DEC 1 - 'd

205 6 5
                                    

Salamat sa magandang cover @imclarencepadilla :))

***

Kabanata 1 - 'd ('di malagyan ng title..sareeh! XD)

*medyo mahabang flashback*

Nagpagulong-gulong SIYA sa kama na parang timang. Nasa gitna naman ako nito nakadapa kaya ayun nadadaganan niya ako.

Gabing-gabi na. Inaantok na ako pero hindi ako makatulog dahil sa kanya. Mukhang tinotoyo eh. Badtrip pa naman ako. Sa skul, napagalitan ako ng mukhang pwet na teacher ko at nahuli niya akong nangongopya sa katabi ko sa test namin. Badtrip, kasi nahuli niya ako.

Ilang araw na'kong ganito. Nababanas ako lagi. Hindi ko na tuloy masabayan ang mga kalokohan NIYA. Dahil kasi 'yun sa sinabi sa'kin ni erpats ko pati na rin NIYA. Aalis na raw SIYA rito sa bahay. Kukunin na raw SIYA ng mga kamag-anak niya. Parang biglang sumama pakiramdam ko dahil dun pero ayoko munang isipin 'yun. Gusto kong ipakitang wala akong paki.

Masakit rin puson ko. Hay naku! Bigti na tsong.

Heto na naman. Madadaganan na naman niya ako.

"Aray ko Kris ah! Magtigil ka nga sa ginagawa mo. Timang ka talaga eh."

"Eh sa hindi ako makatulog eh. Taragis!" reklamo niya. Ginulo niya ang buhok niya at tangkang gugulong ulit pero pinigilan ko siya gamit ang paa ko.

"Amuyin mo 'yang paa mo nang makatulog ka. Badtrip ako ngayon ah. Tumigil ka." Umayos na ulit ako nang higa.

Maya-maya pa ay narinig ko siyang parang may sinisinghot.

"Hhhmmm."

At nagulat ako nang makita ko siyang inaamoy nga ang paa gaya ng sinabi ko. Medyo natawa ako run. Baliw na talaga siya.

"Wala namang epekto eh. Sa'yo nga girlpren ko try ko amuyin." Kinuha niya ang paa ko at akmang aamuyin nga ito pero sinipa ko siya nang mahina lang.

"Mukha kang gago. Bilog ba buwan ngayon? Ba't ba tinotoyo ka na naman? Masilip nga." Napapailing ako sa kanya. Medyo natatawa ako pero naiinis rin. Gusto ko na kasi matulog eh nga lang ang likot niya. Hinawi ko ang kurtina ng bintana na malapit lang sa'kin para makita kung bilog ba ang buwan ngayon at tama nga, full moon ngayong gabi. Kaya naman pala tinotoyo siya ngayon.

Binaling ko na ulit ang atensyon ko sa kanya. Ayun. Nagpagulong-gulong ulit siya sa kama habang hawak na ngayon ang paa at inaamoy ito.

'Tong gagong 'to talaga. Nahawa na rin sa akin. Nagkatoyo na rin sa utak. Tsk! Pogi sana e, siraulo lang.

Pero kahit ganyan yan, sobrang mamimiss ko yan. Ba't ba kasi nangyaring nagkasama kami sa loob ng ilang taon at sobrang nagkalapit kami sa isa't-isa? Tuloy nahihirapan ako, ngayong malapit ng maghiwalay ang landas namin. Alam kong darating talaga ang araw na 'to at ayokong malungkot pero ewan ko ba ba't ako nagkakaganito ngayon. Ayokong malungkot. Ayoko!

Pero inaantok na talaga ako kaya gusto ko na talagang matulog. Napatingin naman siya sa'kin.

"Tingin ka?" Tanong niya habang natatawa. Alam niyang mukha siyang gago sa ginagawa niya. Naiiling na lang ako dahil sa hitsura at posisyon niya ngayon.

"Arrgg! Nahawa na ako sa sakit mo Amber! Naging timang na rin ako." Tumayo siya mula sa pagkakahiga at umupo.

"Oy matagal ka nang timang noh. Haaaaay." sabi ko sabay hikab. Humiga na ulit ako.

"Hindi. Hinawaan mo ako. Ikaw may kasalanan. Hinawaan mo ako. Huhuhu!" Sabi niya habang nakanguso tapos 'yung boses niya ginawa niyang pambata tapos pinapalo pa ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'd ENG-ENG Couple [KrisBer Fanfic] [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon