Since super love ko ang author ng TTLS at pati na mismo ang characters nito, naisip kong sumali sa contest. Manalo o matalo, may soft copies naman. MWAHAHAHAHA!
Anyway, hi ate Rayne! Hihi. <3
“If you ever thought that you already have that perfect love story you've always dreamed of, think again. Everything in this world is not what it seems to be. Everything's twisted--including your story.”
—That Twisted Love Story
~•~
Pauline 'Ces' Flores
May mga bagay na hindi natin nakukuha, nahahawakan at nabibili ng basta basta. May mga bagay na kailangan mo munang paghirapan bago makuha.
Minsan, worth it yung paghihirap na yun. Pero minsan naman, nasasayang. . .
Pero sa kwentong 'to? Wala lang, trip ko lang ang mabigat na intro. Ang bigat diba? Pero kahit mabigat, iyon pa rin ang totoo. . .
"Te, baka matunaw yung picture." Straight face na sabi sa akin ni Marciella.
Ibinaba ko na yung picture na pinakaiingat-ingatan ko. Ang hirap kasing maghanap ng picture nya. Ito lang yata ang matinong picture na nakuha ko. Kasi naman, wala syang facebook, twitter, instagram, o ano mang application na pwedeng makakuha ng picture nya. Kaya ayun, gumawa ako ng paraan para magkaroon ng kahit isa man lang.
Ang masaklap, stolen lang. Syempre, wala naman akong lakas nang loob para lumapit sa kanya at sabihing 'papicture po!' Isa syang supladong lalaki na mas masungit pa sa babaeng nagme-menopause. Ewan ko ba kung bakit ganito ako kabaliw sa kanya. . . kay Lyric Yue.
Inagaw sa akin ni Marciella yung picture na kanina ko pa tinititigan. Side view. Iyon ang pwesto nya sa picture. Matangos ang ilong, matangkad, half magulo at half maayos ang buhok nya. Hindi ko alam kung paano sya ilalarawan pero para sa akin, perfect sya sa mata ko.
"Wow, gwapo ng araw dito ah." Tumatawa pang sabi niya habang hawak-hawak ang softdrinks in can na binili namin sa cafeteria.
Inirapan ko sya kahit nakatingin pa rin sya sa picture ni Lyric. "Sana man lang na-appritiate mo yung mukha nya."
Well, dahil nga patago kong kinuha yun, hindi maganda yung angle. Nakaupo sya sa bench at medyo nagse-senti. Lagi namang ganun ang mukha nun, parang emo na ewan na laging poker face. Medyo malayo ako nung pinicturan ko sya, tapos yung angle pa nung pagkakuha ko e, natapat sa araw. Kaya medyo natakpan ng liwanag yung mukha nya.
Pero promise, yun na ang pinaka-matinong stolen picture nya na nakuha ko. E kasi naman, di ako makakuha ng tiyempo.
"Mukha? Wala naman akong nakikitang mukha rito." Inagaw ko sa kanya yung picture at sinimangutan sya.
Ayun, tawa na naman ng tawa. Napaka-supportive talaga ng kaibigan kong 'to. Kaya gustong-gusto kong panggigilan e. Yung tipong iiyak na sya sa panggigil ko. Tsk.
Pagkatapos naming kumain sa cafeteria, umakyat na rin kami agad bago pa mag-bell. Syempre, pagkapasok sa room, naabutan ko na naman syang nakayuko sa pinakamamahal nyang desk. Buti pa sila nung desk, may kissing scene.
**
Fieldtrip. Iyan ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang mga kaklase ko at walang tigil sa pagsasalita. In-announce kasi na magkakaroon ng educational fieldtrip. 700 daw ang bayad. Kasama kasi sa pupuntahan ang Enchanted Kingdom na hindi ko alam kung papaano naging educational ang lugar na iyon. Ang rason ni ma'am? Teen age expiriences daw.
BINABASA MO ANG
That CesRic Love Story [TTLS FanFiction]
FanfictionFrom the bottom of my CesRic heart. . .