Isa,dalawa,tatlo
Ayan na naman ang puso't isip ko'y litong-lito
Bakit ba lagi nalang akong tinatakot ng mga numero?
Tila ba ako'y hindi malaya sapagkat sinakop na nito ang mundo
Pati ang mga tao ay nagmamadali,pupunta doon at dito
Iniisip-isip din ang mga numero
Ang petsa,oras,kanilang suweldo,
tindig,laki,timbang,edad at pulso
Ako'y nagtataka kung bakit masyado silang abala
sa pagbibilang ng mga bagay na kanilang nagagawa
Di nila napapansin na sila ay nakakakulong na
sa isang depresyon,madilim na kweba na di nila inaakala
Sabi nga nila,Mga numero sa Matematika'y dapat nating pag-aralan
Ngunit bakit ba lagi nalang ako nitong sinasaktan?
Oo,ilang taon,buwan,araw,oras,minuto at segundo na ang nagdaan
Pero naalala ko pa rin ang panahon na ako'y kanyang iniwan
Paano makakalimot ang isip kung siya ang sinisigaw ng puso?
Pati ang mga ulap sa kalangitan,mukha niya ang nakikita ko
At kahit pa lahat ng bituin ay aking bibilangin,
At kahit lahat ng mga kanta ay aking aawitin,
Hindi pa rin matutupad ang aking hiling
hiling na sana'y siya ay aking makapiling
Sa numero nga ba tayo nabubuhay?
o sa numero tayo namamatay?
Ayoko na,Ayoko nang isipin pa ang mga numero
ngunit kahit saan ako pupunta ay sinusundan ako nito
Ang numero nga naman ay walang hangganan,walang katapusan at walang dulo
Gayundin ang sakit at pait na nararamdaman nitong aking puso...
BINABASA MO ANG
Numero
PoetryAng numero nga naman ay walang hanngan,walang katapusan at walang dulo Gayundin ang sakit at pait na nararamdaman nitong along puso