Kim VS Idols ( one shot )

30 2 6
                                    

Kim's POV

" Waahh! Ang ganda talaga nila!! "

-_- Yan nanaman siya sa pagpapantasya niya sa SNSD. Ako nga pala si Kim Alvares‚ ang dakilang bestfriend ni Ken Stone na adik na adik sa mga K POP girl groups.

" Pwede ba! Tigilan mo na nga yan! Kanina mo pa pinapatugtog yan ah. Naiintindihan mo ba sinasabi nila?! HA?! "

BWISIT -_-"

" Pake mo ba! Eh ano ngayon kung hindi ko sila maintindihan. Sabihin mo naiingit ka lang sa kanila kasi sila magaganda at sexy eh ikaw? Maganda ka ba? Sexy ka ba? ha?! ha?! "

Aba loko to ah! Anong tingin niya sa akin‚ PANGET?!

" OO! anong tingin mo sakin panget ha?! "

" Sus! Bahala ka na nga! Mind your own business! "

Tumalikod na siya sa akin at humarap ulit siya computer niya. Inirapan ko siya kahit hindi niya naman nakikita. Hayy! Yan ang daily routine namin ni Ken. Ang sweet namin no!? AMBOT!

Bakit siya lang ba may idol? pwes ako din!

Binuksan ko yung laptop ko at nangstalk sa One Direction at Exo.

" Kyahh! Ang pogi talaga ni Zayn at Sehun!!!!! "

Tiningnan ko si Ken kung nagreact ba siya. Taeng yan! Ni hindi man lang ako nilingon. Bwisit! -_-"

Kung iniisip niyong nagseselos ako‚ tama kayo. Hindi dahil gusto ko siya kundi naiinggit ako kasi hindi na kami masyado nagbobonding. Minsan na lang kami naguusap ng matino. Kapag kinakausap ko siya hindi naman siya nakikinig.

" Kim tara punta tayo sa mall! ^_^ "

tiningnan ko yung nagsalita.....

HIMALA! niyaya niya ako magmall!

" Anong nakain mo Ken at naisipan mong magmall? "

tama kayo ng basa. Niyaya talaga ako ni KEN magmall!!

" Wala naman akong nakain. Hindi pa nga ako kumakain eh. Atsaka lagi naman tayong pumupuntang mall dati ah? "

Sus! Magpapakipot muna ako.

" Dati yun hindi na ngayon. Atsaka bakit naman ako sasama sayo? Galit ako kaya hindi ako sasama. "

" Galit ka? "

ayy hindi!! Bingi lang?! Hindi naman talaga ako galit‚ naiinis lang ako.

" Oo‚ Galit ako kaya hindi ako sasama! "

" Edi diwag! Ako nalang pupunta magisa sa mall. "

Wala na akong nagawa kundi magpout.

*pout* " Ni hindi man lang ako pinilit " bulong ko sa sarili ko. Nakita kong lumingon siya sa akin.

" Wag ka ngang magpout hindi bagay sayo atsaka hindi kita pinipilit kasi galit ka sa akin "

ENEBE! Gusto ko naman talagang sumama eh!

" Nakakainis ka! Sasama ako! Nagbibiro lang naman eh "

Nginitian niya ako at inakbayan tapos naglakad na kami palabas ng pinto. Bakit parang nagiinit mukha ko?

" Teka bakit namumula ka? May sakit ka ba? O baka- "

hindi niya natuloy yung sinasabi niya kasi nagsalita ako.

" HINDI AKO KINIKILIG AH! AT BAKIT NAMAN AKO KIKILIGIN?! AT KUNG KIKILIGIN NAMAN AKO HINDI YUN DAHIL SAYO! "

" Alam mo masyado kang defensive. Wag kang magalala kasi pati ako kinikilig - " natigil nanaman yung pagsasalita niya dahil sumingit ulit ako

" OMG! WAG MONG SABIHING BAKLA KA?! DAPT DATI MO PA SINABI TANGGAP KO NAMAN EH! " tsk sabi na nga ba may tinatago to sakin.

" Ano bang pinagsasabi mo?! Ako bakla? ASA! Patapusin mo muna kasi ako. Kinikilig ako kasi nakaakbay ako sayo kanina. Minsan lang kita maakbayan eh. "

eh? pinagsasabi nito?!

" Ok ka lang ba talaga Ken? "

" Oo naman! Kim wag ka ng magselos sa mga pinapanood ko. Mas maganda ka naman sa kanila. Mas sexy lang sila. "

*pok* binatukan ko nga!

" AGUY ANO BA! " inirapan ko nalang siya.

"Ano ba ka- " hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi tinakpan niya yung bibig ko ng kamay niya at siya naman ang nagsalita.

" Wag ka munang maingay. Di pa ako tapos magsalita. " tinanggal niya na rin yung kamay niya sa bibig ko.

" Kim gusto kita. Ay mali from the start"

ano to? May script ba siya?

" Kim mahal kita‚ dati pa. Sorry kung ngayon ko lang nasabi kasi natatakot ako na baka layuan mo ako at baka masira pa yung pagkakaibigan natin. Sorry kung natotorpe ako. Diba hindi naman talaga ako mahilig sa K POP dati? Tinry ko silang pakinggan at maayos naman pala. Maganda pa nga yung epekto sakin ng K POP eh. Kasi kung hindi dahil sa kanila hindi ka magseselos. "

aba loko to ah! Tiningnan ko siya ng masama. Magsasalita sana ako pero pinatigil niya nanaman ako. Pwede naman ata akong magsalita diba!?

" Hindi pa ako tapos. Tinry kitang pagselosin para malaman ko kung parehas ba tayo ng nararamdaman. " teka ano nga ba nararamdaman ko.

" Kim‚ isang tanong isang sagot. Parehas ba tayo ng nararamdaman? "

napaisip ako sa sinabi niya. Mahal ko nga din Napangiti ako bigla kasi alamkasig totokong tong nararamdan ko. All this time nagseselos pala ako kasi nahulog na talaga ako sa bestfriend ko.

Nginitian ko siya ng nakakaloko.

" Patunayan mo muna sa akin na talagang mahal mo ako. Tatanungin din kita. Ako o ang mga idols? "

Nginitian niya rin ako.

" Sino pa ba? Syempre ikaw! ^_^ "

" Sure ka? Kung sure ka edi ok. Tayo na. "

" Seryoso? Tayo na agad! Waahh!!! I LOVE YOU KIM! "

" Anong pinagsasabi mo? Mangliligaw ka pa no. Ang ibig kong sabihin tayo na sa mall! " hahahaha! nakakatawa yung expression ng mukha niya.

" Oh bigla kang nalungkot diyan? Joke lang naman eh. Basta bawas bawasan mo na ang pagpapanood sa mga K POP ah! "

" Syempre naman! Ikaw na ang bago kong idol eh! So tayo na talaga ah! Wala ng bawian. " nginitian ko siya at tumango bilang sagot.

" I LOVE YOU KEN "

" I LOVE YOU TOO MY IDOL! " ♥

~ - ~ - ~ - ~ - ~ - ~ - ~ - ~ - ~

Waahh! Second story ko to. Sorry kung may mga typos kasi sa cellphone ko lang to ginawa eh. Pero sana po nagustuhan niyo! :))

+ Vote

+ Comment

+ Share niyo narin po! :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kim VS Idols ( one shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon