The Forgotten Love

164 1 0
                                    

“all passengers please buckle up your seatbelt and remain calm” ani ng flight attendant. Nagkakagulo na sa loob ng eroplano gumegewang iyon at hindi na din normal ang speed. Babagsak sila, iyon ang nasisiguro niya, mamatay ba siya nang hindi man lang nakakahingi ng tawad sa pamilya niya? nang hindi pa siya nakakabalik sakanila?

Pabalik na siya sa Pilipinas, sa pamilya niya. pagkalipas nang ilang taong pag tikis niya sa mga ito dahil sa ginawa ng mga ito na pag arrange ng kasal sakaniya nang hindi niya nalalaman ay nilayasan niya ang mga ito.

she hated them and for four years her family have been begging her to come back,nangako na din ang mga ito na hindi na siya pipiliting magpakasal sa kung kanino at titigil na ang mga ito sa pagmamatch make basta bumalik siya. pero hindi pa din siya bumalik, she pursued her study in abroad, she work hard as a bull para masustentuhan niya ang sarili. Naging matigas ang ulo niya, ang puso niya, pero nang malaman niyang may sakit ang kaniyang Papa ay agad na natunaw lahat ng galit niya sa mga ito saka siya nagpasiyang bumalik na. subalit mukhang hindi pa din siya makakabalik sa mga ito. ni hindi man lang ba niya masisilayan muli ang pamilya niya?  sana huwag naman. Pumikit siya at mariin na nanalangin hanggang sa bumilis ang pagbulusok nila pababa, dumilat siya at tumingin sa bintana, nasusunog ang pakpak ng eroplano! Muli siyang pumikit at nagdasal saka dumilat muli para tingnan ang kapaligiran niya pero hindi na niya nagawa pa. napapikit nalang siya at nawalan ng malay.

Hindi alam ni Alejandro kung ano ang gagawin sa babaeng nakahiga sa kama niya. natagpuan niya ito sa may pampang na lumulutang ang hula niya ay isa itong pasahero ng eroplanong bumagsak noong isang linggo. Ibig sabihin ay isang linggo na din itong lumutang sa dagat. Tiningnan niya itong maigi, she really looks iyong babaeng pakakasalan niya dapat, Micaela Sandoval. Napailing siya sa naisip, ano ba ang pinaghawig nito kay Micaela? Micaela has short black hair while the girl who’s lying on his bed has red long hair.

“Alejandro hindi pa ba nagigising ang bisita natin?” tanong ni Manang Ponsya nang pumasok ito sa kaniyang silid. may dala itong pagkain.

“hindi pa po manang, pero sabi naman ng doctor ay mabuti ang kalagayan nito at magigising din siya.” sagot niya dito saka ibinaling muli ang paningin sa babae.

“napakaganda niya ano hijo? Kasama kaya siya dun sa mga pasahero ng erplen na bumagsak nung isang linggo?” tanong nito na pareho sila ng sapantaha. “kawawa namang bata, kay ganda ganda buti nalang at nabuhay siya. ang balita ko ay halos patay lahat ang mga pasahero doon” sabi nito. Sasagot sana siya ng marinig niyang umungol ang dalaga. Agad na tumayo siya pero hindi niya ito nagawang lapitan.

Nanghihinang nagpakawala ng ungol si Miaka, ang sakit ng buong katawan niya, pakiramdam niya ay nabugbog siya. pinilit niyang minulat ang kaniyang mga mata para lang malaman na hindi niya alam kung nasaan siya. nakita niya ang isang matandang babaeng nakaupo sa tabi niya.

“hija aba’y ayos ka na ba?” tanong nito sakaniya. pinilit niyang bumangon pero napaigik lang siya ng makadama ng sakit sa kaniyang binti. “naku huwag ka munang gumalaw aba’y humiga ka muna at magpahinga” ani nito.

“t-tubig” nanghihina niyang sabi, nauuhaw siya at nagugutom na din.

“aba teka, Alejandro tulungan mo akong maiupo itong pasyente natin” sabi nito saka ito tumayo mula sa tabi niya. it was replace by a handsome face. Napatitiig siya dito at sa mga mata nitong parang kasing itim ng gabi.

 Miaka! Ano ba nadisgrasya ka na nga nagawa mo pang mag appreciate ng guwapo sermon niya sa sarili. Saka niya naalala na nakasakay siya sa eroplano, pauwi ng Pilipinas at bumubulusok iyon pababa!

The Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon