KAWANGIS

10 1 0
                                    

Tulad ng isang ibon, tao ay naglalakbay
Dito sa mundong, mga tao ang nakahimlay
'Di alam kung saan tutungo, kusang naglalakbay
Tulad ng isang bagay, pasalin-salin sa kamay.

Tulad ng isang ibon, tao ay naghahanap
Nang pagkain sa araw-araw at sa hinaharap
Dahil hindi alam kung ano ang magaganap
Dito sa mundong tila lahat ay naghihirap.

Tulad ng isang ibon, tao'y sadyang malaya
Lahat ng kanyang naisin, kaniyang magagawa
Mangaral, mag-aral at magpakadalubhasa
Ito'y kanyang magagawa dahil siya ay malaya.

Tulad ng isang tao, ibo'y nagdaramdam din
May puso at damdamin na sadyang maramdamin
Mata'y lumuluha, isip ay nagugulo rin
Kung saan kukuha ng kanilang makakain.

Tulad ng isang tao, ibon ay naghihirap rin
Doon sa papawirin na mahirap abutin
Pilit na nililipad ng kawawang inahin
Upang mayroong makain ang anak na sakitin.

Kaya nga, sa ating puso, isip at damdamin
Ibon ay dapat pahalagahan at mahalin
Dahil ito ay nilikha na kawangis natin
May puso't isip at damdaming nasasaktan rin.

KAWANGISWhere stories live. Discover now