Regret Everything

1.3K 28 5
                                    

Nagmamadaling magbihis si Denise dahil bibili siya ng regalo para sa BF niya na si Xander pero napatigil siya dahil pumasok ang nanay niya sa kwarto niya .

" Denise anak may pera ka ba , Hindi pa kasi nagpapadala ng pera ang tatay mo " saad ng nanay niya kaya napatingin siya dito . Hindi alam ni Denise kung ano ang isasagot sa nanay niya dahil kung may pera man siya ay para ito sa 1st anniversary nila ni Xander , gusto niya kasing surpresahin si Xander kaya nag - ipon talaga siya para dito .

" Nay ..... yung pera ko po kasi ngayon ay para sa regalo at surpresa ko kay Xander para sa anniversary namin " saad niya habang nakatingin ng malungkot sa nanay niya .

" Ah ganon ba anak , sige wag na lang siguro kaya ko naman hintayin yung sweldo ng tatay mo , sige na magbihis ka na " saad ng nanay niya na nakasimangot na tumalikod sa kanya habang papalabas ng kwarto niya , na agad nakapagpalungkot sa kanya .

" Nay .....Sandali ito na po sana kumasiya " saad ni Denise sa nanay niya at inabot ang pambili sana ng regalo at handa para sa anniversary nila ni Xander .

" Anak wag na alam ko naman na matagal mong inipon yan para sa okasyon na yan , wag na " saad ng nanay niya at ibinalik ang pera sa kamay niya , alam ng nanay niya na matagal niyang hinintay ang araw na anniversary nila ni Xander .

" Nay ...may araw at may oras pa naman po ako para makakuha ng ganyan pera , magtatrabaho na lang po ako , sige na po kunin niyo na po " saad ni Denise sa nanay niya at inabot ulit ang pera , kaya napangiti ang nanay niya .

Regret EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon