Chapter 25

1.2K 42 17
                                    


Kahit na marami ng nangyare simula nung bumalik ako dito hindi pa rin ako tumigil sa pagsunod sa kanila. At kahit pinapatay na ko ng selos wala akong magawa dahil wala na naman akong karapatan. I guess, simula nung iniwan ko siya tinatak na niya sa isip niya na wala na ko sa buhay niya.

"Uy, ano na? Tatanga ka na lang ba dyan? Ikaw ang nag-aya pero bakit ikaw pa walang gana umalis?" Takang tanong ni Gee. Napatingin naman ako sa kanya.

"Dapat pa ba?" Tanong ko. "Dapat pa ba kong umasa? Dapat pa ba kong umasa na magiging okay kami? Dapat ko pa bang ipilit kung wala na namang pag-asa?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"So, anong pinaparating mo? Susuko ka na without even trying? Ano hahayaan mo na lang siya maging masaya sa iba?"

"I was the one who took her happiness. Since the day I left her pati pagmamahal niya tinangay ko na. At hindi ko rin alam kung may kapatawaran pa ang ginawa ko sa kanya."

"So, anong balak mo? Aayaw ka na?"

"Hindi ko alam." I felt saddened.

"Ayssh! Wag ka na nrama dyan. Tara na! Sayang naman 'tong binili ko oh." Sabay pakita ng anime na mask na hawak niya.

"Let's go na. Malapit na magstart yung event nila." Sabay hila sakin.





"Alin sayo dito?" Tanong niya sakin habang pinapamili yung isusuot kong mask.

"Ito na lang," sabay kuha nung isang mask. I remember isa 'to sa cast ng favorite anime na pinapanuod niya. Tama! Si no face to.

"Wear it before tayo lumabas ng car." Sabi niya. Tumango naman ako.

Sinuot ko na rin yung mask dahil baka kasi may makakilala samin, mahirap na.

--

"Sure ka ba talaga na dito tayo sa loob? Baka may makakilala satin e." Pag-aalala ko.

"Sira! Walang makakakilala satin dito. Safe tayo!" Sabi niya. Hinila na niya ko papasok sa loob.

Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko naman alam kung bakit? Feeling ko kasi may something na mangyayare e.

"Huy! Bakit tense ka dyan? Mas mahahalata ka niyan e."

"Hindi ko rin alam, gee. Kinakabahan ako." Sabi ko.

"Relax ka lang kasi." Tumango na lang ako sa kanya. I took a deep sigh to release my nervousness.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siya sa stage. Heto na! Malapit na naman ako sa kanya. Mas kita ko na ulit ng harapan ang mukha niya.

When the event started  nagsimula na rin silang kumanta. Nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa kanya. Her eyes are really captivating. Yung angas sa t'wing kakanta siya ay lalong bumabagay sa kanya. I missed you, Glai! I missed the old us.

Hindi ko napansin na natapos na niya ang kanta niya. Nagulat na lang ako when she talks about something.

"Ahmmm. Guys! Gusto niyo bang maglaro tayo?" Nakangiting tanong nito sa kanyang fans.

Halos mabingi ako nung nagsihiyawan ang lahat sa sinabi niya.

"Okay. Mukhang gusto niyo ah? Hahah. Bring me tayo. At kung sino makakapagdala ng isang hiling ko may prize..... Isang kiss galing sakin." Natatawa niyang sabi. Can I join? Gusto ko ulit mafeel yung kiss mo Glai.

Mas lalo namang dumagundong ang hiyawan sa loob ng event center dahil sa sinabi niya. 5x kumpara kanina. Sino ba naman kasi mag-aakala sa sinabi niya di ba? And syempre kiss mula kay Glai? Daig mo pa nakajacpot. Trust me! I know the feeling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catch me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon