--
Bakit ganoon akala ko iba siya sa lahat. Pero mali ako wala siyang pinagkaiba sa iba.
Ang sakit.
Sobrang sakit.
Sa mismong bote na ng alak uminum si paige habang nakaupo mag-isa sa loob ng Highlight.
Nakalimang bote na siya ng alak pero klaro pa rin sa isip niya ang ginawa ng boyfriend niya. Kung san nakikipag halikan ito sa ibang babae.
Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa nakita niya. Binalak pa niyang kausapin ito pero imbis na magsorry ito sa kanya ay pinagtulakan pa sya nito paalis.
----
"Welcome home dude." niko
"kelan ka dumating?" tim
"kamusta, pre?" tobi
Kasama ni cole ang mga kaibigan niya sa isang bar. Sa highlight.
Nag-aya siyang lumabas dahil kababalik lang nito sa bansa. At medyo namiss niya ang mga kaibigan.
"Kahapon lang ako dumating. Pero babalik din ako agad." sagot ni cole sa mga kaibigan.
"kailangan ko pang-ayosin mga papers ko dun para sa next sem. e dito na ako makapag-enroll." dagdag niya pa.
"ikaw tobi kamusta yung maganda mong chicks? Asan na yun?" tanong niya sa kaibigan niya.
"wala na. Ayaw makipag-sex e. Ang boring." natatawang sagot ni tobi sa kanya.
Napailing nalang siya sa kaibigan. Napaka din talaga nitong kaibigan niya e.
Halos anim na oras din ang tinagal nila sa loob ng bar bago nagpasyang magsiuwian.
Naglalakad na sila sa kanya-kanyang kotse bago niya sinigawan si tobi.
"Ang tanga mo, pre. Magpakamatay kana." tawanan naman silang magkakaibigan.
Papasok na sana siya sa loob ng kotse niya ng biglang may hamablot sa kanya pa harap at sinampal siya.
"what the ---" muntik na niya itong masapak kung di nya lang nakita kung sino ang sumanpal sa kanya.
"Welcome back daw pare." sigaw ni tim sa kanya. Loko talaga.
"Problema mo miss?" Kung di lang 'to maganda. Tatamaan 'to sakin. Letche ang sakit ha.
"Alam ko tanga ako. Kaya wag mo nang ipamukha. Ano ba nagawa ko ha? Minahal lang naman kita. Bakit mo nagawa to ha? Bat mo kailagan na saktan ako? Ha?" humagulgul na ang dalaga at pinagpapalo ang dibdib niya.
"Balik ka na sakin. Please, baby. Please?" pagmamakaawa nito sa kanya.
Naging girlfriend ko ba ito?
Nagulat nalang si cole ng bigla siya nitong hinapit sa batok at hinalikan ng dalaga.
What the f.
--------------
Hope you'll support my first story. Don't forget ko vote.
Thank you. :) Lovelove. :*-BLUEBLACKWRITTER