PROLOGUE NG FANGIRL

1.7K 32 9
                                    

Thank you @imclarencepadilla for the cover. Salamat din sa mga nag-request na gawan ko ng fabulosong fanfic si Kris. Salamat sa mga sumuporta ng Trolled Heart pati nung iba ko pang stories. :) Appreciated iyon!

 

‘Yung mga inosente dyan at prefectionists, pwede pa rin naman kayo dito pero sana maintindihan n’yo ‘yung mga nilalaman. Some contains bad words or something like that. Some contains corny jokes. Pwahaha. PeroI accept harsh comments. O kaya kahit simpleng criticism. Okay lang sa’kin. Go lang kayo. :)

 

Enjoy this. <3

-jeydwesh 2014

 

Misspell Fangirl (EXO Kris FF) Prologue

 

“Good morning babe! If you don’t wake up now, don’t blame me for being late~ Blablabla!”

Ilang ulit na nagsalita si Benben hanggang sa napatayo na ako. Hay, ang ganda na naman ng umaga ko. Paano ba namang hindi eh pagmulat na pagmulat ng mata ko, boses na agad ng boyfriend kong si Kris Wu ang maririnig ko? ‘Wag kayong magtaka, dodol pop lang yan. Baka isipin n’yo, ilusyunada ako eh. -_-!

Dahil nga mukhang mas nauna pa yata akong nagising kaysa sa mga maids naming sa pagkakaalam ko, binabayaran ko sana para ipagluto ako sa umaga, ako na ang nag-insist magluto total good vibes naman ako.

Isasalang ko pa lang ang itlog at pancakes nang biglang bumaba si kuya mula sa itaas. Malamang bumaba nga diba? Utak author, kahit slight lang ples.

“Aga mo ata Graciella. Anong nasinghot mo?” Bwiset, panira talaga ‘to. Saka grabe ah, pwede namang Grace na lang, binubuo pa! Nakakakababae kaya masyado. 

“Malamang sa malamang, papasok ako sa school, duh! ‘Di ako tulad mo noh.” Sagot ko sa kanya. Kung kaya n’yang sirain ang umaga ko, sisirain ko naman ang buhay n’ya. *evil laugh*

“Oh, bakit hindi mo man lang sinabi na may bagong rule ang school n’yo?” sarkastiko n’yang sabi pero wait… what does he mean bagong rule?

“Huh? Anong rule? Baka sa’yo lang ‘yun, lul.”

“Na may pasok na tuwing bakasyon? Abno ka na.”  Ngiting aso ang kuya ko matapos n’yang sabihin ‘yan. Ako naman… medyo buffering pa. Wait! Sabado ngayon? Shit, oo nga, BAKASYON ngayon, Graciella La Piere. Kung ‘di ka ba naman hunghang at kalahati! Sige, pumasok ka nang sabado!

Huhuhuhu. Sayang ang effort ko sa pag-gising ng maaga. Ina you Kris! Inokupa mo ang utak ko kaya lutang ako ngayon. Bwiset!

x shaniedelacruz

Misspell Fangirl (Kris FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon