Chapter 1: Saving Agent Delos Reyes (Part 1)

24 0 0
                                    

Finnick

"YOU GUYS must get ready. Start your engines." sabi nung matabang lalaki na naka pwesto sa bandang gilid ng kalaban ko.

May mga taong naghihiyawan at may mga babaeng may hawak ang pom-poms habang nagchicheer sa aming dalawa.

Pinatunog ko ng todo ang engine ng kotse at mahigpit na hawak ang manibela. Sumulyap ako kay Ryobi na ngumisi lang sa akin tsaka pinatunog din ang kanyang kotse.

"Everybody makes some noise for Ryobi and Fin!"

Pumwesto sa gitna ang sexying babaeng may suot na maikling palda at kitang-kita na ang guhit ng kanyang hinaharap sa suot na tube.

"Good luck with two of you boyz." nakita ko pang kumindat sa akin ang babae bago itinaas ang maliit na flag.

"Ready. 3...2...1... Go!"

Saktong pagbaba ng flag ay agad ko ng pinatakbo ang kotse padiretso sa direksyon na dadaanan namin.

Nauuna sa akin si Ryobi na hinaharangan ang dinadaanan ko. Nagpa gewang kami ng unti at maya-maya'y lumiko kami sa medyo malawak na daan at ako naman ang nauna sa kanya.

"Wohoo!" muli kong sigaw na ako lamang ang nakakarinig.

Not wasting the opportunity so unleashing my turbojet engine made a loud noise that move my car so fast.

Nakita ko sa side mirror ang kulay blue na apoy na lumabas mula sa exhaust fumes. Ilang kilometro narin ang layo ko kay Ryobi at maya-maya'y nawala na ang lakas ng pinakawalan kong engine.

Tahimik ang buong lugar at tanging poste lang ng ilaw ang nagiging silbing ilaw namin. Maluwag ang lugar dito at eto ang pampalipas oras ko sa tuwing may ganap na street racing.

Nasagi ng bahagya ang bandang bahagi ng kotse ko dahil sa gusto akong malampasan ni Ryobi. Binunggo nya ako.

Here we go again to his dirty duty. T'wing alam na nyang mauunahan na sya ay no choice na sya kundi banggain ang mga nakakalaban nya para lang manalo.

It won't work on me.

Bigla kong kinaliwa ang pagtakbo ng kotse para bungguin ang kotse ni Ryobi na dahilan ng pag gewang nya sa kalsada.

"C'mon. " I whispered habang hinihintay mapuno uli ang turbo ko.

Nag gigitgitan kami ni Ryobi sa malawak na daan kaya sigurado akong madami ng gasgas ang minamahal kong GTR. Ayokong manuntok kung maaari kaya sisirain ko nalang kotse nya.

Saktong pag liko namin ay nakita kong puno na ang turbo ko.

Not yet, baby. Hahanap pa ako ng magandang tyempo just to surpass this man.

I glimpsed on my navigator to see how many kilometers were left.

68 km.

Kaya to. Muli kaming lumiko at muntikan ko pang mabangga ang nakaparadang motor sa gilid ng kalsada.

Before Ryobi let out his turbojet engine, I bump his car hardly. Kaya alam kong nag cause yun ng pagbaluktot sa bandang gilid ng harapan ng kotse nya.

"That's your reward from me.." I said before continuing speed up my car.

Nakita ko sa mirror view na medyo bumangga sya sa puno pero mabilis na bumawi kaya pinatakbo nya uli ang kanyang baluktot na kotse.

Before we equal, I quickly release my turbojet engine at diniinan ang pag apak sa ilalim.

Unti-unti ko ng naririnig ang mga hiyawan ng tao hanggang sa tuluyan na akong nakabalik kung saan kami nagsimula kanina.

Nag drift muna ako bago tinagilid ang kotse at hinihintay na bumalik si Ryobi.

Missing IncompleteWhere stories live. Discover now