Chapter 3 - The Transformation & The New Life

65 4 1
                                    

Chapter 3 - The Transformation & The New Life

Asa mall na kami ni MOMMY. Lahat ng makita niyang damit, sapatos, kwintas, hikaw, etc. Pinasusukat niya sakin. Wag daw akong mahiya. Lahat ng daw ng magustuhan ko, ipabili ko daw sakanya. Lahat lahat. Napadaan kami sa isang salon, "Tara dito. Magpapaganda tayo." "Mommy wag na po sobra sobra na po ee." "Tssk. Tara na." Okeey. -.-" wala na akong nagawa.

Yung pimples ko? Medyo nawala. May kung anong pinahid sa mukha ko. Ung straight kong buhok, medyo kinulot. Yung kilay ko, binawasan. Basta napanga nga nalang ako noong hinarap ako sa salamin. "Mommy? Ako ba to?" 

"Aba syempre Ikaw yan."

"Haha. Thank you po. Sobrang thank you po!"

"Wag kang mag thankyou. Bumabawi lang ako sayo. Halika, may pupuntahan tayo."

"Saan po?" "Basta."

Naglakad kami, hanggang. "Mommy bat po dito tayo nagpunta?" Nagpunta kami sa Cyber Zone.

"Ibibili kita ng Cellphone." 

"Nakuu. Wag na po." "Pumili kana."

"Wag na nga po." "Kung ayaw mong pumili--" yes di na kami bibili! Sa totoong lang gusto ko talaga kaso. Sobra na ee.

"Ako ang pipili para sayo." 

"Pero---" 

"Wala ng pero pero. May napili na ako, Miss. Eto nga."

"Ahh sige po" -Sales lady.

Nagbayad na si Mommy. Tapos lumapit siya sakin at binigay na yung cellphone. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagka cellphone na mamahalin. Namamangyan ako! Promise!

"Ohh eto na. May sim na yan, sinave ko na number ko dyan. Para kahit nasa school ka, makakatawag ka kung may emergency"

"Sige po." "Tara na kumain. Nagugutom na ko ee" -Mommy.

Kumain kami sa Kenny Rodgers. Sasarap nga ng pagkain. :D Tinamaan na naman ako ng katakawan. Na walan di ako ng hiya. Basta kain lang. Kain. Kain. 

Pagkalabas doon, busog na busog ako. Take note, SUPER BUSOG! Haha.

Asa kotse na kami, "Anak, magsisimula tayo ha? Gusto ko, mabago na ang buhay mo. Yung di ka na mahihirapan. Okeyy ba yun?"

"Sige po. Sana po, di na tayo maghiwalay."

"Pangako yun. Uwi na tayo?"

"Opo. Gabi na rin po ee."

Pagkauwi, sabi ni Mom. Oha! Asensado na! Mom na ang tawag ko sakanya. Haha. Balik sa realidad, sabi niya pag kalinis ko ng katawan, doon daw ako matulog sa tabi niya. Gagawin daw niya akong baby. Haha. May pagka valiw din tong Mom ko. XD

~Kinabukasan

Ang "Daily Routine ko" pagkakagising. *refer to Chapter 2* gumising ako, wala na si Mom. Bumaba na ko. 

Pag karating ko sa Baba, WOW! ang Bango! Amoy palang, ULAM NA! haha. 

"Anak, umupo ka na dyan. Pinagluto kita ng Breakfast. Pagkakain, mag sisimba tayo. Okey?"

"Ahh sige po. Tara na pong kumain."

Nag simba na kami, syempre nag pasalamat ako na kasama ko na ang Tunay kong Mom. Haha. :D

Katulad kahapon, nag mall ulii kami. Mga bagong damit. Sapatos. Etc. Dami ko na ngang stuffs ee.

~Kinabukasan. Again! XD

"Anak. Galingan sa school ha? Ingaat ka."

"Opo. Gagalingan ko po." Gagalingan? C'mon.  4 months nalang Graduate na ko. Pano pa ko magpapakagaling? Ee. Wala ako sa top. Di nasagot sa klase. Wait! Wait. Na realize ko lang, may pag aasa pa! May 3rd at 4th periodical pa. Kaya pa yan. Haha. Magiging Valedictorian ako! Taas ng pangarap! Hello! AmbiFrog nga ako diba? Haha. Di pala. AMmbisosya lang. Maganda na kaya ako! XD

St. Martin International School. One of the famous and top leading school In the world. Take note. IN THE WORLD.

Dyan ako napasok. Mahal tuission dyan ee. Kaya nga ako nkapasok dito dahil kay Mr. Perez. Grade 12 student ako. 

Nabanggit ni Mom na dito rin napsok si Joaquin. Pero di dito sa Pilipinas, sa London. Grade 12 din siya. Natanda lang ako ng 3 years sakaya.

Habang naglalakad ako, marami ng nakatingin sakin. "Who's that?" - Student 1

"Transferee ba siya?" - Student 2

"Shocks! She is so Pretty!" - Student 3

Akala niyo ako yun? Nagkakamali kayo! 

Si Kim Shin Hyun. Isang Koreana. Galing ng SMIS-Korea. Exchange student. Ganda niya!

Eto ang mga comment sakin ng mga students.

"WTF! Nag paRetoke si Ambi Frog!" - Student 1

" Ambisosya talaga." "Oo nga." -Student 1 & 2

"Kahit anong gawin nya, pangit at pangit parin siya." - Ashley. Siya ang madalas mang api sakin.

The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon