Theo's POV
February 14. Valentines day. Birthday ko. Sixteen years old na ako. Prom night. Pupunta ba ako? Wag nalang siguro..
Ako si Theo. Isang taong walang pake sa mundo. Eto ako ngayon, gumising at binuksan ang computer. "Maglalaro nalang ako ng Dota 2 buong araw." Yan ang naisip kong gawin. Chineck ko muna yung facebook ko. Pinrivate ko yung birthday ko kaya walang gaanong bumati. Okay lang. Wala naman akong pake.
"Theo! Happy Birthday! Sixteen ka na! Punta ka prom?" Si Mama, may hawak na cake.
"Salamat Ma. Hindi siguro mabobored lang ako dun." Busy parin maglaro pero nag afk, sayang yung cake.
"Huh? Sayang naman yung damit na binili ko. Tsaka this coming Saturday na pala flight natin papuntang Singapore."
"Bawas niyo nalang sa monthly allowance ko yung nagastos niyo sa damit. Anyway, bat tayo pupuntang Singapore? at baket di nalang ngayon?"
"Di ka na nasanay sa Papa mo, magcecelebrate tayo dun. Well, sayang daw baka may kadate ka for Valentines."
"Tss, hindi nga ako aattend ng Prom eh, kadate pa kaya?"Lumabas na rin si Mama ng sinabi ko na maglalaro na ako. Hay...aattend ba ako?
May nagmessage. Si Renzo, bestfriend ko.
Renzo: Bro! Happy Birthday! Blow out naman! Punta ka ng Prom?
Theo: Salamat Bro! Hindi siguro. Punta nalang kayo sa bahay pagkatapos ng ceremony, pakaen ako.
R: Sus, pumunta ka bro! Swimming nalang tayo pagkatapos.(hahaha)
T: Lam mo namang matutulog lang ako sa Prom eh.
R: Weh? Pano si Alexis?
T: Potek naman.
R: Hahaha.
T:Ganto nalang. Dota 2. Pag nanalo ka, sige punta ako. Pag ako nanalo, ikaw mantretreat sa buong barkada.
R: Anak ng...bro. Alam mo namang mas mayaman ka saken eh. Pero sige, malakas ako eh.
T: Aba! Matapang. Game?
R: Game.Ayun. 1v1. Matindi ang laban, magaleng kame pareho. Naka 40 minutes ata kame bago natapos. Nanalo ako.(weak siya eh hahaha.)
Theo: Pano ba yan? Panalo ako.
Renzo: Wew. Naman eh. Bahala ka nga. Kawawa si Alexis.
T: May Cyrus na yun.
R: Di naman sila eh. Magsisi ka pa.
T: Sige, pag chinat niya ako bago mag one minute. Pupunta ako.
R: Hahaha, di mo matiis no?
T: Lul, alam kong di online yun pag umaga at mas lalong di nun ako ichachat unless may tatanong siya.
R: Oy, time check.
T: 55 sec.......40 sec.......30 sec.......20 sec.......10 sec.......5 sec...4...3...2*ting* New message.
*thump thump* Potek na puso yan, kinabahan pa ako buset.
Chineck ko...si Erika, kala ko-wait, what? Umasa ba ako? potek hinde!
Erika: Bro! Happy Birthday! Mag-gigift pa ba ako? Yaman ka na, wag na.
Theo: Hahaha, wag na...teka isang kiss nalang para masaya.
E: Asa! Loko ka! Punta ka prom!
T: Yaw ko. Kakatamad.
E: Sus, basta pumunta ka!
T: Bahala na.Chinat ko ulet yung kumag este si Renzo. At nagreport.
Theo: Bro! Wala eh di nagchat hahaha malas ka. Pano ba yan?
Renzo: Awtsu, umasa ka no? Kilala kita bro!
T: Lul, asa ka naman.
R: Bro! Maya nalang, Aayos na ako for Prom. Punta ka ha!
T: Bahala na pero probably hindi. Hahaha