Chapter 4

29 2 0
                                    

Chapter 4

Tita Alva's POV

We're now preparing things. Manila with my babies! Hihi!

Kasama ko ngayon sina Rovie and Sc dito sa room nila. Nag-aayos silang gamit. Tapos naman na ako kaya tinutulungan ko sila.

"Ay tita. Di pa po alam nila nanay na pupunta tayong Manila ngayon." banggit ni Rovie sakin.

"Okay. I'll call them." tapos lumabas na ko ng room.

I dialled Tatay Romy's number. I gave him a phone para in case of emergency. Family na rin namin sila noh.

Noon nga ang sabi ko sakanila ni nanay na dito nalang sila tumira sa bahay namin kaso ayaw nila. Ayaw nilang iwanan yung bahay nila.

Mas matanda pa nga pala sila sa akin. Alam ko rin yung kwento kay Rovie. About sa family niya, kaya sobrang inaalagaan namin yan.

Ilang ring lang at sinagot na rin ni tatay.

"Hello?" sagot ni tatay sa kabilang linya.

"Hello tay. Isama ko muna po si Rovie ah? Punta po kaming Manila. Uuwi rin kami agad."

"Ah sige. Ingat kayo ha." sagot ni tatay.

"Yes. Kayo rin po. Bye." pinatay ko na yung phone call.

Bumalik na ko dun sa room ni Sc at naabutan ko silang nagtatawanan. Tapos na rin silang mag-ayos.

"Okay na Rovie. Ready guys?" ngiting sabi ko.

"Yes! Tara na!" sabi ni Rovie na tinaas-taas pa yung kamay sa sobrang excite. What a cutie.

Bubuhatin na sana ni Rovie yung bag kaso biglang inagaw ni Sc.

"Ako na. Hindi bagay ang pagbubuhat sa isang prinsesa." sabi ni Sc. Namula naman yung pisngi ni Rovie saka sila nagngitian.

Hala ang cute! Bagay talaga sila! Hihi!

"Oh. Tama na yang lambingan. Tara na. HAHAHA." tumawa naman sila sa sinabi ko saka sumunod na sila.

Jacob's POV

♪ Kung mawalay ka sa buhay ko

Kung pag-ibig mo'y maglaho

Paano na kaya ang mundo?

Kung sa oras 'di ka makita

Kung ika'y napakalayo na

May buhay pa kaya 'tong puso?

'Yan lang ang maaari natin, sadyang matatanggap

Habang ako'y may buhay

Mahal na mahal kita

Higit pa sa iniisip mo ♪

Tinigil ko na ang pagstrum ng gitara. Hudyat na tapos na ang kanta.

Kanina pa kami nagjajamming ni Chris dito sa music room ni Jul. kaming tatlo lang nandito.

Wala lang, napagtripan lang.

Naggigitara nga pala ako. Si Chris naman yung kumakanta. Singer yan eh. Si Jul naman yung nagbi-beatbox. Actually, drum set talaga tinutugtog niya pero trip namin ang acoustic ngayon.

Nagpahinga lang kami saglit at biglang nagsalita si Chris.

"Mall tayo. Ang boring."

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon