Chapter 13- Broken Hearted

21 0 0
                                    

Still working on my book cover. Pero promise, tomorrow iba na. Inagahan ko na ang update, boring dito sa bahay eh. At ang isa pang pinakanakakainis, wala kaming signal dito sa bahay ngayong araw na ito, hindi tuloy ako makakapanuod ng "My Girlfriend Is a Gumiho" at ng "Meteor Garden". 

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

*After 1 week*

May

                                     Dumudugo parin tong mukha ko dahil ni Bianca. Nakakahiya pag pumasok ako. Ngayon, makikita na namin yung result ng exam namin. 

"Lord, sana po makapasa ako." 

                                     Nagdasal pa ako. 12:00 ang pasok namin ngayon, 9:00 ako gumising. Mabagal kase akong kumilos. Naligo na kaagad ako pagkagising ko at nagbihis na rin kaagad agad. Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis. Tinanong ko kaagad si Yaya.

"Nasan si ninang?"

"Ay naku May, umuna na, siguro magtatrabaho pa"

"Ok po" Sabi ko pa with smile

"May, kain ka na, may niluto akong steak para sayo" 

"Ok po" Pumunta na ako sa dining table. Ang bango ah, amoy pa lang, busog na ako. Umupo na ako kaagad at binuklat yung plato ko. Kumuha ako ng spoon at fork sa lalagyan. Naglagay ako ng chop suey gravy, mushed potato, at fries sa pinggan ko at nagsimula na akong kumain. 

                                          Pagkatapos kong kumain, pumunta na ako sa school. Hindi pa ako makababa ng kotche ko kase nakakahiya, baka mamaya pagchismisan pa nila ako. So ang ginawa ko is, kumuha ako ng jacket sa bag ko at isinuot na rin kaagad. Naglagay pako ng hood sa head ko para hindi nila makita mukha ko. Pero nakakahiya parin, kase baka mamaya isipin nila na outsider ako. Baka palabasin ako ni Manong Guard, baka pagchisimisan parin nila ako. Plano ko sana maglagay ng make-up sa mukha ko, kaya lang baka maslalong masira mukha ko. Ok na siguro tong jacket. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ako ng kotche. Nilock ko na rin ito. Nakita ko ang Chick's Skirt, nakaskirt sila ng napakaikli. Hmm! Ewan ko na lang pag nahuli sila ng DO, lagot naman sila. Hindi ko na problem yun. Habang naglalakad ako papunta sa room ko, pinagtitinginan nila ako. Shit! Nakakahiya. Tumakbo na ako kaagad papunta sa room ko.

                                          Finally, nasa room na ako, wala ng hiya hiya. Pero kailangan ko paring tanggalin yung hood ng jacket ko kase magkaklase na. Si Bianca kase. Unti unti kong tinanggal ang hood ng jacket ko. Pag tanggal ko, nakita ko silang lahat na nakatingin sakin, tumahimik din silang lahat sa mga gingawa nila, tapos meron akong isang kaklase na nagsabi na.

"May, anong nangyare sa mukha mo?! Ang pangit mo na nga, maslalo ka pang pumangit. Tinurukan ba yan para maslalo ka pang pumangit?!" Sabay tawa nila, nakakahiya talaga. Tumingin na lang ako ng masama sa kanila with smoking nose pa yan ah para mahalat nila. Si Dean nakaupo lang, para syang walang pake sa mundo. Ngayon, kailangan may malaman nako sa school namin, kung sino ang sikat na loveteam, kung sino ang next school hearthrob, kase gagraduate na si Sam. Tinakpan ko ulit ang mukha ko sa hiya. Nang mamaya na lang, pumasok na si Professor Kim.

"Good morning class!"

"Good morning sir!"

"Oh May, anong nangyare sayo, bakit ka nakajacket eh, ang init init, may hood ka pa. May sakit ka ba?"

"Wala naman po" Sabi ko with nakayuko na neck

"Oh, tanggalin mo. At bawal kaya yan pag magstastart na ang klase. It's inappropriate" Dahan dahan kong tinanggal.

Loud HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon