Chapter.o1 Valentine's Day

77 4 0
                                    

Chapter o1 -Valentine's Day

____

"Best gising na, tanghali na oh!!" uRgh! Ang aga-aga naman nito mang-gising!!

Ayoko pang bumangon kaya nagtalukbong nalang ulit ako ng kumot. Kainis! Ang ganda pa naman ng paniginip ko. Bwiset!

"BEEEEESSSSST!!!"

"Ano ba Anch! di mo naman kailangang sumigaw malapit sa tenga ko eh, utang na loob lang!" Bumangon nako at umupo sa gilid ng kama. Tiningnan ko yung alarm clock sa bedside table ko at pagkatingin ko... WHAT-THE?! 5:15 palang tas kung makayug-yog sa balikat ko wagas! uRgh!

Umayos naman sya ng upo at tumabi sakin. Tumingin ako sa kanya na nakabusangot yung mukha. Anong trip nito?!

"Best kanina pa kita ginigising, tulog mantika ka talaga! Malelate na tayo oh!" Sabi nya with hand gestures pa.

"Yea right! lagi naman tayong late, wala naman atang nakakagulat don di ba? Tsaka ang aga-aga pa!" Pagsusungit ko sa kanya. Totoo naman yung sinabi ko, lagi kaming late buti nga mabait yung mga naging professors namin ngayon, kasi pag bago na sila umaalis nagche-check ng attendance.

"Eh pero best baka nakakalimutan mo ata kung anong araw ngayon? It's Valentine's Day duh!" Umirap pa ang bruha.

"Alam ko! eh ano bang problema mo?" Kainis! if I know atat na yang makasama nya yung boy friend nyang uGh! Ang aga-aga nakakapang-init ng dugo!

"Hay nako best, napaka-bitter mo eh no. Bat di mo pa kasi kalimutan yang si papa-hmm" Sarap busalan ng bibig nito!

"Ano ba best napaka-ano mo eh no!" Inis na sambit nya, pagkatanggal nya ng kamay ko sa bibig nya.

"ANO?" Pinanlakihan ko sya ng mata, pero sya na.tawa lang. Kapikon nato ah!

"Wala wala best, sige na di na kita kukulitin basta bilisan mo na ah, excited na ko mamaya eh alam mo ba yon?" Sabi nya na halos maglupasay na sa kilig. Edi sya na merong love life! Hindi naman sa naiinggit ako, eh pero ang OA nya. Iniripan ko lang sya, bitter na kung bitter. Bigla naman syang tumayo.

The Concealed Feelings(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon