Mr. Labo

92 4 5
                                    

“DJ..”

Di ko alam kung anong ginagawa ko ngayon. Di ko alam kung anong nararamdaman ko. Di ko alam kung ano ba dapat ang ipakita ko sa kanya. Di ko alam bakit ako nakatayo ngayon. Di ko alam kung bakit kailangan ko pang huminga. Di ko alam kung bakit kailangan pang tumibok ang puso ko pero isang bagay lang alam ko. Yun ay nakatayo ako ngayon sa harap niya.

Siya? Siya lang naman yung taong nakikita ng mga mata ko sa tuwing dismissal na. Siya lang naman ung pinaghuhugutan ko ng inspirasyon kapag nawawalan na ko ng ganang pumasok. Siya lang naman yung hinahanap-hanap ng mga mata ko kapag may papasok sa pintuan. Siya lang naman yung nakapagpabago sakin kasi gusto kong maging ideal girl niya. Siya lang naman yung taong kapag nagjoke na e hanggang bahay tumatawa pa din ako. Siya lang naman yung kapag tumawa wagas na labas lahat ng ngipin at dila. Siya lang naman yung pinakaresponsableng lalaki na nakilala ko. Siya lang naman yung taong kung makapagsorry e wagas. Siya lang naman yung iniisiip ko segu-segundo ng buhay ko. Siya na rin siguro ung taong mahal ko…

Siya si DJ. Initials niya yan pero hindi ko na sasabihin yung buo niyang pangalan. Kaklase ko siya this semester sa isang subject ngayong 3rd year. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa kanya dahil malayong malayo siya sa ideal guy ko. Pero sabi nga ng mga kaibigan ko, hindi nasusunod ang ideal type. Sana nga oo, kasi malayong malayo din ako sa ideal girl niya. Di na nga kasi ako tatangkad. Bakit nga ba ganun? Ang unfair naman ng life, oo. Bakit kailangan magstop ako sa 4’11? BAKIT WHY?! TT____TT

Matagal ko ng pinagninilay-nilayan itong hakbang na gagawin ko. Pwede kasi ‘tong makapagpabago sa relasyon na meron kami ngayon. Friends. Yun lang naman kasi yon. Masakit, oo pero ano bang magagawa ko? Kaya heto, naglakas loob na ko na aminin sa kanya tutal hindi naman na kami magkikita at matatapos na rin naman ang klase. Gagawin ko ito para sa sarili ko, hindi kung para kanino. Gagawin ko ito para sa ikakatahimik ng damdamin ko.

Para maisusuka ko na yung puso ko dahil sa kaba. Dug dug, dug dug sabi ni heart.

“O bakit?” Tinitignan niya ko ng may pagtataka at puno ng curiosity sa kanyang mga mata. Dug dug, dug dug. Eto na naman.

“Kasi ano e…” Kelan ko ba masasabi?

“Ano? May problema ba?” Di na ko makahinga. Oxygen! Stretcher! Nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa balikat ko sabay baba sa eye level ko. ANO BA? ANO BA?! IKAW PROBLEMA KO!

“Magpromise ka muna hindi ka magagalit, magugulat, tatawa, magwawalk out, hindi mo ko iiwasan at kahit ano. Magpromise ka.” Please..

“Hahahahaha! Sige sige. Ano nga yon? Seryoso ba yan?” Mas lalong kumunot ang noo niya at nagseryoso bigla ang mukha niya. Isang bagay na ayokong ginagawa niya dahil natatakot ako.

“Gusto kita  DJ...”  Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata dahil alam kong kahit anong segundo ay tutulo ang mga luha sa mata ko

.

Silence.  Walang umiimik sa amin.

*tsup*

Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata. Halatang halatang hindi na niya alam kung pano magrereact sa mga pangyayari.

Hindi ko na kinaya. Tumalikod na ko at nagsimulang tumakbo papalayo sa kanya. Tuluyan na rin tumulo ang luha ko.

Pero gaya nga sa ibang telenovela, naramdaman kong may humawak sa wrist ko at tuluyan akong napahinto sa pagtakbo.

Pilit niya kong iniharap sa kanya. Hindi pa rin ako makatingin sa mga mata niya. Yun na nga siguro ang kahinaan ko, ang tignan siya ng diretso sa mga mata.

“O bakit ka umiiyak?” Pinunasan niya ang mga luha ko sa mukha gamit ang mga kamay niya. Lord, kunin mo na ko please. 

Hindi ako makapagsalita. Umiling lang ako.

“Di pa ko nakakasagot umalis ka na agad. Unfair.” Sagot? Anong isasagot niya? Thank you? Oh please, mas gusto ko pang humagulgol na lang sa kwarto ko. Unfair? Hindi ba sa part ko lang ang unfair? Wala ng natitirang luha sa mga mata ko.

Hindi pa din ako sumagot.

“Alam ko.” Huh? Anong alam niya? At sa unang pagkakataon, tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.

“Na gusto mo ko. Matagal ko ng napansin.” AJSAKJHDADHWDJWCBAIBAKJSDASDLASDJDGIU TT_____TT

Lalo akong humagulgol sa pag-iyak.

“Hahahahaha! Ok lang yan!” Niyakap niya ko ng isang kamay lang at hinalikan niya ang noo ko. Oo, ang noo ko. Pagpalain ang noo ko.

“So ano ganun na lang yun? Di mo ba ko iiwasan o hindi ka maaawkward sakin? Di ka galit?” Sa wakas nakapagsalita na din ako. Masyado na kong nacoconfuse sa mga bagay bagay.

“Bakit gusto mo iwasan kita? Ano naman masama kung gusto mo ko diba?” Sige ulit-ulitin mo pa. Nagseryoso na naman yung mukha niya. Bakit ba siya ganyan? Hayyy.

Tumango ako.

“Gusto din naman kasi kita.” Bumulong siya pero hindi ko narinig.

“ANO ANO? DI KO NARINIG. ANO ULIT YUN?”

Ngumiti siya ng pagkalawak-lawak sabay sabing…

“SECREEEEEET! :P”

The End.

A/N: Ang kabaliwang ito ay purong fiction lamang. Salamat.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. LaboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon