.....
Umaga
Late ng dumating si Sir James sa opisina. Pagdating nito ay agad kong hinanda ang kape niya. At bumalik sa desk ko.
Napitlag akong lumabas ito mula sa opisina niya at lumapit sa desk ko.
“Do I have a schedule for today, Anya?” he asked me with his poker face.
Agad akong nag atubili at tiningnan ang planner ko.
“ No, sir” magalang na sabi ko.
“ Okey Good. We’re going somewhere.”wika nito.
“ Let’s go” dagdag pa nito. Naiwang natigilan ako. Bakit ito seryoso. Napailing akong sumunod sa kanya.
“Saan po tayo pupunta sir?” takang tanong ko.
“We’re going to Mall,” paliwanag nito.
“ Okey po sir, “ mahinang sabi ko rito.
Wala pang 30 minutos nakarating na kami ng mall. Agad akong bumaba ng pumarada ito.
“ It’s lunch time , why don’t we take our lunch first.” Sabi nitong nakatingin sa wrist watch niya.
“ Kayo po bahala sir,” sabi ko rito. Tama nga siya maglulunch time na at medyo nagwawala na mga alaga ko sa tyan.
“ Okey, “ sabi nito at nauna siyang pumasok sa isang Filipino restaurant.
Umupo kami sa bandang gilid at may lumapit na waiter sa amin.
“ Goodnoon maam and sir, what’s your order po?” magalang na bungad sa amin ng waiter.Naiwang natahimik ako sa gilid dahil si sir James ang bahalang umorder ng pagkain namin.
“ Okey sir, I got it. Please wait 5 mins to prepare your food” sabi ng waiter at tumalikod ito.
“ Ahh wait~~ “ tawag ni Sir James sa waiter ng di pa nakalayo. Agad itong ngumiti at bumalik sa amin.
“ Can you give me this dessert?” tanong ni sir ng may pinakita sa menu.
“ Sure sir, is that all sir?” balik na tanong nito.
“ Yes” tugon nito.
“ Okey sir, maam” humarap ito sa akin at yumukod. Ningitian ko ito ng tipid at tumalikod papalayo.
“We need to go to Batangas.If you want isama mo na si Nate. May bahay naman doon kung ayaw niyo sa resort.” yaya nito.
“ Hindi sa pinapangunahan kita Anya, I want you to be there. At kailangan kita doon andI'm sure mag eenjoy din si Nate doon” deritsong sabi nitong nakitingin sa mga mata ko.
“ Okey sir, “ simpleng tugon ko rito dahil wala na rin akong maisagot rito.
Dumating ang mga inorder niya. Ang daming pagkain halos lahat ay seafoods.At mukhang nakakalaway ang mga pagkain. Lalong nagwawala ang mga alaga ko sa tyan.
“ Let’s dine. This is for us” wika nito habang hinihimay ang lobster.
“ Here” sabi nito sabay lapag ng hinimay niya sa plato ko.
“ Sir, wag na po, kaya ko naman eh” tanggi ko rito.
“ You look so thin kaya kumain kang mabuti. “ komento nito.
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakatitig ito sa akin kaya binaba ko ang tingin ko. Ang dami niyang nilagay na pagkain sa plato ko. Lihim akong napangiti sa sobrang caring nito, ng nasa kalagitnaan kami ng kain ay bigla akong natigilan ng nilapag ng waiter ang dessert.
“ Sir, here’s your final order. The dessert. Hope you enjoy your meal sir, maam. Have a good day” wika ng waiter at magmamadali itong umalis.
Napalunok ako ng ilang beses habang nakatingin sa silvannas. Naiwang nagtaka ako napatingin kay sir. Nakakatitig ito sa akin.
“ Nakita ko lang, and I thought magugustuhan mo” paliwanag nito sa akin.
Ang tagal kung hindi tumikim nito. Ito ang paborito at ito rin napaglihian ko kay Nate.
Sumilay ang ngiti sa labi ko. At tinikman ito.
“ Ang sarap, Salamat ha, actually paborito ko ito eh.At ito narin ang napaglihian ko kay Nate.” Masayang sabi ko rito.
James POV
Sinadya ko siyang dalhin dito sa restaurant na ito dahil alam kong ito lang ang nag oofer ng mga Filipino delicacies.
Hindi nga ako nagkamali. Hanggang ngayon paborito parin niya ito. Lihim akong napangiti ng bigla bumalik sa ala ala ko kung paano ito umiiyak sa akin noon sa tuwing wala akong dalang silvannas kailangan ko pang bumalik sa bayan para maghanap sa bakery.
“Ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan” di ko napigilang sabihin sa kanya. Lalo itong gumaganda pagnaka ngiti. Namimis ko ang masayahin nitong mukha.
Bigla itong natigilan sa sinabi ko. At natahimik. Napabuntong hininga ako. Parang gusto ko siyang yapusin ng yakap.
“ Sorry” hinging paumanhin ko rito dahil baka nasira ko mood niya.
“Ano ka ba wala yun, Alam ko ba ito ang pinaglilihian ko kay Nate.?” Sambit nito.
“ I knew Anya, very well” sabi ko sa isipan ko.
“ Alam mo bang iniiyakan ko ito noon kay Ivan, pag wala itong dala galing bayan, nagpapahanap talaga ako.” masayang kwento nito.
Ngumiti ako sa kanya. Ngunit bigla itong na tigilan.
“ I’m sorry” balik na seryoso nitong at tumigil na sa kakain.
Tapos na rin akong kumain.
“ Let’s go na po, baka baka marami pa pong kayong gagawin.” iwas na sabi nito at tumayo. Sumenyas ako sa waiter at lumapit itong may dalang paper bag at resibo. Inabot nito kay Anya ang paper bag, tinanggap nito pero nagtatakang napatingin sa akin. Isang box ng silvannas ang binigay ko rito.
“ Thank you sir, hindi niyo naman po kailangang gawin ito” nahihiyang sabi nito.
“ Wala yun, pasalamat ko sayo sinahan mo ako today.” simpleng sagot ko rito.
"Ako nga po dapat magpasalamat sa inyo lalong lalo na para kay Nate, pero ayaw kung isipin niyo na sinasamantala ko kayo. " sabi ko rito.
Tumikhim ako. Parang gusto kung sabihin sa kanya ang totoo na naalala ko sila ngayon para lang may karapatan ako sa anak namin.Nasasaktan ako pag nagkakaganito siya
Humarap ako sa kanya at hinawakan ang mgkabilang balikat nito. Mataman ko siyang tinitigan sa mata.
"That would never happen Anya. Always remember that, "paniniyak ko rito. She nodded.
Nauna akong naglakad papuntang bilihan ng mga damit.
“ Anya, you need to buy anything you want for Batangas. Ako na bahala sa mga expenses at also Nate I want to buy him something.And please no buts...”.marahan nitong sabi sa akin.
Pumunta ito sa mens section. Palakad -lakad ako habang inaantay siya . Dinala ako ng paa ko sa women’s section. Habang inaaliw ko mga mata ko sa mga damit may namataan ako sa unahan, may namataan akong isang familiar na pigura ,hindi ako nagkakamali si Maam Haley nakaharap ito banda sa akin sa di kalayuan habang may kahalikan. Nakapulupot ang mga kamay nito sa leeg ng lalaking kahalikan niya. Napalinga ako hindi nila alintana na pinagtitingnan sila ng mga tao,Hindi ko kilala ang lalaki dahil nakatalikod ito.
“ Hey, you’re here ,I’ve been looking for you” untag ng nasa likuran ko kaya napakisplot ako.
“Ano bang tinitingnan mo dyan” curious nitong sabi.
“ Ahh~~ doon nalang po tayo, Diba bibili ka for Nate?” mabilis na tanong ko rito at hinila siya palayo.
Kinakabahan ako na naguiguilty.
Papunta kami sa kid’s section. Napitigil ito sa paglakad. Kaya naiwang nagtaka ako.
“ You’re really hold my hand like this?” nakangiting sabi nito at lalong hinigpitan ang pagkahawak sa kamay ko. Tsaka ko lang namalayan kanina pa pala kami naglalakad na magkahawak kamay. Mabilis kong binawi ang kamay ko ngunit hindi niya ito binitawan.
“ Let’s go” nakangising sabi nito habang hila ako. Para akong kinukuryente sa init ng kamay nito. Sobrang bilos ng tibok ng puso ko. Napahugot ako ng malalim ng hininga bago nagpatianod rito.
Ang dami niyang binili para kay Nate.Mga laruan at damit.
“ Sir, sigurado po kayo sa mga pinamili niyo. Baka hindi na po kakasya ito sa bahay namin.” Biro ko ng nasa counter section kami.
“ It’s okey, as long Nate is happy I’m Happy too” tinitigan ko siya sa mga mata. Nakita ko rito ang nangingislap nitong mata. Kaya hinayaan ko nalang dahil alam kung masaya siya.
“ Okey sir,” sabi ko na lamang.
“ Ihatid ko na kayo later, I want to see Nate’s reaction” masayang wika nito habang sinasara ang compartment ng sasakyan. Tapos na kami sa pamimili. Hinayaan ko nalang siya at hindi na ako kumontra. Maybe his father instinct at masaya siya.
*****************
“ We’re here” wika ni sir na nasa tapat na kami ng bahay.
“ Nate I have something for you” wika nito bago bumaba. Pinagbuksan niya kami ng pintuan.
“ Talaga po, I’m excited” masayang sabi ni Nate.
“Thank you po” nahihiyang sabi ko. Matagalan ako at hindi ako nakababa agad dahil hinahanap ko ang susi sa bag ko.
Bumaba ako at binuksan ang pinto ng bahay. Pinababa nito lahat ng mga pinamili namin maliban sa binili niyang damit niya. Kaya nakakunot -noo ako.
“ Sir, ba’t mo po binaba lahat” awat ko rito.
“ Actually this is all yours, “ nakangiting sabi nito.
Ang daming groceries kaya natagalan kami kanina sa department store dahil panay na tanong nito sa akin. I thought mga stock niya sa condo niya.
“ Sir, hindi naman na po tama yan?” matigas na sabi ko rito. Ayaw kung pag-isipan niya ako ng kahit ano. Hindi niya kami madaan ni Nate sa mga ganitong bagay. I have to save my pride.
“Anya..” malambing na sabi nito. Hinawakan ako nito sa kamay. Nanatiling magkasalubong ang kilay kong napatingin sa kanya.
Saglit itong natiligan at humugot ng malalim na hininga.
“Actually the truth is, I really want to spend time with you. And thank you for today. I’m so much happy.Kaya kung ano man iniisip mo, I didn’t step on your pride. “ he confessed.
Bigla akong natameme and I’m started to confused.
“ Papa, sa akin po lahat itong laruan?” masayang wika ni Nate. Kaya parehas kaming nakatingin rito. Sabay pa kaming natawanan sa reaksyon ni Nate. Sabay kaming napaangat ng tingin.
“ Thank you” mahinang bulong nito sa akin.Nakita ko ang saya sa mga mata nito.
“Thank you din po sir” mahihiyang sambit ko rito.
“ Hindi na ako magtatagal, bukas susunduin ko kayo.Sabay na tayong pumunta ng Batangas.” Sabi nito. Na nasa sala kami. Tsaka ko lang naisip Friday pala ngayon.
“ Bye Nate, “ sabi nito sa kinandong si Nate. Hinalikan nito sa pisnge.
“ Bye Anya, and thank you” sabi nito sabay yakap sa akin.
Naiwang natigilan ako. Hindi ako nakagalaw. Parang may kung anong nararamdaman ako at biglang lumambot ang puso ko. Ginantihan ko ang yakap nito
Pero bigla akong natigilan at binawi ang kamay ko ng maalala si Maam Haley. Para akong naguilty at nakonsenya. Bumitaw ito sa pagkayap ang ngumiti sa akin bago tumalikod.
YOU ARE READING
Faded Memories
RomanceNakipagsaparalan si Amelia na pumasok sa isang malaking kompanya na pag aari ng mga Montego kahit alam niya sa sarili niyang doon ang taong nanakit sa kanya. Lakas loob siya para sa kapakanan ng kanyang anak. Pumunta siya upang magtrabaho hindi mag...