Chapter 1

329 13 1
                                    

Nash POV:

"Araaay!"

Napatingin ako dun sa babaeng sumigaw. Anobayan! Umalingawngaw na ang pagkalakas-lakas na boses nya dito sa loob ng bus. Taga-bundok ba sya? -_-

"Sorry Miss.. Siksikan eh, naapakan tuloy kita. Mukhang ang bigat ng dala mo ah, tulungan na kita sa mga bagahe mo"-sabi nung isang lalaki na sa mukha palang di na mapagkakatiwalaan -_-

"Ah, ang bait nyo naman po Manong. Eto po oh"-sagot nung babae sabay abot dun sa lalaki nung mga gamit nya.

Tanga ba sya? Di nya ba alam na yan ang mga usong modus ngayon?!

"Sige ako na bahala dito.. ilagay ko na lang 'to dito sa taas ha"-sabi nung lalaki

"Ah sige po"-sagot nung babae. Putek! Mangmang nga!

Medyo lumapit ako sa pwesto nila.

"Ay Miss! nahulog yung pera mo!"-sabi nung lalaki sabay turo dun sa sahig.

"Ha? San po?"-tanong naman nung inosenteng babae

"Gumulong dun sa ilalim nung upuan. Silipin mo"-sabi nung lalaki

At si tanga naman.. sinunod nga! Antanga! Yuyuko-yuko dun na parang tanga! Ay nako, napakatanga!

"Wala po akong makita!"-sabi nya.

Biglang tumigil ang bus. Shit!

Lumingon agad ako kay Manong na ngayon nagreready na para kumaripas na ng takbo tangay yung gamit ni tanga!

Agad akong kumapit dun sa bag nung babae. Napatingin sakin yung Manong.

"San nyo dadalhin yan? Ha?!"-tanong ko. Tae! Di sya uubra sakin.

"Anong san dadalhin?! Akin kaya to!"-sagot nya.

Tumingala naman samin yung babae. Narinig nya ata kami kaya tumigil na sa paghahanap ng perang wala naman talaga -_-

"Teka! Anong sayo? Akin yan Manong!"-sabi nung babae sabay tumayo na sya.

"Hoy! Kung sayo 'to bat nasakin? Akin to!"-sabi nung lalaki. Nayayamot na ko sa kanya ah! Sarap bigwasan.

"Eh pinahabilin ko lang yan sa inyo kanina eh!"-sabi nung babae

"Wala akong naaalalang ganon!"-giit ni Manong

"Gusto nyo bang tumawag pa ko ng pulis para magkaalamanan na?"-sabat ko

"Wag na! Oh! Ayan! Sayo na! Mga bwiset!"-galit na sabi ni Manong sabay hagis nung bagahe sa sahig at bumaba na ng bus.

"Oy! Di mo ba hahabulin yon? Dapat don nakukulong!"-sigaw sakin nung babae.

Teka! Ba't ako?! Lakas ng loob nyang utusan ako e kung tutuusin ako nga ang nagligtas sa kanya. -_-

Di nalang ako umimik. Sayang lang ang laway pag tanga ang kausap.

Nilagpasan ko na lang sya. Aalis na ko dito.

"Hoy! Salamat nga pala"-rinig kong sigaw nya.

-------------------

ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon