila saglit at pagtapos ay nagpatuloy nako sa paglalakad ko. habang papasok ako sa entrance gate ng school ko, may biglang bumangga sakin. Isang babae. (nakakunot ang noo, at parang inis) kaya sinabihan ko siya, "Ang ganda mo pa naman tapos nakakunot noo mo." with matching smiling face pa. :) pero dinedma lang ako kaya hindi ko nalang din pinansin. pagtapos ng klase ko, dumeretso ako sa canteen. Nakita ko ulit yung babaeng bumangga sakin sa entrance gate. Nag-iisa lang siya kaya nilapitan ko siya.

"Ikaw nanaman?!" sabi niya sakin. "Oo. ako nanaman. hindi naman malabong di tayo magsalubong eh parehas lang tayo ng pinapasukang school." sabi ko naman. pero dinedma nanaman niya ko kaya umalis nalang ako. (papabilisin ko lang ang kwento)

nung uwian na, habang naglalakad ako, nakita ko ulit yung piping lalaki. nag-titinda ng fishball. siguro mga around 8pm na yun nung mga sandaling nakita ko siya. Actually, matanda na siya para magtrabaho ng ganung oras.. nung nalampasan ko na siya, inisip ko bakit siya hinahayaan n pamilya niya na magbenta o magtrabaho pa ng ganung oras. May pamilya pa nga ba talaga siya? after nun, naisip ko na may nakita nga pala akong kausap niya nung papasok palang ako ng school...

KINABUKASAN...

Papasok na ulit ako. madadaanan ko nanaman siguro yung matandang lalaki. pagdating ko dun sa dinadaanan, hindi nga ako nagkamali. andun siya kausap ulit ang babae. ganun ulit, parang galit yung babae, at sa nakikita ko nung panahon na yun, pinipilit ipaintindi nung matandang lalaki yung bawat sinasabi niya dun sa babae. nung maglalakad na sana ko, bigla akong may narinig...

"wala kang kwentang ama! pagod na ko intindihin ang bawat sinasabi mo! sana hindi nalang ikaw ang naging tatay ko! mas gusto ko pang mamatay nalang kesa magkaroon ng tatay na katulad mo!" nalungkot ako sa narinig ko, pero dahil wala akong magawa naglakad nalang ulit ako..

nung pauwi nako at pagkadating ko sa dinadaanan ko, nakita ko yung matandang lalaki. nilapitan ko siya, kunyari bibili ako ng fishball. sinubukan ko siyang kausapin kahit na alam kong hindi siya nakakapagsalita. Tinanong ko siya, "kaano-ano niyo po yung lagi niyong kausap tuwing umaga?" sumenyas siya ng parang may hinehele. naisip ko, anak.. kaya tinanong ko ulit, "anak po?" tumango siya habang nakangiti. humingi siya ng ballpen at papel. aalis na sana ako ng bigla niyang inabot yung papel na binigay ko. may nakasulat dun..

"Mahal na mahal ko ang anak ko, kahit na ikinakahiya niya ako, lahat ginagawa ko maibigay ko lang ang gusto niya. kahit matanda na ko, buong mag-hapon ako nagtatrabaho para sakanya. naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko masabi sakanya kung gaano siya kahalaga at kung gaano ko siya kamahal." (yan nalang yung natatandaan ko, pero hindi naman nagkakalayo gaya dun sa sinulat niya) sinabi pa niya na, may sakit siya kaya hangga't kaya pa niyang alagaan ang anak niya, gagawin niya.

"Napakaswerte po ng anak niyo sainyo. dahil may tatay po siyang kagaya niyo." nung paalis nako, nginitian niya ko at sumenyas ng naka-aprub (Like). kaya ngumiti din ako at sinabi ko na, "kung sino man po ang anak niyo, balang araw maipagmamalaki niya rin po kayo."

KINABUKASAN..

yung matandang lalaki nalang ang nakita ko. wala na yung babae.. nginitian ko nalang siya. pagdating ko ng school, wala kaming prof kaya dumeretso ako sa canteen. at sakto, nakita ko yung babaeng bumangga sakin sa entrance gate. ayoko sana siyang lapitan kasi baka dedmahin nanaman niya ako. pero dahil nakita kong problemado siya, nilakasan ko nalang ang loob ko.

