Chapter 44

82.1K 1.4K 55
                                    

"Hoy! Kahapon ka pa nagmumukmok jan!"

Binato ko si Raegan ng unan at pinanuod na tumalon si Azula papunta sa tabi ng amo nya.

"Go away, Genesis, I don't feel like doing anything." Sabi ni Raegan at saka tumalikod sakin.

Naupo ako sa gilid ng kama nya at inikot ng tingin ang buong kwarto nya. Nakaayos ang painting materials sa isang gilid. Nakabukas ang laptop sa study table nya, sa tabi nito ay sandamukal na libro, notebook, papel at panulat. Kahapon pa nagtatago si Raegan dito sa kwarto nya matapos malaman ang teorya ko kung pano sya nagkasplit personality.

"Raegan, ang OA mo. Lumabas ka na! Kahapon ka pa dito."

Lumingon si Raegan. "Wala ako sa mood, Genesis."

Tumalikod na ulit si Raegan sakin at wala na akong magawa kundi mapatingin sa asong si Azula na preskong presko ang pagkakadapa sa tabi ng amo nya.

"Sige na Raegan, ayoko kapag nagkakaganyan ka eh." Paglalambing ko. "Labas ka na please? Namimiss na kita."

"Genesis, I never saw my childhood that way." Malungkot na sabi nya.

"Subconsciously lang naman yun eh!" Pangongontra ko sakanya kasi alam kong depressed parin sya sa teorya ko. "Unless you know of something else na pwedeng cause ng split personality mo?"

Humarap si Raegan sakin. Naghintay ako na may sasabihin sya pero walang lumabas sa bibig nya, nagtitigan lang kami.

Magulo ang buhok nya ngayon, tinatamad siguro na itirintas o itali kasi nakahiga lang naman sya sa kama nya. Hinawi ko yung bangs nya para mas makita ang chocolate brown eyes nya.

Ayokong nakikitang ganito si Raegan, hindi ako sanay. Kasi sanay ako na walang oras na wala syang ginagawa. Sanay ako na palagi syang busy pero hindi nawawalan ng oras para sakin. Kung masyado man syang busy, naghahanap sya ng makakasama ko o magagawa ko para pareho kaming occupied.
 
"Di ka pa ba nagugutom?" Tanong ko. Lumalabas lang naman kasi sya para kumain at magCR.

Umiling si Raegan.

"Hinayaan kitang magmukmok dito kahapon," Sabi ko habang hinahaplos yung mukha nya. "Ayos na yung isang araw, wag mo nang gawing dalawa, please?"

Hinawakan ni Raegan yung kamay ko sa pisngi nya at hinalikan yun.

"Raegan, think positive of this okay? Ngayong alam na natin ang possible cause ng DID mo malapit na tayo sa pagreresolba nito. Malapit ka na gumaling."

Tiningnan nya lang ako habang yung kamay ko ay nakatapat parin sa bibig nya. Medyo nakikiliti na nga ako sa mainit na hininga nya sa kamay ko pero hindi ko yun binawi.

Napangiti ako. "Nagpapalambing ka lang eh."

Ngumiti na din sa wakas si Raegan. "Medyo, dito ka muna."

Niyakap nya yung bewang ko. Pinilit kong tanggalin yung pagkakayakap nya sakin dun kasi malakas ang kiliti ko sa tagiliran.

"Raegan, nakikiliti ako."

Hinalikan naman ni Raegan yung tagiliran ko kaya napahiyaw ako.

"Raegan naman eh! Sabing may kiliti ak-AYY! ANO BA?!" Hinampas ko nga sya kasi hinalikan nanaman nya yung tagiliran ko.

Natawa lang si Raegan at hinigpitan pa ang yakap sakin.

Ring

Inabot ko yung cellphone ko at nakitang nagreply na si Alexa.



From Alexa:
Paakyat na ako.



Tinapik ko sa balikat si Raegan. "Tumayo ka na jan at magayos, papunta na dito si Alexa."

Tumingala si Raegan sakin. "Bakit daw?"

"Tinext ko kasi sya kanina, sabi ko kahapon ka pa nagtatago dito sa kwarto mo kaya ayun, sabi nya pupunta sya dito para icheck ka."

Nagtakip ng unan si Raegan at umungol. "Ano ba yan!"

"Anong ano ba yan?" Hinila ko yung unan para makita sya.

"Pagtritripan nanaman ako nun eh."

"Hindi yan, ano ka ba?"

"Ehh alam na nya diba?"

"Oo, sinabi ko kahapon."

Umungol pa ulit si Raegan. "See? Pagtritripan nya ako."

"Bakit ba?"

"Naging crush ni Alexa si kuya Alex nung bata pa kami. Sabi nya kasi perfect si kuya kumpara sakin, syempre todo tanggi akong perfect yun."

"Eh ano ngayon?"

"Aasarin nya ako syempre. Sasabihin nya perfect nga si kuya kasi nagawa kong mainggit sakanya." Paliwanag ni Raegan. "Pustahan pa tayo mangaasar yun. That girl loves to prove me wrong."

Nagkamot lang ako ng ulo. Ang weird talaga ng magkaibigan na 'to.

Nagring na yung doorbell kaya bumaba muna ako para pagbuksan si Alexa. May dala dala syang take out na pagkain from McDonalds.

