Chapter 2 [1st day part 1]

31 1 0
                                    

(Maica's POV)

Ngayon na ang 1st day na aalagaan ko si Adriann. Sabi ni doc dumating na daw siya at nandoon na siya sa room niya. So pumunta na ako dun. Tutal alam ko naman na kung saan yung magiging room niya kaya di ko na tinanong kay Doc Cruz.

"Ahh, ano kaya ang gagawin ko? Kakatok o bubuksan nalang yung pinto? Aishh.. bubuksan ko na lang!" para akong sira na kinakausap ang sarili ko sa harap ng pintuan ng room niya.

*creaakk*

O_O

Eh? Bat madaming tao? Siguro parents niya yung dalawang matanda at kapatid niya yung isang batang lalake? Siya naman nakatingin lang sa bintana. Di ko makita yung mukha niya kasi nakatalikod siya pero alam kong siya yun! Nung napansin nila akong nakasilip, pumasok na ako at binati ko sila.

"Good Morning po sa inyo!" Ngumiti ako at nagbow. Koreana lang ang peg noh? Hahaha

"Good Morning din iha! Ikaw ba yung magiging personal nurse ng anak ko?" tanong nung matandang babae.

"Ah opo! Ako po yun! Ako po si Nurse Maica Saragosa!" sabi ko ulet. Di naman halata na energetic ako noh? Hihihi. Sorry nakainom lang ng kape. Joke XD.

"Ohh nice meeting you Nurse Maica. Kami pala ang parents ni Adriann. Ako si Michael at siya naman si Evelyn" pagpapakilala saken ni Sir Michael.

"Nice meeting you din po!^_^" sabi ko.

"O siya. Aalis na kami. Ikaw na bahala sa anak namin ah? Bye anak" sabi ni Mam Evelyn at kiniss niya sa ulo si Adriann.

"Bye son. Take care of yourself" at niyakap ni Sir si Adriann

"Bye kuya. We will visit you every weekends! Promise! And by the way ate nurse! I'm Rhyan! I'm 7 years old!" ay ang cute naman ni Rhyan. Ngumiti lang ako sa kanya at umalis na sila.

"Ahh Adriann, ako nga pala si Mai--"

"Kilala na kita"  singit niya.

Nyee? Sungit naman nito.

"Ahh edi okiiee! Kilala na natin ang isa't-isa. Ang kailangan nalang magbihis ka na ng damit pang pasyente. Heto oh" lumapit pa ako sa kanya at nilapag yung damit niya sa higaan niya. Unti-unti naman siyang humarap saken hanggang sa nakita ko yung mukha niya.

O_O

Mas GWAPO pala siya sa personal. Ang puti puti at ang kinis kinis pa! Walang bahid ng tagyawat ang face niya!

"Nurse, na starstruck ka na ba saken? Tingin ko, oo *smirk*" sabi niya

WHAT?! Aba! Bukod sa masungit na siya, eh ang yabang yabang pa! Rawr!

"No way! Hoy Adriann! Pwede pakihinaan naman yang electric fan sa loob ng katawan mo? Masyadong mahangin! Nilalamig ako!" sarcastic kong sinabe. Nakapameywang pa ako niyan.

"Easy lang! Easy! Joke lang naman! Wag masyadong highblood. Hehehehe. Di naman to mabiro!" ngumiti siya at tumayo na.

At dahil mabait ako, patatawarin ko siya :)

"Okay... Magbihis kana. Tawagin mo nalang akong Maica. Para di masyadong pormal" sabi ko sa kanya.

"Okay Maica. Pwede humingi ng favor?" tanong niya at unti-unitng lumapit saken.

"A-ano yun?" ano ba yan! Uutal-utal pa ako! Eh anlapit niya kase eh.

"Pwede mo ba akong... bihisan?" sabi niya sabay ngumiti ng nakakaloko.

O_O B-bihisan?

bihisan?

bihisan?

bihisan?

BIHISAN?

"NO WAY!" lumayo ako sa kanya at mabilis na nagtago sa side ng kama niya.

"BWAHAHAHAHA!!! Biro lang Ahahaha!" tawa lang siya nang tawa hanggang sa pumasok na siya sa banyo. May sariling banyo ang kwarto niya at... teka? Parang ang kama niya? Kase ng pumunta ako dito, parang ordinary hospital bed lang ito. Baka pinalitan nila ta bumili sila ng mas malaki. Ah... siguro nga. Mayaman nga. Ay oo nga pala! Kelangan ko pang icheck ang kalagaya niya. Lumabas na siya ng banyo.

"Okay ka lang ba?" tanong ko. Hawako niya kasi ang noo niya at minamasahe ito.

"Medyo masakit ang ulo ko" sabi niya. Kaya inalalayan ko siya papuntang higaan niya at hiniga na siya. Pinainom ko siya ng gamot at nirecord ang condition niya. Umupo  ako sa tabi ng kama niya.

"Adriann, mamaya pa ang therapy mo, mga 3:00 pa" pagpapaalala ko sa kanya.

"Sige" maikli niyang sagot. Makipagkwentuhan nga muna.

"Ahmm.. Adriann, bakit di ka nalang dumaan sa isang operasyon kesa sa dumaan ka pa sa mga therapy?" tanong ko sa kanya.

"Kase pag nagpa-opera ako, maaari akong magka amnesia o di kaya, baka di ako makasurvive" tama nga siya pero sa ibang bansa?

"E sa ibang bansa? Mas advance yung technology dun" sabi ko naman sa kanya.

"Ayoko lang umalis dito sa Pilipinas. Gusto ko kung mamatay ako, dun sa isang lugar kung saan ako lumaki. At  ayoko magka amnesia." nalungkot ako sa sinabe niya kaya di ko na napigilan na yakapain siya.

"Hwag mong sabihin na mamamatay kana" at nakayap parin ako sa kanya.

"Uy! Wag kang yumakap!" sabi niya at pilit niyang inaalis ang yakap ko sa kanya. FC lang ako noh? Hehehe sadyang FC lang ako.

" Okay sige na. Matulog kana muna" at kinumutan ko na siya

 *****

VOTE! COMMENT! BE FAN!

Thanks for reading!

~CuteAngelicPrincess

I've Been Inlove With My Patient(HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon