Chapter 1

253 10 3
                                    



"Chineelyn Andrada Mendrez?" the staff of the airline weakly smiled.

Kumunot ang noo ko at mabilis na lumapit sa kanyang pwesto.

"Ma'am, we're sorry to inform you. Hindi po talaga namin ma-locate yung baggage mo. But rest assured po na we are doing the best we can. After all, we offer hassle-free services to passengers-"

"This is obviously hassle," I raised by eyebrow and crossed my arms against my chest.

The staff looked at me with horror. I sighed heavily. Kadarating ko lang at ganito na ang sumalubong sa akin. Was this a bad sign? I mean, following Peter all the way here? I know this was impulsive but I can't stand inside our house without him. Although I can live life the way I want it to be, I am clearly dependent when it comes to Peter and my family.

Mabilis kong kinuha ang aking purse and pulled out my calling card.

"Just damn call me." Iritado kong sinabi sa staff at mabilis siyang tinalikuran.

Tanaw ko ang kabuuan ng Bancasi Airport nang makalabas ako sa departure area. Different people flocked along the way. May iba na masaya, excited at may iba naman na malungkot. Though I'm thrilled going back here, hindi parin mawala sa akin ang mangamba at manlumo na ang sadya ko ay isang lalaking pinagtataguan ako.

Call me dumb, but Peter is the only person I can run into. Kahit medyo walang hiya siya. Scratch that. Walang hiya talaga siya. Taksil, inutil, sira ulo, tarantado at putangina.


"Mom, wala ako sa Manila."

Nilingon ko ang lalaking medyong iritado sa aking gilid. He was facing the other side. Though I can't see him fully, I know he's as irritated as me. The way his jaw clenched every time he speaks. Mukhang parating galit, pero medyo gwapo.

Kinagat ko ang labi ko nang binalikan ko siya saglit ng tingin. Okay fine, may itsura talaga siya. Gwapo.

"Nasa Butuan ako." aniya.

'Di ko man sinasadya, pero napalakas yata ang tawa ko kaya napalingon siya. Tinikom ko ang bibig ko at mabilis na tiningnan ang aking kuko. I acted natural. Mabilis ko siyang tinalikuran at tinungo ang pinakamalapit na karenderya.


"Manang, Bicol Express." Nangingiti kong sinabi.

Nilingon ko ang gawi kung saan ang lalaki kanina. He is obviously a stranger here. Why? Besides his look, he pronounced Butuan the wrong way. Bu-tu-an, huh? Ano yon? Lugar na puno ng bayag? Kasi Bu-tu-an?

I fixed my face when I saw that same man approached the eatery. Ngumuso ako nang nag second look siya sa akin. Oh ano? Nagagandahan ka? Kinagat ko nang mariin ang aking dila to prevent myself from smiling.

Tinuon ko ang atensyon ko sa aking pagkain pagkatapos i-serve iyon sa akin. Kahit nakakatakam ang ulam, at gutom na gutom ako, tila nawala iyon dahil sa presensya ng lalaking ito. Binalingan ko siya ng tingin. Titigan ko kaya siya ng matagal tagal at baka di ako makaramdam ng gutom sa mga susunod na araw? Napangisi ako at napailing.

Baliw ka, Chinee.


"Excuse me. Saan po ang taxi dito?" tanong noong lalaki kay ateng tindera. Kahit di ko siya kita, I can sense that he was watching me. Shit na malagkit! Kahit boses, masarap!

Bumaling ako kay ateng tindera na napanganga at sobrang amazed dahil sa lalaki sa harap niya. Wow! Dalawa na kami. Napabaling ako sa kabilang banda, only to find out na kahit yung mga kasamahan noong tindera ay nakanganga din.

"Nah! Dong, walay taxi diri. Multicab ra ug jeep. Hulati nalang didto." Sagot ni ateng tindera nang makabawi. Namumula pa ang kanyang pisngi habang tinuturo ang exit area ng airport.

My forehead creased when I sensed the heaviness of his stare. My breathing hitched dahil sa bigat ng kanyang titig. Fuck, pinagpawisan ako bigla.

I sighed heavily when he turned his attention to the lady talking. Kumunot ang kanyang noo at pabalik balik na tiningnan ang tindera at ang lugar na tinuro nito.

"Ay naunsa! Abi nako'g kasabot kag bisaya!" napakamot ng ulo ang tindera at yumuko.

Mabilis kong naibuga ang tubig na iniinom. That caught his attention, again. Hindi ko na napigilang tumawa! Kinurot ko agad ang braso ko nang matalim niya akong tiningnan. What? Inosente ko siyang tiningnan kahit bakas parin sa mukha ko ang tawa at ngisi.

"Sabi ko, dun ka sa tabi ng kalsada maghintay ng jeep o multicab kasi walang masyadong taxi dito e."

Nilingon ng lalaki ang tindera. Tumango ito at mabilis na kinuha ang kanyang wallet. Aba galante!

"Thank you." Aniya.

Tumindig ang aking balahibo sa batok nang marinig ko ang kanyang boses sa malapitan. His baritone voice just destroyed my system! Mabilis kong hinawakan ang aking batok, baka sakaling bumalik ito sa normal. Napapikit ako nang mariin ng mapagtantong, maliban sa aking batok ay mabilis din ang pintig ng aking dibdib.

"Naku iho, wa'g na!" the lady maliciously said.

I opened my eyes and everything felt sour when I saw the lady's face. Mapula ito. Malanding hinaplos niya ang kamay noong lalaki nang mapagdesisyonan niyang tanggapin ang pera.

Masama kong tinitigan ang tindera. "Ang sama ng lasa ng ulam niyo" sabi ko nang hindi binitawan ng tindera ang kamay noong lalaki.


Iritado akong umalis sa karenderya pagkatapos ng lahat ng nangyari. Pinara ko ang lecheng multicab at sumakay sa lecheng front seat, katabi ng lecheng driver na amoy leche!

"Prince Hotel." Sabi ko sa lecheng driver na nakangising nakatingin sa akin.

"Bakit?" masungit kong sinabi. Namutla ang driver at kabadong umiling.

Tangina ha. Dahil lang sa eksena sa airport nawala lahat ng plano ko! Hinalukay ko ang aking bag at nagbayad ng makarating sa mismong hotel.


Ang sabi ni Iris, nasa isang apartment daw nakatira si Peter. At kahit wala akong masyadong pera, kailangan kong mag check-in dito sa mismong hotel dahil dito daw kadalasan pumupunta ang lintek na Peter kasama ang kanyang bagong potahe, na hindi ko alam kung hipon ba o pusit! Ang sinabi lang ni Iris ay seafood daw!

"Room 314 po." the lady at the front desk said. Mabilis kong kinuha ang aking card pagkatapos magbayad.

Kinuha ko ang aking cellphone at nag baka sakaling nag text si Peter. Kanina ko pa siya tinetext pero kahit isang reply, wala!

Pag nakita ko talagang pangit ang pinalit niya sa akin, ewan ko nalang!


Binagsak ko ang aking bag at sarili sa kama nang makarating sa aking kwarto. I closed my eyes firmly and massaged my head. Jusko, Chinee! Umabot hanggang Butuan ang katangahan mo!

Mabilis kong binuksan ang aking mga mata nang maalala ko ang mukha ni Papa. He was mad when I left the house. Kahit hindi niya sinasabi sa akin, alam ko sa sarili kong ayaw niya sa akin. Though I don't know why, halata sa mga kinikilos niya na ayaw niya sa akin? Siguro dahil rebelde ako? Dahil suwail ako? Dahil ganito ako?

I bit my lower lip when I felt the sting of tears forming in my eyes. Masakit. Masakit na kahit bunso ako ay ayaw sa akin ni Papa. At kahit ilang beses ko na siyang tinanong ay hindi niya naman ako sinasagot. Thank God for Mama. Even though she loves Papa, at least nararamdaman ko sa kanya na may ina ako.

My thoughts vanished when my phone beeped. It was Iris.

Iris: Check mo Facebook mo dali!

Instead of typing my reply, binuksan ko ang aking Facebook and saw a tagged post to Peter! Nasa Woodstock Resto Bar siya, nakangisi at halatang lasing na lasing! Nakaakbay siya sa isang babaeng naka dress na pula.

Napabalikwas ako sa kama at mariing hinawakan ang aking cellphone. Matalim kong tiningnan ang post ng babae na may "feeling happy" pang nalalaman! I clicked the comment section and typed.

"Fuck, pusit!" iritado kong sinabi sabay send ng aking comment!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's Damn IrresistableWhere stories live. Discover now