"Hi, kamusta si Amazona?" Bati nya sakin at dumiretso sa kitchen para ilapag ang dala nyang pagkain sa table.

"Ayun, nasa kwarto pa rin, nagpapalambing lang pala." Sagot ko. "Pero ngayon ata tinatamad lang sya kumilos."

Pumunta si Alexa sa sala at tumingin sa itaas ng stairs. "OY AMAZONA BUMABA KA NA DITO PARA KUMAIN KUNG AYAW MONG KINDANPIN KO SI GENE!"

"Shut up Sasha!" Sigaw ni Raegan mula sa itaas.

"HOY OLYMPIA PAG DI KA BUMABA PAPUPUNTAHIN KO SI VIOLET DITO! TINGNAN NATIN PAG DI NAGALIT SI GENE SAYO!" Sigaw pa ulit ni Alexa at saka kinindatan ako.

Pinigilan kong wag tumawa ng malakas, hindi ko pa kasi naikukwento kay Raegan na sumuko na si Violet sakanya. Kaya malamang ang alam nya ayaw kong lumalapit sakanya si Violet.

Maya maya ay tumakbo pababa si Azula at sinalubong si Alexa. Pagtingin namin sa tuktok ng hagdan ay nakatayo doon si Raegan, sabog ang mahabang buhok at mukhang badtrip na badtrip.

"Anyare sayo?" Tanong ni Alexa sakanya sabay tingin sakin. "Anyare jan?"

"Sabi ko sayo tinatamad syang lumabas ehh. Di pa yan naliligo." Sagot ko. Nakapyjamas pa kasi si Raegan hanggang ngayon.

Habang naglalakad pababa ay tinatali ni Raegan yung buhok nya. "Ano bang trip mo ha, Sasha?"

"Tigilan mo nga yang pagtawag sakin nyan." Asar na bawi ni Alexa. "Nagdala ako ng pagkain."

Napatingin lang si Raegan sa paper bag ng Mcdo sa table. "May lason yan noh? Papatayin mo na ako?"

Inirapan lang sya ni Alexa. "Kung gusto kitang patayin, matagal ko na yung ginawa at mas maayos ang gagawin ko, yung tipong walang makakaalam na ako ang mastermind."

Naglakad na si Raegan papunta sa pagkain at sinilip yung isang paper bag.

"Coffee float yan, alam ko namang ayaw mo ng softdrinks eh." Sabi ni Alexa at pumunta na sa tabi nya. Sumunod na din ako sakanila at inabutan ako ni Alexa ng box. "Chicken yan."

Naupo si Raegan habang binubuksan yung isang box ng Quarter Pounder burger.

Tiningnan lang ni Raegan si Alexa habang binubuksan ni Alexa yung chicken nya.

"Matunaw ako, oy." Pansin ni Alexa.

"Di ka pa mangaasar?" Nagtatakang tanong ni Raegan.

"Mangaasar?"

"Mangaasar tungkol kay kuya?"

"Nope." Iling ni Alexa.

"What?" Napakunot ang noo ni Raegan. "But you love proving me wrong! Alam kong mangaasar ka!"

Natawa lang si Alexa at nginusuan ako. "Anjan sya oh."

Napangiti si Raegan. "Alam na nya."

Nanlaki ang mga mata ni Alexa. "Di nga? SINABI MO?!"

Natawa lang si Raegan. Pinaghahampas sya ni Alexa.

"BWISIT KA! SABI KO SAYO WAG MONG SASABIHIN SAKANYA EH!" Tumayo si Alexa at hinila ako.

"Oy! Di pa ako tapos kumain!" Reklamo ko. Nabitawan ko yung chicken.

"Tara na, alis na tayo!" Sabi ni Alexa.

Hinablot naman ni Raegan yung isa kong kamay. "Teka lang! San mo dadalhin si Genesis?!"

"Sabi ko sayo ipapapatay ko si Gene kapag sinabi mo sakanya!" Pinanlisikan ni Alexa si Raegan. "Bitawan mo sya!"

"Anong?! Di mo dadalhin sa kung saan si Genesis!" Hinila ako ni Raegan.

"Manigas ka jan!" Hinila ako ni Alexa. "Akin na si Gene!"

"Teka nga! ARAY!" Binawi ko na yung kamay ko kasi nasasaktan na ako sa paghihilahan nila. Kalaking mga tao pinagtritripan ako. "TIGILAN NYO NGA AKO!"

Nagtitigan lang si Alexa at Raegan. Binatukan ko silang pareho.

"Ano bang problema nyo ha?!"

"SYA!" Sabay nilang sigaw at turo sa isa't isa.

Napahilamos lang ako ng kamay. May pagka abnormal din tong dalawang 'to minsan eh. Akala mo ang aayos pero kapag tinopak daig pa ang mga bata kung magbangayan.

"Alam nyo, normal lang na magkacrush." Sabi ko kay Alexa. "Don't make a big deal out of it kung nalaman ko. Bakit, crush mo parin ba sya hanggang ngayon?"

Umiling si Alexa.

"Ikaw naman, nakalabas ka nga ng kwarto mo pero tingnan mo nga yang sarili mo? Nakapantulog ka parin tanghali na!" Sabi ko naman kay Raegan. "Eh ano naman ngayon if that's not how you saw your childhood? Grow up, Raegan!Ang OA mo!"

Masama parin ang mga tingin nila sa isa't isa kaya bumalik na ako sa kitchen. Nagugutom ako. Kung trip nila magaway, magaway sila! Idadamay pa nila ako at yung fried chicken ko!

Padabog na naupo yung dalawa sa tabi ko. Kumain nalang sila pero kitang kita ang masamang titig nila sa isa't isa.

"Aray!" Biglang sabi ni Raegan.

"Anong?! Aray ha!" Sabi naman ni Alexa.

Tiningnan ko lang sila at nakitang gigil na gigil sila sa isa't isa. Umaalog yung table kaya alam kong nagsisipaan sila sa ilalim. Napabuntong hininga ako at binatukan ulit silang dalawa.

"Pwede ba?! Kumakain eh!" Sermon ko.

"Si Sasha kasi eh!"

"Si Olympia!"

Napailing nalang ako kasi sabay pa sila ng pagsasalita. At talagang ginamit pa nila yung pangalan nilang kinaiinisan.

Natapos na kumain si Raegan.

"Maligo ka na dun!" Sabi ko sakanya.

Tiningnan lang ako ni Raegan na di makapaniwalang inuutusan ko syang maligo.

"Oy, inutusan ka ng girlfriend mo, maligo ka na daw!" Ngisi ni Alexa sa bestfriend nya.

"Ikaw naman, ayusin mo to!" Utos ko kay Alexa at tinuro yung kinainan namin.

"Anong?!" Angal ni Alexa.

"Makinig ka kung ayaw mong upakan ka ng girlfriend ko!" Tawa naman ni Raegan na tumayo na para umakyat sa kwarto nya.

"DI MO AKO GIRLFRIEND!" Pahabol ko. "PAGALING KA MUNA OLYMPIA!"

Magsasalita sana si Raegan pero wala naman syang pangalan na maiaasar sakin kaya napailing nalang sya. "Maghintay ka lang babes."

"BABES KA JAN?!"

Tumawa lang si Raegan at tumakbo na paitaas. Napailing nalang ako, wala nga syang maipangaasar na pangalan sakin, pero tatawagin naman nya ako sa kung anong cheesy endearment na maisip nya.

"Ano, musta ka na?" Tanong ni Alexa sakin habang inaayos nya yung pinagkainan namin.

"Ayos lang, ikaw?"

"Nagkafamily dinner kami last New Year." Sabi ni Alexa.

"Oh? Anong nangyari? Ayos naman kayo ng mama mo?"

"Yun na nga ang problema eh."

"Anong problema?"

"Kasama namin yung pamilya ni Percy."

Nagulat ako sa kwento nya. Naalala ko nanaman si Percival Altamirano, ang lalaking ipinagkasundo sakanya.

"Pinagusapan nila yung kasal sa harap mismo namin. Hindi naman kami makaangal ni Percy kasi pareho kaming magigipit, parehong nasa Grand Order yung mommy ko at yung papa nya."

Nalungkot naman ako para sakanya. Alam ko kasi kung gaano kagusto makawala ni Alexa sa gipit ng mommy nya. Lumayo na sya at kung ano pero eto, ipinagkasundo pa sya ng mommy nya sa isang lalaking hindi naman nya mahal.

"Sige na Gene, magbihis ka, kinausap ko sila Joanne kanina. Makikipagkita tayo sakanila."

"Ha?"

"Tambay tayo sa clubhouse ng Familia." Hinila ako ni Alexa at tinulak papuntang stairs. "Dala ka ng swimsuit, baka magswimming tayo."

"Ha?! Wala akong swimsuit!"

Inirapan lang ako ni Alexa at hinila ako papuntang kwarto ko. Dumiretso sya sa closet ko at naghalungkat doon ng masusuot ko.

"Hmm, wala nga. Sige, pahiramin nalang kita, meron akong extra sa baba." Tumayo si Alexa mula sa pagkakayuko sa closet ko. Kumuha nalang sya ng kulay red na sundress at inabot iyon sakin. "Ito nalang isuot mo." Kumuha pa sya ng isang yellow na dress. "At ito, itiklop mo ng maayos at ilagay mo sa bag, pamalit."

"Di ba pwedeng shorts nalang at tshirt? Kailangan dress talaga?"

Pinameywangan lang ako ni Alexa. "Gusto mong magpatalo kay Violet?"

"Ano ka ba, sumuko na sya."

"Kahit na, wag ka parin magpapatalo dun. Sige ka, pag nagsawa si Raegan sayo si Violet ang hahanapin nun."

"Hoy, anong magsasawa?" Biglang pumasok si Raegan sa kwarto. Naka tshirt at shorts lang sya at pinupunasan ang basa pang buhok.

"Sinasabi ko lang kay Gene na wag syang magpapatalo kay Violet." Sabi ni Alexa. "Magayos ka ng gamit, punta tayong clubhouse."

"Clubhouse?"

"Tinext ko sila Joanne kanina. Para naman maaliw ka't matigil na yang pagmumukmok mo." Paliwanag ni Alexa. "Andun na siguro sila kaya bilisan mo't nang makaalis na tayo."

"Ba't ngayon mo lang sinabi? Teka, kasama si Violet?!"

"Oo,"

Napatingin sakin si Raegan bago humarap kay Alexa. "Ayoko na. Kasama naman pala si Violet."

"Hindi, ayos lang, wala naman na akong problema kay Violet eh." Singit ko.

"Ha?"

"Wag ka na umangal." Tinulak ko na palabas si Raegan. "Bili na, magpalit ka na, gusto ko na makita sila Joanne."

Sumunod narin sa labas si Alexa para makapagpalit na rin ako ng damit. "Sunduin nyo nalang ako sa unit ko. Sabay ako sainyo."

"Ano ba yan?!" Angal ni Raegan. "Magdala ka na ng kotse mo."

"Nakakatamad magdrive!"

"Bwisit."

Sinara ko na yung pintuan ko at nagpalit ng damit. Inayos ko narin yung pamalit na sundress inilagay iyon sa isang bag. Pagbaba ko sa sala, naglalaro lang si Raegan sa PSP nya. Nakaayos na yung bag sa tabi nya.

"Tara na?" Aya ko. "Baka kanina pa tayo hinihintay ni Alexa."

"Tara." Ibinaba na ni Raegan yung PSP. Sumipol sya para tawagin si Azula.

Bumaba kami sa 21st floor at kumatok sa unit ni Alexa. Agad naman nya iyong binuksan at lumabas dala dala ang bag nya.

"Nagdala na ako ng swimsuit para sayo." Sabi ni Alexa sakin. "Two piece." Tapos isinalaksak nya yung kulay blue swimsuit sa bag ko.

Nanlaki yung mata ko. "ANO?!"

Tumawa lang si Alexa. "Show some skin, Gene. Sayang ang kaseksihan mo kung palaging nakatago."

"Tara na." Aya ni Raegan at nauna na sa elevator.

"Uyy, may excited!" Pangangantyaw ni Alexa. Siniko nya ako at tinuro si Raegan.

"Baliw." Pinanlisikan lang sya ni Raegan pero halata na medyo namumula ang pisngi nya kahit pa umiiwas sya ng tingin samin.

"Hoy! Ikaw ha! Kung ano anong iniisip mo!" Hinampas ko si Raegan pagkasakay namin ng elevator.

Natawa lang si Alexa samin.

Pagkarating namin sa parking ay nakahanda na yung kotse. Sumakay na kaming lahat at saka bumiyahe na.

Forty-five minutes lang ay papasok na kami sa Olympian Residences sa Taguig. Ang subdivision kung saan naroroon ang mansyon nila Raegan. Pero hindi kami doon dumiretso kung hindi sa isang mansyon ilang block ang layo kina Raegan. Ito ata yung clubhouse nilang tinatawag. May ilang magagarang kotse ang nakaparada sa labas.

"Tayo nalang ata hinihintay." Sabi ni Alexa pagkababa ng kotse.

Sumunod lang kami sakanya. Si Azula patakbo takbo sa tabi namin, halatang excited.

"Girls! Buti andito na kayo!" Sinalubong kami ni Joanne. Nakipagbeso beso sya samin. "Kanina pa namin kayo hinihintay."

"Eto kasing si Raegan, ang bagal kumilos." Sabi ni Alexa.

"Anong mabagal kumilos? Palibhasa late mo nang sinasabi samin na makikipagkita tayo sakanila!" Angal naman ni Raegan.

"Wag na nga kayo magaway," Saway ko naman sakanila.

"Vooii! Raegan!" Biglang dating naman ni Leah.

Umiwas ako ng tingin kay Leah kasi naka red bikini top lang sya at maiksing shorts. Ang sexy nya tingnan, nakakailang.

"Ayos ah, akala ko ba busy ka ngayon?" Tanong ni Raegan matapos silang mag-apir ni Leah.

Natawa lang si Leah. "Dude, hindi katulad mo, alam kong boss ako. Alam kong pwede ako magbreak kapag trip ko kasi ako ang masusunod."

Natawa lang kami at pumunta na sa tapat ng pool kung saan nagiihaw si Roland, si Dan at Violet nakaupo sa gilid ng pool, si Venus nakabilad sa arawan, si Jenny nagaayos ng table at si Cedric at Francis ata yun, naglalaro ng volleyball sa pool.

"Well, well, well, we meet again, Alexa." May nagsalita sa likuran namin.

"Percy? Anong ginagawa mo dito?!" Sabi ni Alexa.

Andoon nakatopless at may hawak na baso ng juice ay si Percival Altamirano. Napalunok ako kasi batak na batak sya. Parang may kaharap kaming model.

"Inimbitahan ako ni Leah." Sagot ni Percy. "Since I wasn't doing anything important, I thought I'd come."

Pinanlisikan lang sya ng mata ni Alexa.

"Tara na," Sabi ni Raegan at hinila na papalayo si Alexa.

"Problema nyo ni Percy?" Tanong ni Joanne kay Alexa.

"Pinagkasundo yung dalawa." Sagot naman ni Leah. "Di mo pa ba nababalitaan?"

"Hindi nga?" Gulat na tugon ni Joanne.

Nailing lang si Alexa. Sinalubong naman kami nung iba. Nakipagbeso si Venus, si Cedric at Francis kinawayan lang kami at patuloy na naglaro. Lumapit naman sila Dan, Violet at Jenny samin.

"Hey! You're here!" Bati ni Dan at niyakap kami. Medyo naawkward ako kasi naalala ko pa yung sinabi nyang crush nya ako. Pero alam ko din na nililigawan na ulit nya si Violet kaya wala na siguro yung crush na yun.

"Gene," Ngiti ni Violet at kahit medyo weird para sakin ay niyakap nya din ako.

"Hi," Ngiti ko. Nagfocus ako sa mukha ni Violet kasi naka-two piece lang sya, kitang kita yung hubog ng katawan nya. Ang bastos naman kung tititigan ko yung boobs nya diba?

"Raegan," Ngumiti lang si Violet kay Raegan.

"Hi Violet," Ngiti ni Raegan. Sumulyap sya sakin para makasiguradong ayos lang na nakikipagusap sya kay Violet.

Natawa lang si Violet, nakahalata sigurong naiilang si Raegan. "Don't worry, Raegan, I'm not gonna make a scene." At kumindat sya sakin.

Napangiti nalang ako. Mukhang nakakamove on na nga sya. Pero bantayan ko narin lang siguro sya, matagal tagal din sya naghabol kay Raegan, baka may onti pa syang pagtingin.

"Gene, ano, sinagot mo na ba 'to?" Tanong ni Dan matapos umalis si Violet para magbilad din sa arawan katabi ng ate Venus nya.

"Di pa," Tawa ko kasi masama ang tingin ni Raegan kay Dan, mukhang ayaw nyang pinamumukhang nanliligaw pa rin sya hanggang ngayon.

Natawa lang din si Dan sa itsura ni Raegan. "Ano ba yan! Ang hina mo naman!"

Sumimangot lang si Raegan. "Eh pano, gustong gustong nililigawan sya. Para namang titigil ako sa pagiging sweet kapag sinagot na nya ako."

Binatukan ko nga sya. Mga naiisip nitong palusot! "Baliw ka talaga kahit kelan! Di na kita sasagutin! Manigas ka jan!" At saka umalis na ako para puntahan si Joanne at Alexa na naguusap katabi ng table ng pagkain.

"Oh, anyare sayo?" Pansin sakin ni Alexa.

"Pinagtritripan ako nila Raegan at Dan." Tinuro ko sila Raegan na nagtatawanan doon. Di ko naman maiwasan mapangiti kasi masaya na tingnan si Raegan ngayon. Kanina kasi mukha syang ewan.

"Oy," Hinawakan ako ni Alexa sa baba at iniharap ako sakanila. "Wag titigan, baka matunaw!"

Natawa sila ni Joanne. "Kayo na ba ni Raegan?"

Umiling ako. "Di pa, baliw kasi yun eh."

"Buti di nagsasawa si Raegan? Ang tagal na nya nanliligaw ah!" Tanong ni Joanne na halatang natatawa. "Lakas ng tama sayo ah!"

"Syempre, mahaba hair netong si Gene eh!" Sabi naman ni Alexa na talagang hinawi pa yung buhok ko. "Tara na magswimming, Gene! Gusto ko nang makitang maglaway sayo si Raegan."

Pinanlisikan ko sya ng mata pero mukhang naakit din si Joanne sa ideya na maglalaway si Raegan kaya kuntodo makasangayon sya.

"Sige na Gene! Palit ka na ng damit!" Marahan na tulak ni Joanne sakin. "Ayun yung CR oh!" Tinuro nya yung CR.

Inabot naman ni Alexa sakin yung bag ko at sabay na kaming nagpunta ng CR.

"Bilisan mo ah!!" Excited na sabi ni Alexa pagkapasok namin sa CR. Dumiretso sya sa isang stall at ako naman ay pumasok na rin sa isa pang stall katabi nung sakanya.

Isiniksik na ni Alexa kanina yung swimming suit sa bag ko kaya nung inilabas ko yun parang gusto ko nang magback out. Two piece yun at kulay blue.

"Alexa, parang ayoko na isuot to." Sabi ko habang tinitingnan yung two piece.

"Don't be ridiculous, Gene. Isuot mo na yan."

"Eh hindi ko kaya!"

Actually kaya ko naman magsuot ng ganito, nakasuot na ako nito dati noong nagswimming kami nila Rhea kasama yung blockmates namin dati. Naiilang lang talaga ako kasi yung mga kasama namin ay parang iniluwa ng magazine sa sobrang gaganda at gwapo. Parang isang malaking angkan ng mga modelo ang buong Familia Olympia. Normal lang naman ako, baka magmukha akong ewan kasama sila.

"Isuot mo yan, Gene. Gusto kong makabawi kay Raegan kasi sinabi nya sayo yung secret ko. Gusto ko sya makitang maglaway tapos ilalayo kita para no touch sya!" Humalaklak pa si Alexa na para bang iniimagine yung itsura ni Raegan.

"Eh ano naman kasi kung naging crush mo yung ku--"

"EHHH! Wag ka maingay! Baka marinig nila!" Sumigaw si Alexa sa kabilang stall. "Isuot mo na yan kung ayaw mong sabihin ko kina Joanne na kayo na ni Raegan!"

"Ano?! Eh hindi naman kami ehh!"

"So? Madali lang magsinungaling at gumawa ng storya Gene, mas paniniwalaan nila ako! Isuot mo na yan!"

"Alexa naman ehhh!"

"Tapos na ako!" Narinig ko ang click at ang squeak ng pintuan ng stall nya kaya alam kong tapos na sya magbihis.

"Alexa!" Angal ko ulit.

"Ten seconds, Gene. Kapag di mo sinuot yan lalabas ako dito magisa at iaannounce ko sakanila na sinagot mo na si Raegan last Christmas tapos nagtatago lang kayo kasi natatakot ka pa sabihin sa mama mo!"

"Eh wala naman pakialam si mama samin ni Raegan eh!"

Natahimik saglit si Alexa kaya alam kong nagiisip sya ng sasabihin. Napapangiti na ako kasi feel kong mananalo na ako nang nagsalita sya ulit.

"Eh di sasabihin ko nalang na takot ka sa Familia!" Tumawa pa sya. "Hala, isuot mo na yan! Magbibilang na ako!"

Bwisit! Kilalang kilala na nya ako! Alam nyang takot nga ako sa Familia Olympia nila.

"Isa!"

"Alexaaaaa!"

"Dalawa!" Natatawa na si Alexa sa labas. Naiimagine ko tuloy syang nagsusuklay sa tapat ng malaking salamin sa labas at ngiting ngiti kasi nagigipit nanaman nya ako.

"SIGE NA! Isusuot ko na! Wag ka na magbilang please!"

Napailing nalang ako sa sarili ko. Minsan talaga parang gusto ko nang sagutin si Raegan eh, para lang matahimik na ang lahat sa pangaasar samin. Pero alam ko rin naman na kahit maging kami na ni Raegan, hindi mawawala ang pangaasar nila. Kaya tiis tiis nalang muna. Pag gumaling na si Raegan, saka magiging kami. Saka ko na tatanggapin lahat ng pangaasar, hindi ko ikahihiya si Raegan.

Sinuot ko na yung two piece saka nagpatong ng tshirt bago lumabas ng stall.

"Tanggalin mo yan!" Salubong ni Alexa nang makita nya ako.

"EHH!"

Pero wala akong laban kay Alexa. Mas malaki at mas malakas sya sakin. Kesa umangal pa ako't masira yung tshirt, hinayaan ko nalang syang tanggalin yung shirt.

"There! Better!" Tiningnan nya ako from head to toe. Feel ko tuloy exposed na exposed ako kaya tinakpan ko yung sarili ko. Hinablot ni Alexa yung kamay ko. "Para kang sira! Ang sexy mo kaya!"

"Ehh, nakakailang, wag mo akong tingnan ng ganyan!" Pakiramdam ko pulang pula nanaman ako.

Natawa lang si Alexa. "Ayos 'to, Gene! Malalaglag panga ni Raegan! Baka nga mapagtripan ka din ni Leah eh!"

"Ano ba yan!" Napakunot ang noo ko sa pagkakabanggit nya kay Leah. Ayokong mapagtripan nun, makulit masyado yun eh.

"Tara na!" Hinila na ako ni Alexa papalabas ng CR.

Dirediretso kami papunta kay Joanne na nakaupo katabi nila Venus at umiinom ng juice. Napangiti sya nang makita kami ni Alexa. Si Venus at Violet naman napaupo at nagtanggal pa ng shades para makita lang kaming mabuti. Pareho silang nakangisi.

"Looking good, Gene!" Sabi ni Venus.

"Thanks." Napahawak nalang ako sa batok ko kasi nakakahiya talaga! Si Venus pa nagsabi nun eh sya itong mukhang model!

"Look who's gaping!" Sabi naman ni Violet at may itinuro sa likuran namin.

Paglingon namin nakita kong nakanganga si Raegan samin. Natawa lang si Dan at isinara yung bibig ni Raegan. Marahan nya itong itinulak papunta samin pero bago pa makalapit si Raegan samin ay humarang na si Alexa.

"Bawal lumapit! Magpalit ka muna!"

"Teka lang, si Genesis.." Nakatingin parin sakin si Raegan.

Tinulak lang sya ni Alexa papuntang CR at saka isinara yung pintuan sa mukha nya. Inilock nya yun at saka tumawa ng malakas. "Jan ka muna! Kami na bahala kay Genesis mo!"

"Teka! Hoy Alexa, buksan mo 'to!" Kumalabog yung pintuan.

"After thirty minutes! Pagkatapos ko pahiran si Gene ng sunblock!"

"HOY! AKO GAGAWA NUN!" Sigaw ni Raegan sa loob.

Medyo nahiya ako sa sinabi nilang iyon pero di ko maiwasang mapangiti. Tawang tawa kasi ang lahat sa pinaggagagawa ni Alexa.

"Hoy, Alexa, kapag yan rumesbak sayo!" Sabi ni Dan na lumapit sa grupo namin sa tabi ng swimming pool.

"Ako nga yung gumaganti eh! Nilaglag nya ako kay Gene!" Sabi ni Alexa na naglakad na pabalik samin, di pinapansin yung patuloy na pagsigaw at pagdadabog ni Raegan sa CR.

"Baliw ka, pinagpapalit mo ng damit yung tao eh ayun yung bag nya oh!" Turo ni Dan sa isang gilid kung saan andun nga yung bag ni Raegan.

"Alexa, palabasin mo na sya, baka masira nya yung pintuan." Sabi ko. Naaalala ko kasi noong una naming punta sa     Quezon at pinwersa ni Raegan na buksan yung pintuan sa CR kung saan ako nagtatago. "Baka masaktan yun."

"Oy, concerned!" Pangaasar ni Joanne.

"WOW!" Sumigaw si Leah sa kabilang side. Kararating lang nya kasama sila Jenny, Percy, Roland, Cedric at Francis mula sa loob ng clubhouse. "Andaming sexy!"

Tinulak naman ni Roland si Leah kaya nahulog ito sa pool. "Hoy! Fiance ko yun!"

Natawa lang yung boys.

"Ayos ka lang, Roland? Eh si Joanne nga lang nga yung hindi nakaswim suit sakanila oh!" Tawa ni Percy.

"Kahit na!" Kumindat si Roland kay Joanne kaya natawa pa lalo kami.

"Where's Raegan?" Tanong naman ni Cedric pagkalapit nila samin.

"GUYS! GET ME OUTTA HERE!" Sakto namang sigaw ni Raegan mula sa CR.

"Is that--?" Nagtatakang tanong ni Jenny.

"Hoy, wag nyo bubuksan yung CR kung ayaw nyong bugbugin ko kayo!" Banta naman ni Alexa. "Mamaya ko pa yan palalabasin!"

Nakangiting sumangayon lang sila.

"Hey Gene," Bati ni Cedric sakin. "Long time no see."

"Hi,"

Kinuha ni Alexa yung bag ni Raegan at saka iyon inilusot sa bintana ng CR. "Bag mo Amazona! Magbihis ka na muna habang naghihintay!"

"ALEXA SINASABI KO SAYO MAMAMATAY KA KAPAG DI MO BINUKSAN TONG PINTUAN!" Narinig kong sigaw ni Raegan sa loob.

"Gene! Asan na yung sunblock?" Pangaasar pa na sigaw ni Alexa.

"ALEXA! TATAWAGAN KO SI AUNTIE CRISTY, SIGE KA!"

"ANDITO YUNG CELLPHONE MO!" Sigaw naman ni Dan na itinuro yung cellphone ni Raegan sa may table katabi ng pagkain.

Tumawa ang lahat.

"ALEXA! BWISIT KA! OPEN THIS FREAKING DOOR!"

"Bwisit pala ako eh, ba't ko yan bubuksan?" Pangaasar pa ni Alexa.

"ALEXA! AS THE HEIR OF ZEUS, I AM TELLING YOU--NO WAIT, I'M ORDDERING YOU TO OPEN THIS FUCKING DOOR!" Kumalabog pa ulit yung pintuan.

"Ooooh," Napatingin ang lahat kay Alexa.

"Hala ka, Alexa, ginamit na nya yung title nya!" Banta ni Jenny. "Seryoso na yan!"

"Baliw, she didn't meant that." Ipinagsawalang bahala yun ni Alexa pero halatang kinabahan din sya. "MAY 20 MINUTES KA PA JAN!" Sigaw naman nya sa direksyon ng CR.

"ALEXA!"

"20 MINUTES! I PROMISE!" Sigaw ni Alexa. "Pahiram muna si Gene!"

"ALEXA NAMAN EHHH!" Kumalabog pa ulit yung pintuan pero tumigil din agad. Napagod na ata si Raegan.

"Oh, Gene," Inabot sakin ni Joanne yung sunblock.

"Thanks,"

"Gene! Ako na magvovolunteer na lagyan ka nyan sa likuran!" Sabi ni Leah. Nasa gilid sya ng pool, nakatingala samin.

"SI LEAH BA YUN?!" Sigaw ni Raegan sa CR.

"OO!" Natatawang sigaw naman ni Joanne.

"GUYS, OKAY LANG NA IKULONG NYO AKO DITO, PERO PLEASE LANG WAG NYO PALALAPITIN SI LEAH KAY GENESIS!" Sigaw ni Raegan.

"Nako, Leah, off limits si Gene," Tawa ni Dan.

"Ehh! Sige na Gene! Ayos lang naman sa--"

Di na natuloy ni Leah yung sasabihin nya kasi inapakan ni Francis yung ulo nya dahilan para lumublob sya tubig.

"Hoy! Malunod yan! Ang brutal mo!" Saway ni Joanne.

Tinanggal ni Francis yung paa nya.

"FUCKER!" Sigaw ni Leah at pinilit abutin si Francis pero tumawa lang ito at tumakbo papalayo.

Inapakan naman ni Dan yung kamay ni Leah.

"ARAY KO! ANO BA DAN!"

Tumawa lang si Dan saka hinawakan yung kamay nya, si Roland naman dun sa kabila nya pang kamay. Hinila nila si Leah paahon ng swimming pool.

"HOOY!" Sumigaw pa ulit si Leah nang buhatin ni Cedric at Percy yung binti nya. "ANO BA YA--!" Hindi na sya nakaangal pa kasi inihagis na sya ng boys sa pool.

Natawa lang kami kasi sunod na sunod na tumalon yung boys sa pool.

"BWISIT KAYO!" Sigaw ni Leah nang humupa na yung kakatalsik ng tubig sa mukha nya. "NAKAINOM PA AKO NG TUBIG!"

Lalo naman kaming natawa dun.

Matapos ang ilang minutong pagkukwentuhan namin nila Joanne, Alexa at Jenny ay nakarinig pa ulit kami ng sigaw ni Raegan.

"HOY ALEXA ANG TAGAL KO NA DITO! BUKSAN NYO NA YUNG PINTO!"

"WAIT LANG! DI PA AKO TAPOS MAGLAGAY NG SUNBLOCK!" Sigaw ko at saka nakitawa. Ang totoo kasi kanina pa kami naglagay ng sunblock, si Alexa na naglagay sa likuran ko.

"GENESIS NAMAN EHH! AYOKO NA DITO!"

"Arf arf!" Tumahol lang sa ilalim ng table si Azula. Nalimutan kong isinama pala namin yung aso.

"Ako na magbubukas." Sabi ni Jenny at tumayo na papunta sa CR.

"Hindi na Jenny, ako na, baka awayin kayo nun." Tumayo ako at pinigilan si Jenny.

"Sure ka?"

"Yup,"

"Uyy," Ngisi ni Alexa.

"Magtago ka na, pag ikaw naabutan nun!" Banta ko sakanya.

"Hayaan mo sya." Sagot naman nya. "Itutulak ko nalang sya papuntang pool."

"Asus, di mo kaya yun, Amazona nga sya diba?" Ngisi ko.

Pumunta na ako sa CR at binuksan yun. "Raegan?"

Pagkabukas na pagkabukas nung pintuan ay may humablot sakin papasok.

"Genesis!" Parang di inaasahan ni Raegan na ako yung nagbukas nung pintuan.

Nagkatitigan lang kami. Naka green bikini top sya at naka shorts din katulad ni Leah. Ang sexy nya tingnan kahit medyo magulo yung braid ng buhok nya.

"Ayy uhh, sorry." Napalunok si Raegan at umiwas ng tingin.

Umiwas na din ako ng tingin kasi di ko agad narealize na tinititigan ko nanaman yung flat nyang tiyan. Ang sexy talaga ng babaeng to. "Ayos lang, sorry din."

Katahimikan, wala kasing nagsalita samin, naaawkwardan sa sitwasyon.

"Tara na?" Aya ko.

"Wait lang," Itinukod ni Raegan yung kamay nya sa pader sa gilid ng ulo ko. Inilapit nya yung mukha nya sakin kaya napapikit ako. Naramdaman kong humalik sya sa ilong ko. "Ang sexy mo, nakakagigil."

"HOY! Ano nang ginagawa nyo jan!" Sigaw ni Jenny sa labas.

Kinuha na ni Raegan yung bag nya at lumabas na kami pareho. Naghiyawan pa sila kasi akala nila may ginawa pa kaming kababalaghan sa loob.

"Naka score yung isa jan oh!" Hiyaw ni Dan habang inaabutan ng juice si Violet.

"Baliw! Sinampal nga ako eh!" Pagsisinungaling ni Raegan.

"Weeh? Ang tagal nyo kaya sa loob!" Sabi naman ni Leah.

"Baka ikaw, gusto mo din masampal?" Itinaas ni Raegan yung kamay ko.

"Salamat nalang!"

Inihagis na ni Raegan yung bag nya sa isang gilid at saka tumakbo papunta kay Alexa.

"AY SIYETEEE! RAEGAN! WAG!" Napatili nalang si Alexa nang buhatin sya ni Raegan at walang anu ano'y inihagis sa ginta ng pool. Muntikan pa nga nyang matamaan si Leah.

"Ikukulong mo pa ako ha!" Tawa ni Raegan.

Tawa na lang kami ng tawa pagkatapos noon kasi hinila din nila si Raegan sa pool. Nagbasaan at nagharutan. Nang mapagod ay umahon din sila at kumuha ng pagkain sa table.

Si Dan todo asikaso kay Violet. Si Violet naman nahuhuli kong sumusulyap kay Raegan pero other than smile at her once in a while, wala na syang ibang ginawa pa para lumapit sakanya.

Si Leah naman pinagtritripan si Jenny ngayon. Yung boys, busy sa pagkain at paglolokohan, ang lakas kasi tumawa.

Si Raegan naman pinanuod ko lang, natutuwa kasi akong makita syang nakangiti pagkatapos ng malaman nya tungkol sa kabataan nya. Kanina bago kami umalis ang gulo gulo ng itsura nya, pero ngayon ngiting ngiti sya.

"Sometimes I wonder why you haven't answered her yet, halata namang mahal mo din sya."

Napalingon ako kay Joanne na nagpalit na din sa swimsuit nya.

Ngumiti lang ako. "Malapit na,"

"Kelan?"

"You'll know when it comes,"

Napataas lang ang kilay ni Joanne sa sinabi ko pero di na sya nagtanong pa.

"Genesis," Tawag ni Raegan sakin, nakaabot ang kamay para alalayan ako.

Ngumiti lang ako at inabot ang kamay nya.

_______________________________

A/N:

Pahinga muna sila kasi may mangyayari next chapter. AHAHAHAHA
Extra chapter lang 'to.

Thank you for reading, voting and commenting!
Keep on supporting Split Genius!

Countdown to the end

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon