Prologue

7.2K 173 11
                                    


Tahimik akong nakaupo sa dulo ng school bus ng university namin habang nagbabasa ng libro.

Libro tungkol sa bampira. May bali-balita rin na may mga bampira dito na kayang lumabas tuwing umaga.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako dahil wala pa namang nabibiktima ang sinasabi nilang bampira.

Napatingin ako sa kanan ko ng may biglang umupo malapit saakin.

Ito ang unang beses na may tumabi saakin dito sa parteng likod ng bus. Napalingon din ako sa harap ko na nang maramdaman kong may mga nakatingin na mga pares na mata saakin.

At almost all the girls staring at me with their scary eyes.

Tinignan ko ng mabuti kung sino itong nasa tabi ko na nakahood. Dahil natatakpan ng hood niya ang mukha niya hindi ko makilala kung sino itong katabi ko.

Pero sa mga galaw at tingin ng mga babae saakin pakiramdam ko kilala ko na kung sino siya.

"Zereph?" Mahinang banggit ko. Alam kong hindi niya ako nadinig kasi halos bulong ang pagkasabi ko sa pangalan niya.

Bakit kaya naisipan niyang umupo dito? Sabagay ngayon lang din kasi siya sumakay dito sa school bus ng Shietami University kaya hindi niya alam na ni isa walang nagbabalak na tumabi saakin. Pero ang swerte ko naman kasi nasa tabi ko siya. Maraming nagpapantsya kay Zereph at isa na rin ako dun. Halos kasi lahat ng hinahanap ko sa lalake nasa kaniya. I mean ideal boy talaga siya ng mga babae kaya halos lahat ng babae sa Shietami ay may gusto sakaniya.

Itutuloy ko na sana ang pagbabasa ko. Pero hindi ko naiintindihan tong binabasa ko dahil hindi parin nila inaalis ang tingin nila saakin. Those scary eyes makes me uncomfortable.

Napatingin ako kay Cylene na biglang tumayo at lumapit saakin. Nakatayo siya sa harap ko habang nakacross arms.

"Don't you remember? Thats my area ms. Nerd."

Nagulat ako sa biglaang paghablot ni Cylene sa kanang kamay ko kaya nahulog ang hawak kong libro.

Tumayo ako para sana kunin ang libro sa harap ni Zereph ng biglang may kumuha dito.

"Why are you reading this?" Napatulala ako kay Zereph na ngayon hawak na ang libro ko. Nakatingin siya sa libro at pinagmamasdan ito habang nakakunot ang noo. Nagulat ako ng tumingin siya saakin na may kasamang kunot na noo.

"Ow hey Zereph. Actually that's mine. Can you please give that to me."

Cylene said with her soft voice but in flirty way, I sense it. Inilahad niya ang kamay niya sa harap nito.

*sheeeeek*

Nagulat kaming lahat ng biglang pinag-pirapirasong pinunit ni Zereph ang libro ko. Napalunok ako dahil randam kong galit si Zereph.

Napaurong ako sa gilid at binigyan ng way si Zereph ng makitang tumayo siya. Lumaki ang mata ko ng makitang kinuha ni Zereph ang mga gamit ko at saka siya tumingin saakin.

"Let's go." Sabi niya habang titig na titig saakin. Tinignan ko lang siya dahil naguguluhan ako sa mga nangyayari. Napabalikwas ako ng biglang hinila ni Zereph ang kamay ko. His holding my wrist. Bakit ang lamig ng kamay niya?

"H-hey Zereph. That's Hanna's hand. T-that's not mine" tarantang sabi ni Cylene. Tumango ako dahil baka nagkamali lang siya sa pagkakahila.

"I know." Malamig na sabi nito at saka tuluyan na niya akong hinila palabas ng bus. Lumingon ako kay Cylene bago pa kami makalayo. And I saw her eyes with full of anger.

Vampire Bite:The Mighty WeaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon