3

265 6 0
                                    

3. Epilogue.

~Thunder's POV

Hindi masamang maging excited sa wedding niyo ng pinakamamahal mo, okay? Excited na excited talaga ako. Hindi halata pero excited talaga ako.

Ang bilis nga natapos nung wedding ceremony e. Papunta na agad kami sa reception kung saan kami kakain. Magkahawak-kamay nga kami ni Tricia e. Ang cute lang niya tapos ang ganda pa tapos sexy pa tapos, o'sige. Tama na. Baka dumugo ilong ko nito at magbasa kayo ng pagkahaba-habang pagsasalaysay ko tungkol sa pagmamahal ko sa kanya. Hahaha.

[ P/N: Tingin sa kanan. Si Thunder 'yan. ]

Bumaba na kami sa limousine at saka in-announce na nung MC 'yung pagdating namin. Kilig naman 'tong asawa ko. Hahaha.

Mabilis talagang natapos ang araw ng kasal namin and before we know it, nandito na kami sa bahay na binili namin para may privacy kami at naghaharutan kami dito sa higaan. Hindi ko na kailangang i-detail 'yung nangyari. Siguro naman alam niyo na 'yung mga ginagawa ng newly-weds ano? Oo na lang.

~x~x~x~

"GRABE, THUNDER! GRABE TALAGA!" -Tricia

"I LOVE YOU TOO, TRICIA!"

"ANG SAKIT, TENGENE!" -Tricia

"NANDITO AKO PARA SA'YO!"

"SOBRANG SAKIT TALAGA!" -Tricia 

"NORMAL LANG ANG MASAKTAN!"

"TAGOS SA PUSO KO!" -Tricia

"TAGOS NA TAGOS ANG PAGMAMAHALAN NATIN!"

"HELP ME, HELP ME, HELP ME! PEOPLE OF THE WORLD!" -Tricia 

"I LOVE YOU, TRICIA!"

"NAKISABAY KA PA SA INGAY KO!" -Tricia

"SYEMPRE! AYAW KONG SINGLE KA!"

"ENEBEY, THUNDER! KINIKILIG AKO!" -Tricia

"SUCCESS, MRS. BRYCE!" -Doktora

"EPAL!" Oops. Nasigawan namin 'yung doktora na tinatawanan lang kami ngayon. Kinuha na nila 'yung baby namin at nilinis ito. Ang cute nga niya e.

Binigay agad nila ito sa akin at saka sila lumabas ng kwarto matapos ayusin si Tricia. "Thunder~ Bigay mo naman sa akin si Rain." Sabay puppy eyes pa niya pero lalo ko lang nilayo si Baby Rain. Syempre, arte muna para makatanggap ng halik. Kekeke.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinila 'yung shirt ko kaya napalapit ako sa kanya at bigla niya akong ninakawan ng halik. Kinuha naman agad niya 'yung baby noong natulala ako for a brief minute. "Nanananching ka na ngayon, babe?!" Natawa lang siya sa naging reaksyon ko at napailing. 

Akala ba niya siya 'yung makakakuha ng last laugh? Aba hindi. Ninakawan ko din siya ng halik kaya hinampas niya agad ako gamit 'yung libre niyang kamay. "Babe!" Natawa naman ako. "Ang cute mo kasi kanina noong umiire ka." Sabay ngiti ko ng nakakaloko. Namula naman siya bigla.

"Shaddup!" Ang cute talaga niya oh. Tinawanan ko na lang siya. 

Mawawala pa kaya ang pag-ibig ko sa babaeng 'to? Nako. Baka hindi na. Hindi ko nga maalis sa tingin ko e. Mahirap na, baka kapag nawala pa siya sa tingin ko, mapunta pa sa iba. Ayoko nga. Baka masapak ko pa kung sino ang makakakuha sa kanya. 

Walong taon akong nawalay sa kanya, ayaw ko nang mangyari pa ulit 'yun. Hindi ko kakayanin. Sana nga may forever e. Letche, ang bakla ko naman pakinggan. Makaalis na nga.

» END «

He's Back | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon