Prologue

11 0 0
                                    


"Aba't depungas na bata ka! Alam mo ba kung anong petsa na ngayon? Ilang bwan ka ng hindi nagbabayad ng renta dito!" Sigaw ni Aling Mercy habang kausap ko tungkol sa letseng upa sa mukhang pagong nyang paupahan.

"Aling Mercy, baka pwedeng kahit mga dalawang linggo ang palugit, babayaran ko po pagkatapos nun. Peksman mamatay ka man este ako."

"Hmp, siguraduhin mo yan Kiray! Pag hindi kapa nakabayad matapos ang dalawang linggo pasensyahan tayo!" At walang lingong umalis ang Landlady ng bahay, minsan naiisip ko mercy ba talaga pangalan nun? Parang wala namang awa e.

Dumiretso ako sa kusina dito sa paupahan nyang parang pagong. Ang sikip! Magluluto na sana ako kaso naalala ko wala pala akong lulutuin, pesteng buhay to oh' mukhang mangungutang na naman ako!

"Hoy uling, pautang!" Sigaw ko kay uling na halos diko na makita sa sobrang itim, ito lang kasi ang mauutangan ko dahil nga yung ibang tindahan dito samin' ay mga tubong-lugaw.

"Pa-kiss muna kiray." At nilabas nya ang ngipin nyang naninilaw, yun lang ata yung nakikita sakanya e?

"Tigil-tigilan moko at baka silaban kitang uling ka!" Wala din naman akong mapapala dun, sa iba nalang.

Habang naglalakad, iniisip ko parin kung saan ako kukuha ng pera pambayad ng upa. Dalawang buwan narin kasi at wala parin akong ibabayad, kahit yung iba kong raket tulad ng paglalaba hindi kasya. Hay ano ba namang buhay to! Kung meron lang sanang trabahong may malaking sahod basta kaya ko, gagawin ko.


Pupunta na dapat ako kay Aling Conchita ng magtwinkle-twinkle ang cellphone kong mas luma pa sa luma. Binasa ko ang nakasulat at mukhang tinupad ata ang hiling ko.

'qusto mhu banq maqkaphera? Jejeje. Mh4lake yUnq s4hod, ez m0ńeyszxc'

Dahil sa pagiging excited agad kong nireplayan yung number nung jejemon na may offer na trabaho.

'Jejemon ka phowszxc? Joke. Legit ba yang trabahong yan? Baka naman scam to o kaya illegal yan?'

Send, agad agad naman tumunog ang cellphone ko, binasa ko ang nakasulat at halos mawalan ako ng ulirat sa text ni jejemon sakin.

'Jejeje, legit itu! Hwaq kng maququla4t 4h!? Naqh4h4n4p kse si bo0s nq b4b4e, pede k4ba? Fhifty thuos4and d4w!'

Babae? Ano akala nito prostitute ako!? Grrrr!

'Kingina mo! Jejemon putulan kita ng etits dyan! Di ako prostitue, gago! Itama mo muna yung spelling mo qiqil mo c aqoh!'

Mga mayayaman talaga, basta nalibugan magwawaldas talaga ng pera para lang sa babaeng ma-jujugjug nila, psh. Hinding-hindi ako magtatrabaho sa boss nya. Over my dead-gorgeous-pretty-hot body!

***

Ang akala ni Kara ay hinding-hindi sya magtatrabaho sa misteryosong boss umano ng lalaking nag-offer sakanya ng trabaho, but she tought wrong.


Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, hindi alam ni Kara na kakainin nya pala lahat ng sinabi nya.


Until he met the man with a mask that are willing to fuck him exchange of money,

Kaiden Lohr Montenegro, a multi-billionaire man with an illegal business, a man that hold's a gun. A man that took her heart, body, mind and soul and turn her shitty world, upside down.

Seduction Series #1: Kaiden Lohr MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon