Meet the NERD
“HOY NERD!! Igawa mo ako ng assignment!”sabay tapon sa akin ng notebook.
Leche naman oh! Ganito nalang parati. Igagawa ko siya ng assignment kung tatanggi ako, reresbakan ako ng mga kasama niya.
“Gawin mo magisa mo”pabulong kong sabi
“Ano? Tumatanggi ka na, ah?!”
“Wala akong sinabi”sabi ko sabay pulot sa notebook.
Hayy! Ewan ko ba kung bakit ako kinamumuhian ng lalaking yun.
Tsktsk.
Nga pla, di nyo ako kilala ano?
Haha. Galing. Wala akong balak makipagkilala sa inyo? Sino ba kayo?
Pero.. dahil mabait ako, magpapakilala ako.
Ako si Timothy Joaquin Castro TJ for short.16 years old. 4th year highschool sa paaralang Willford Academy.
Un lang. BOW!
“tch. Bakit ka kasi nagpapa-api dun. Alam mo, ibahin mo kasi yang itsura mo para di ka naa-api. Mayaman ka naman, gwapo, mabait, matalino, nasayo na lahat. FASHION SENSE lang kulang sayo”salubong sa akin ni Krystie. Sino siya? Siya ang bestfriend ko. Si Krystalla Angeles. Oo, babae siya alam ko, pero di ako bakla noh.Proweba gusto niyo? Halikan kita jan eh.
“Okay na sa akin ung matalino at mabait. Kainin mo na yang fashion sense mo, di ko kelangan yan”
“Ang sabihin mo, nagtitipid ka. Ayaw mo lang bumili ng magagandang damit, pinagtityagaan mo yang mga jumper ni Daddy mo. Buti ka pa nga may sapat kang pera pangshopping. Eh ako? Walang wala” isa to sa mga nagustuhan ko kay Krystie. Hindi siya nahihiyang sabihin na wala silang kaya. Pero GUSTO ko siya bilang KAIBIGAN, no more no less. Kung pano siya nakapasok sa mamahaling skwelahan na to? Simple lang, matalino yan eh. Katulad lang siya ni Ate Eya ung syota ni Cross.
“huh. Halika na nga. Dami mong dinadakdak eh”sabi ko sakanya sabay tulak sa upuan namin.
Ginawa ko na ung assignment ni Trey.
Tamang-tama, pagkatapos ko saktong pagdating ng teacher namin.
*RECESS
Sa wakas. Recess na rin.
Hinila ako ni Krystie palabas ng room hanggang canteen.
“pumila ka na. Ako na pipili ng table. 2 piraso ng pizza at Iced tea nalang akin. Ito bayad oh”sabay abot ng bayad niya sa akin.
“Tsk. Ako na magbabayad. Pili ka na ng table, baka maunahan tayo”sabi ko sakanya
Pumila na ako at hinanap ang table namin.
“TJ! Dito oh!”sabi ni Krystie habang kinakaway ang kanyang kamay. Ang lakas ng boses. Napatingin tuloy sa akin ung ibang students. Habang naglalakad ako bigla akong tinawag ni Trey.
“Hoy TJ-the-NERD! Tingnan mo to oh!”sabi nya kaya naman lumingon ako sa kinaroroonan niya.
Paglingon ko biglang…
SPLAT!
“Hahaha! Panget na LAmpa pa! DUWAG! Hahaha”magtimpi ka lang TJ. Puta tong lalaking to. Bwisit!
Pano ba naman, tinapunan ako ng Orange, ung iced tea pa tlga ang tinamaan, nabuhos tuloy ung iced tea sa akin. TSK. Kabanas.
Paglingon ko sa paligid lahat sila nagtatawanan. Kaya nilingon ko ulet si Trey.
Pagtingin ko, saktong tatapunan niya ulet ako pero may pumigil sakanya.
“Treyie Baby. That’s enough okay?”sabi nya habang nakahawak sa wrist ni Trey.
Ibinaba niya ang kamay ni Trey na kasalukuyang nakataas at lumapit sa akin.
“Pagpasensyahan mo na si Trey. Walang mapagtripan eh. Dibale, pagsasabihan ko siya na wag ka ng guluhin”sabi nya habang pinupunasan ang sleeves ng Polo ko na nabuhusan ng Iced Tea
“Umm. Cass, thank you ha. Sige ako na bahala ditto. Thank you ulet”—Krystie,hindi ko napansin na nakalapit nap ala siya dito
“Hehehe. Wala yun. Pagpasensyahan nyo na tlga si Trey.Pangako, ito na ang huli ng pang-aapi nya sayo”—Cass, habang nakangiti sa akin.
“Oi! Wala na siya. Tulo na laway mo oh”—Krystie
Agad-agad kong pinunasan ang bibig ko, kala ko may laway talaga, ginugood time lang pala ako nyeto
“Tsk. Kainis ka. Halika na upon a tayo, bumili ka ng iced tea mo, nabuhos na yung nabili ko”
“Alam ko noh. Pera mo, sabi mo treat mo”—Krystie habang kinakapkap ang bulsa ko
“Tsk. Eto, bilisan mo ah. Gusto ko ng umalis ditto. Ang lagkit ng katawan ko”
Pagkabalik niya kumain agad kami pagkatapos pumunta ako sa locker room para kumuha ng pampalit
Pero pagpasok ko, laking gulat ko sa nakita ko.
Si Trey…kasama si……
..
..
Jasmine, ang kaibigan ni Cass. Hindi lang yun, naghahalikan pa tlga sila. Si Jasmine nakasandal sa locker habang si Trey naman nakahawak sa kanyang beywang.
Nung napansin ni Trey na may kasama sila sa loob ng locker room, agad-agad niyang tinigil ang paghalik kay Jasmine at liningon ako.
O.O—yan ang ekspresyon niya. Gulat ka noh? Lagot ka kay Cass.
“Later Jas, may tatapusin lang ako”sabi niya sabay tulak kay Jasmine palabas.
“Hoy nerd! Wag na wag mong subukang magsumbong kay Cass, kundi malilintikan ka tlga sa akin! Subukan mo lang, tignan lang natin kung masisilawan ka pa ng araw”—Trey tas binangga niya ako.
Naa-awa ako kay Cass.
She doesn’t deserve a stupid jerk like Trey.
Pero mas pinili kong hindi nalang magsumbong.
Baka yun pa ang maging dahilan para lumayo sa akin si Cass.
Alam ko namang known as BAD-GIRL si Cass
Pero alam ko mabait si Cass.
Yun nga lang mas napapansin ng mga tao ang NEGATIVE side niya
Alam ng lahat na si Cass ay bitchy-type.
Mayaman, Maganda, Sexy, Maldita nga lang.
Marami ngang takot sa kanya pero kahit ganun siya..
..
Crush ko parin si
CASSSANDRA MAE HERRERA
![](https://img.wattpad.com/cover/1311537-288-k404478.jpg)