"Hi, pwedeng makiupo?" sabi ko. "Hindi naman sa akin tong pwesto para pagbawalan kita." sabi niya. ngumiti nalang ako. magsasalita na sana ako ng biglang.. "may tatay ako. matanda na siya. pipi. para sakin wala siyang kwenta kasi hindi naman niya ko maipagtanggol sa mga umaalipusta sakin. maipagtatanggol nga niya ko, pero useless din kasi hindi naman siya naiintindihan. pinagtawanan lang tuloy siya. ang malas ko. bakit kasi siya pa binigay sakin eh."

"Ano bang pangalan mo?" sabi ko. pinakita niya lang ID niya. nakalagay, "Blessy Jane P. Beneroso"..

"Alam mo blessy, may nakilala akong matandang lalaki. pipi din siya tulad ng tatay mo. pero lahat ginagawa niya para sa anak niya. hindi naging hadlang sakanya ang kapansanang meron siya o kung matanda na siya. siguro, kung ako ang anak niya, mas pipiliin kong maging masaya dahil naging tatay ko siya kesa sa kung ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sakanya. Hanga ako dun sa nakilala ko na yun! kasi mahal na mahal niya ang anak niya. kaya ikaw? hindi ka malas dahil siya ang naging tatay mo. swerte ka nga eh! kasi ikaw may kinikilalang tatay, samantalang yung iba, walang nakagisnang tatay ng paglaki nila. kaya wag na wag mong iisiping malas ka dahil siya ang binigay sayo ng Diyos. dapat kung sino ang binigay sayo para tumayo bilang magulang mo, tanggapin at mahalin mo." sabi ko.

"Salamat. gusto kong humingi ng tawad sa tatay ko. pwede mo ba kong samahan?" sabi niya. sinamahan ko siya.

Pagdating namin dun, nagulat ako. yung matandang nakilala ko pala ang tatay ni blessy.. nalungkot ako pero alam kong mas nalungkot si blessy. Naabutan naming maraming tao, nagkukumpulan. at nakita namin, wala ng malay ang tatay ni blessy. Iyak ng iyak si blessy at pilit niyang ginigising ang tatay niyang walang malay.. may dumating na ambulansya at isinakay ang tatay niya. Nagpaiwan muna si blessy para ayusin ang munting pinagkakakitaan ng tatay niya.

nilapitan ko siya. pero paglapit ko, aksidenteng nabangga ko ang lagayan ng hindi pa nalulutong fishball sa ilalim ng kariton. Biglang may gumulong na alkansya. pinulot ko, at ibinigay ko kay blessy. "Blessy, nalaglag o?" sabi ko.

binuksan niya yung alkansya. At sa loob nun may isang papel. pinakita sakin ni blessy kung anong nakalagay dun...

"Alam ko, makikita mo ito. inipon ko ito para sa 18th birthday mo. ibibili kita ng cake.. pero sa sakit na meron ako, mukhang malabo na mabili ko pa yun sayo kaya ikaw nalang bumili ha. pasensya na kung hindi ako naging isang perpektong ama sa iyo, pero hindi naman ako nagkulang sa pag-alaga at pag-mamahal ko saiyo.. anak, blessy.. lagi kong sinasabi sayo tuwing papasok ka ng eskwelahan mo, kung gaano kita kamahal at kung gaano ka kahalaga sakin. Happy birthday anak. Love, papa..."

Niyakap ko nalang si blessy para hindi niya maramdamang nag-iisa siya.. pagkatapos ng araw na yun, 2 weeks kong hindi nakita si blessy. Araw-araw ko siyang inaabangan sa canteen. pero walang blessy na dumadating.. hanggang isang araw, nakita ko siya palaboy-laboy malapit sa pwesto nila dati. nilapitan ko siya at nung sinubukan ko siyang kausapin. sumenyas lang siya. nakita kong putol ang dila niya. hindi ko na maintindihan ang bawat sinasabi niya.. at bigla nalang siyang umalis.. Hanggang ngayon hindi ko na siya nakikita...

****

"Lagi nating iisipin na napaka-swerte natin dahil may tatay tayo. nandiyan para paalalahanan tayo. para pag-sabihan kapag may nagagawa tayong kasalanan. Minsan, kaya tayo pinapagalitan o napagsasabihan ng mga magulang natin ay para rin sa ikabubuti natin. walang hinangad ang mga magulang natin na ikasasama natin. Palaging nasa huli ang pag-sisisi. kaya hangga't may tatay o nanay ka, Iparamdam mo sakanila na kung kayo na anak nila ay mahalaga sakanila, iparamdam niyo na mas mahalaga sila sainyo. sulitin niyo habang kasama niyo pa sila.. sabi nga sa 10 commandments diba? "Love your parents."

****

A LOVING FATHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon