Hope It's True

21 2 0
                                    

Dito sa silid aklatan na ito babalikan ni Yamxei ang lahat. Yung araw na napansin siya nito. Sinusubukan niyang kunin ang kaniyang paboritong libro noon ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ito maabot. Nagulat na lamang siya ng may isang taong nakatayo sa likod niya ang kumuha nito at iniabot sa kaniya. Nang makita niya kung sino ito ay lubos siyang natuwa. Sa apat na taon na pinagmamasdan niya lang ito mula sa malayo ay heto na ito ngayon, nakatayo sa harap niya na nakangiti. Si Jans na pinapangarap niya lang noon ay kaharap na niya. Umupo sila sa isang mesa doon at sabay nagbasa habang pasulyap sulyap sa isa't isa. At simula nang araw na iyon ay naging malapit na sila sa isa't isa. Araw araw silang sabay pumapasok sa eskwelahan, kumakain at umuuwi.

Pababa ng hagdanan noon si Yamxei nang makita niya si Jans na hinihintay siya. Sinalubong siya nito at may ibinigay na sulat na nagsasabi na meron itong ipagtatapat at magkita na lamang sila sa Dream Store. Kinakabahan siya habang papunta roon. Naghahalo ang saya at lungkot. Para bang maluluha na siya dahil hindi niya mawari kung ano ang kaniyang nararamdaman.

Pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa Dream store ay sinalubong na siya nito at ipinaghila ng upuan. Sobrang dami ng pagkain sa mesa ngunit di niya magawang kumain dahil kinakabahan at wala siyang gana. Nakangiti itong humarap sa kaniya at nagtapat. Sobrang saya ni Yamxei.Sobrang saya ang ekspresyon na kaniyang ipinakita kay Jans kahit malungkot at nasasaktan siya sa mga oras na iyon.Sobrang saya sana kung tinulungan siya nito sa silid aklatan para hindi na siya mahirapan pero hindi, ginawa lang nito iyon upang maipakita sa taong gusto niya na isa siyang maginoo. Masaya sana kung sa kaniya ito sumusulyap habang nagbabasa sila ng libro pero hindi, tinatagusan lamang siya ng tingin nito sapagkat katabi niya ang babaeng gusto nito. Masaya sana kung habang magkasabay sila maglakad at kumain ay pinag uusapan nila kung ano nangyayari sa isa't isa pero hindi, humihingi at humihingi lamang ito ng ideya kung paano niya liligawan ang babaeng gusto niya. Masaya sana kung lahat ng ginawa nito ay para sakanya.




Hope It's TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon