I Thought I Don't Love You

35 1 0
                                    

     Guys eto na po ang iniintay ng mga magiging characters naet. Sorry kung naging matagal ang pag uud ko na ito dahil nawalan po kami ng internet. Sana magustuhan nyo po ang story ko.

++++++

Jenna's POV

Hi. First of all I'm Jean Monica Padilla Wood. Mabait, Mapagmahal, Boyish Sa kilos at sa pananamit, cute "daw" kapag nag-aayos ako, pink ang kulay ng mata ko. Cute nga daw yun eh sabi ngrelatives ko. May mga kapatid pala ako. Sina Jayson Padilla Wood, Rommel Padilla Wood, And lastly Frank John Padilla Wood. Puro ba full name. ganito kasi yan PROUD TO BE A PADILLA. Pinsan ko sila Daniel Padilla.

"Jean Tapos ka na ba mag-ayos? Bumaba ka na at kumain  ka na ng breakfast." sigaw ni Kuya Jayson

"oo Kuya bababa na ako" sigaw ko din sa kanya. masanay kayo ganyan kami dito sa bahay.

"Bilisan mo. Mauubusan ka na nanaman ng pagkain eh." sigaw ulit ni Kuya Jayson

"Oo na." sagot ko

Nag-ayos na ako ng pangboyish na damit. Allow sa amin na hindi maguniform eh. Nagsuot na din ako ng contact lens para di nila makita ang creepy eyes ko.

Pagkatapos noon bumaba na ako para di maubusan ng pagkain. Kasi napakatakaw ng mga kuya ko. Pagkababang-pagkababa ko bumungad sa akin ang mga kuya kong nag-aagawan sa pagkain.

"Big Bros may natira pa bang pagkain?" tanong ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin.

"Hmmm... I think wala na naman 'lil sis." sagot ni Kuya Frank sa akin.

"Lagi naman eh." pabulong kong sabi

" 'Lil sis kumain ka na lang sa school mo. Maaga pa naman eh." nahihiyang sabi sakin ni Kuya Rommel. May kahihiyan pa pala 'to. Joke love na love ko mga Big Bros ko no?

"Ano pa nga ba." sabi ko

"Hehehe... Sorry talaga 'Lil sis." sabi ni Kuya Jayson sabay kamot sa batok.

"Mauna na ako sa inyo." sabi ko sa kanila.

Kinuha ko yung skateboard ko. Tama kayo ng basa. Papasok ako gamit lamang ay ang skateboard ko. malapit lang naman kasi sa bahay namin ang school meh. Pero marunong din naman ako mag drive ng motor at kotse. pero mas gusto ko ang skateboard.

==============Fast Foward==============

At School

Nagtinginan naman sa akin lahat. Popular kasi ako dito. May narinig akong tilian sa di kalayuan.

"Super gwapo nila."

 "Ang pinaka gwapo sa kanila ay si Alex"

"Calvin Be Mine"

"Marry me John"

"Ang gwapo mo Denzel"

"I will give you anything Patrick. Just be with me forever"

"I can be your girl Norgen"

Ayan ang mga sigawan dito sa campus. For sure mga bagong lipat lang ang mga yan.

"Best alam mo bang may anim na lalaking mayayabang na limipat dito?" bungad sa akin ng best friend ko na si Pam.

Pamela Joy Almarines Best friend ko simula childhood pa. Mabait yan kasi laging nandyan kapag kailangan ko ng comfort sa isang tao. Maalalahanin, masipag at higit sa lahat kahit inaaapi na yan lumalaban pa rin iyan. Nerd sya sa school. Ewan ko ba dyan kung bakit nagpapakanerd. maganda naman, cute. Kung di nga yan nagpakanerd eh sure ako marami ng manliligaw yan. Sa ganda ba naman ng Best friend ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Thought I Don't Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon