Serena's POV
Present...
Ang tagal naman dumating ng isang iyon, malapit nako mag-out sa work. I checked my phone expecting for his text. But one hour ago pa last message niya. He said he'll pick me up and sabay na kami papunta school. Baka may lakad na naman tropa nila. At malamang absent na naman yun. I decided to dial nanay Laila's number instead, after two rings, "Hello 'nay, nauwi na po kayo?... Si Zee po?... Pwede makausap?... Hello loves, how's school?... Oh really? Dami mong stars?... You sleep ahead later loves ha?... Mommy will go to school pa then uwi later... Ok, ok, I love you." Just after hanging up, tinawag ako ni Cassey, ka-workmate ko and one of my close friends too.
"Girlash, 'andiyan na si yummy Reeyhun. Kainggit ka talaga, you've got a gorgeous and super thoughtful boyfriend," sabay kindat sa akin. Sanay na ako kay Cassie, she's really that type of friend na sinasabi lahat ng nasa isip niyan. She's a real bitch to others. But I kind of love her.
"Sige Cass, una na ako, baka ma-traffic kami sa daan. May kukunin pa kami sa lib eh," paalam ko kay Cassie sabay halik sa pisngi.
Paglabas ko sa office, nakita ko agad si Reeyhun. Nakatayo sa tabi ng big bike n'ya, yakap ang helmet. He's wearing a fitted-black jacket paired with his signature tattered jeans. I can't help but like him all the more. Parang gangster lang dating ng loko. 'Di mo akalaing alagad pala ng batas. He's a policeman actually. Parang disguise look lang.
"Hi babe, sorry na late ako. Dumaan pako sa bahay para magpalit," sabay halik sa akin. "Ride on, and we'll fly."
We're both working in the government. Nasa PNP siya, ako naman connected sa DOLE. Nagkakilala kami sa law school na pareho naming pinapasukan ngayon. We're both fourth-year law student. Nasa second-year kami noon ng naging magkaibigan kami, at dahil sa mga tukso ng mga kaklase at kaibigan, naging mag-MU. After a year of friendship, he courted me and eventually, kami na. Mahigit isang taon na kami mag-on. Alam niya ang tungkol sa anak ko at sa naging past ko. Every now and then, pumupunta siya sa apartment na tinitirhan namin ng anak ko. So far, nakita ko na genuine pakikitungo niya kay Zee. In fact, he wanted Zee to call him 'daddy' but ayoko kasi mahirap na baka umasa sa wala ang anak ko.
After 30 minutes, just an hour away before our class starts, dumating na kami sa campus. Dumaan muna kami sa lib para kunin yung copies ng mga cases na i-digest namin. He's pursuing law for promotion, while I take up law because I want to be a lawyer. We've been helping each other sa mga assignments and activities namin sa school. Madalas na absent siya kasi may mga lakad ang tropa na biglaan so may mga lectures s'ya na nami-miss. Syempre as a girlfriend, pinapahiram ko sa kaniya mga notes ko. At tinutulungan ko siya by giving tutorials.
Madalas ganito set-up namin. Minsan group study with friends lalo na pag palapit na exam scheds. And mind you, every tutorial session ends up in make-out session. Pero, hanggang making-out stage pa lang kami. Something's stopping me from going further. I'm glad hindi naman n'ya ako pinipilit.
He once proposed to me, asking me to be his wife. But I can't find myself to say yes yet. So we agreed na we'll talk about it after graduation. Since then, naging mas malambing s'ya tapos madalas na dalaw kay Zee sa bahay. Naipakilala n'ya na ako sa mommy n'ya nung nauwi sila dito sa Pinas. Nag-migrate na kasi sa US mommy n'ya. Nakapag-asawa ng US Veteran so ayun dun na rin tumira. Si mommy Melia ay tulad ko rin na isang dalagang ina nung nabuntis s'ya kay Reeyhun. Single parent ika nga. She struggled much raising Reeyhun, but looking where and what Reeyhun is now, I think all is being paid off.
"Babe, we're here. Mauna kana muna sa department. Sasaglit ako sa canteen." Pagpapaalam ni Reeyhun sa akin. Nasa campus na pala kami. "What do you want, frappe or plain?"
"Mocha Frappucino, please?" Sabay baba ko sa pagkakaangkas sa motorbike n'ya.
"Hi lovers," bati ng mga ka-klase namin na sina Moana, Rica and Yusa. "Hmm, good news o bad news?" Wika ni Rica.
"Good news?" Ganito kami pag magdedeliver ng balita o tsismis.
"Walang pasok!" Sabay-sabay nilang sabi. "Wala si Judge Almario, may urgent lakad, so walang recits till next week." Sabay ngisi ng mga hunghang.
"Bad news?" Hmm, pabitin na naman itong tatlo.
"Deadline for the case digest due on Saturday" Pagmamaktol ni Yusa.
Oo nga pala, di pa pala natatapos ni Reeyhun yung cases nya. Mahanap nga yung taong yun.
"Girls, salamat sa info ha? Exit muna ako." Pagpapaalam ko sa kanila.
"Uyyy, ilang minuto pa lang nalalayo si sir Chief hinahanap na agad." Panunukso nila sa akin.
"Ewan ko sa inyo. Puro kayo kalokohan. Sige na, alis na ako." Beso-beso muna bago layas.
I am now on my way to canteen. Malayo pa nakita ko na si Reeyhun, kasama mga ka-klase namin na kapwa n'ya lespu rin.
"Sir, on the way si Boss Serena. Haha." Dinig ko na kantiyaw ni Rafael kay Reeyhun.
BINABASA MO ANG
To Love and To Be Loved
RomanceNo definite story description yet but this story evolves around a woman falling in love, gets broken and still hopes to find love in the end. Three men will define her future and a baby. Please give it a try tho. Thanks! 😘