Copyright © 2019 Aniyameh
Name and person in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.No part of this book any be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronics or mechanical including photocopy, recording or by any information storage and retrieval system without written permission from the author.
______________________________________________________________________________
Napaigtad ako ng naramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone sa bulsa. Busy ako sa labahan naming mag ina dahil sabado.
Mabilis akong tumayo at nagpunas ng kamay.Agad kong dinampot ang cellphone mula sa bulsa ko." Hello po, " bungad ko sa tumatawag.
" Hello Maam, Miss Amelia Gonzales?" tanong ng nasa kabila. Mukhang naninigurado kung ako ang tinatawagan.
" Yes po, sino po sila." magalang na tanong ko dito.
" Hello maam, this is Andrea from Montego Groups of company. I want to inform you that you can start on monday."deritso nitong sabi.
Sumilay ang ngiti sa labi ko. Sa wakas makapagtrabaho na ako.
"Talaga naku, maraming salamat po " tuwang pasalamat ko dito.
" Walang anuman maam. That's all ma'am. Bye" agad nito pinatay ang tawag.
Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko. Sa dinami dami kong naaplayan maswerteng may tumanggap sa akin.
Lord, thank you po sa blessing!! bulong ko sa hangin habang nakangiti na nakapikit.
" Mama, okey lang po ba kayo?" tanong ng boses na nasa harapan ko.
Dumilat ako nakita ko si Nate na nakatingin sa akin na nakakunot noo.
" Yes , anak, sa wakas may trabaho na si mama" galak ko rito at lumuhod pinantayan ko ang taas nito
" Talaga mama!!"sumilay ang kislap sa mata nito.
Lord maraming salamat po. " nakapikit ito habang bumubulong sa hangin. Nagcross ang dalawang kamay na nakatapat sa dibdib niya.
Tinitigan ko ang aking anak. 6 na taong gulang ito. At sobrang matalino niya. Kahit kailan hindi siya naging pabigat sa akin kahit dalawa lang kami sa buhay. Marunong makaintindi.Kaya laking pasasalamat ko rito dahil isa itong swerteng nangyari sa buhay ko. Kaya kahit anong hirap nakakaya ko, dahil siya ang dahilan ng aking lakas .
Yumakap ito sa akin.
" Mama, hindi na tayo mahihirapan may trabaho ka na po" sabi nito sa akin na nakahilig ang ulo nito sa balikat ko.Kumalas ako sa yakap niya at tiningnan sa mata." Oo anak, kaya ko na mabibili ko ang gusto mo"
Ngumiti ito sa akin. Tuwing nakikita ko ang mga mata niya hindi ko maiiwasang mapabuntong hininga. Hindi sa akin nagmana ang kayumanggi niyang mata na laging nagsusumamo. Ito ang kahinaan ko . Ipinilig ko ang ulo.
" Tara tulungan mo si mama maglaba" ngiti ko sa kanya at tumayo.
Sumunod ito sa akin at nakaupo lamang sa tabi ko habang pinagmasdan ang ginagawa ko.
Lumipas ang dalawang araw. Lunes, at dahil ito ang unang araw ko sa trabaho. Maaga akong nagising at gising narin si Nate dahil may pasok ito.
Maaga kaming umalis ng bahay. Hinatid ko ito sa skwelahan niya na medyo may kalayuan sa bahay namin. Hinintay ko itong pumasok sa classroom nila at gumayak na rin akong pumunta sa papasukan kong trabaho.
Pagbaba ko ng sasakyan ay agad akong lumipat sa kabilang kalsada. Napatingala ako sa taas ng building. Napabaling ako sa harap ng glass door.
Nag ipon muna ako ng hangin bago pinakawalan at pumasok sa loob. Sa lobby namataan ko ang isang babaeng may katamtaman ang tangkad at naka stiletto shoes ,nakasuot ito ng corporate attire. Lumingon ito sa gawi ko at agad sumilay ang ngiti nito labi ng magkasalubong ang aming mga mata. Agad itong lumapit sa akin.
YOU ARE READING
Faded Memories
RomanceNakipagsaparalan si Amelia na pumasok sa isang malaking kompanya na pag aari ng mga Montego kahit alam niya sa sarili niyang doon ang taong nanakit sa kanya. Lakas loob siya para sa kapakanan ng kanyang anak. Pumunta siya upang magtrabaho hindi mag...