Chapter one

15 0 0
                                    

Kara's POV:

Tatlong araw na ang nakalipas, mula nang mag-text sakin yung jejemon na lalaking yun. At sa wakas nakapagbaya narin ako ng upa kay aling Mercy, binigay na kasi yung sahod ko dun sa karinderyang pinagtatrabahuan ko sa may kanto, nabilhan ko narin ng ilang reseta ng gamot si nanay.

"Nay! Bat ba kayo nagwawalis dyan, bawal nga kayong mapagod diba!" Inagaw ko ang walis sakanya at pinaupo sya sa kutson.

"Ano ka ba naman anak, konting tulong man lang to sayo atsaka hindi naman ako mapapagod dahil lang sa pagwawalis, alam ko naman kasing nagiging pabigat nako sayo."

May sakit kasi si mama, sakit sa puso. Sabi ng doktor nung may libreng pacheck-up dito samin pag inatake padaw ulit si nanay malaki ang chance na operahan sya, at paano naman kapag nangyari yun? San kami kukuha ng pera?

"Nay, hindi ka pabigat sakin. Doon ka muna sa kwarto magpahinga ka. Mamaya pagkatapos natin kumain iinom kana ng gamot mo."

"Salamat anak." At dumiretso na sya sa kwarto.

Kung sana lang hindi kami iniwan ni tatay, edi sana kahit papaano nakakaraos kami ngayon, sana wala pang sakit si nanay. Puro nalang sana.

Pinahid ko ang luhang kumawala sa mukha ko at ngumiti "Kaya mo yan Kiray, diba malakas ka!"

At naligo nako, may lalabhan pako kila aling Tasing, di naman pwedeng tanggihan. Pera din yun.

Paglabas ko ng kwartong inuupahan namin, sumalubong na naman sakin ang nakakasulasok na amoy ng pinaghalong alak, yosi at kung ano ano pa. Nasa squater's area kasi kami nakatira at hanggang ngayon wala parin yung relocation na ipinangako sa'amin.

"Aling Tasing, nandito na po ako!"

Bumukas ang pinto at bumungad sa'kin si Aling Tasing, byuda na sya pero mabait. Yung mga anak na may kanya-kanya ng pamilya kaya't sya nalang magisa sa bahay nya. Sakin din sya lagi nagpapalaba dahil nga sa awa nya narin siguro samin ni nanay.

"Oh, nandyan kana pala iha. Pasok ka." At niluwagan nya ang kanyang pintuan.

"Aling Tasing, san ho ang lalabhan ko?"

"Nasa cr na iha, ikaw na ang bahala rine ha?" "Sige po!" At dumiretso nako sa cr.

Tanging si Aling Tasing lang din ang pinagmamabaitan ko rito sa mga ka-iskinita namin, paano kasi sya lang din ang nagiisang mabait dito. Yung iba kasi ay warfreak at akala mo kung sino kung makapang away, pare-parehas lang naman kaming mahihirap.

Inumpisahan ko nang maglaba para mabilis akong matapos, didiretso pa kasi ako sa pinagtatrabahuan kong karinderya at dun na naman ako gogora sa trabaho.

"MARAMING salamat po, Aling tasing. Tawagin nyo nalang ho ulit ako kapag may ipapalaba kayo!"

"Sige, iha. Magiingat ka." Sinarado ko ang pintuan at binilang ang perang nakuha ko galing sa paglalaba, tatlong daan. Sinobrahan na ni aling Tasing ng isang daan para daw kay mama.


"Mang rex! Magandang hapon!"

"Magandang hapon din, sige magsimula kanang magtrabaho. Marami tayong kustomer ngayong araw." Isinuot ko na ang aking apron at agad dumiretso mga hilera ng pagkain.

"Hello, kiray." Bati sakin ni Pancho, madalas na kustomer namin dito sa karinderya. Inlababo yan sakin masyado, kaya lagi daw syang nandito kesyo para masilayan daw ang ganda ko, kangina merzzz.

"Oh, bakit?"

"Pa-order nga ko ng sinigang, sing-asim ng pagmamahal ko sayo." Sabay kindat niya, Ito na naman po tayo. Lagot ka na naman saking Pancho ka, pagod pa naman ako ngayon.

"Sing-asim ba talaga ng pagmamahal mo, o sing-asim ng amoy mo?" Sabi ko sabay kuha ng mangkok at inilagay ang order nya, napawi ang ngiti ni gago.

"Ah tsaka, pati yung puso ng saging. Parang puso kong nagmamahal sayo." Biglang natuwa ang loko, akala nya siguro di ko sya babarahin.

"Oh talaga? Ang laki naman pala ng puso mo Pancho. Gustong mong matulad dito? Gusto mong tanggalin ko dyan sa katawan mo yung puso mo?" At nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis. Namutla siya na agad kong ikinatawa at nagserve nalang sa ibang kustomer.


Serve's you right!

GABI na ng matapos ako sa lahat ng trabaho ngayong araw, sobrang drain ang katawan ko at feeling ko mahihimatay ako ng wala sa oras.

Hangos hangos na lumapit sakin si Rosa, kaibigan ko.

"Kara, yung nanay mo! Inatake!" Agad akong kinapitan ng kaba, dahil sa balitang sinabi nya sakin. Tumakbo ako ng tumakbo, wala kong pakialam sa mga nakakakita sakin. Pagkarating ko sa bahay nagkukumpulan na ang mga tao sa labas ng pintuan namin, nagtsitsimisan. Agad kumulo ang dugo ko dahil sa nakita ko.


"TABI!"

Agad naman silang nagkumpulan, tumakbo ako sa kinaroroonan ng pinto ng bahay namin at nilapitan si nanay.

"Nay! Nay! Gising."
"Rosa, pakitawag ng ambulansya please!" Sinunod naman ni Rosa ang utos ko, mayamaya lang ay nakarinig na kami ng sirena ng ambulansya. Dagli nilang nilagay sa stretcher si nanay at ipinasok sa ambulansya.

Lord, wag naman po ang nanay ko. Sya nalang ang nag-iisang kamaganak ko sa mundo, tapos kukunin nyo pa.



KANINA pa ako paikot-ikot sa tapat ng kwarto ni nanay. God? Anong gagawin ko?
Saan ako kukuha ng pera pag nagkataon. Nawala lahat ng pagkabagabag na umaandar sa ulo ko ng lumabas ang isang lalaki, na sa tantya ko ay isang doktor.

"Ikaw ba ang kamag-anak ng pasyente?"

"Oho, ako nga po. Kamusta po ang lagay ng nanay ko?" Namamawis na tanong ko sa doktor.

"Ms. Fajardo, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Malala na ang kundisyon ng nanay mo at kung hindi ako nagkakamali pangatlong atake nya na ito. Alam mo naman siguro na masyado ng mapanganib sa ngayon ang buhay nyo. May 50% na tsansa lang ang maaring maging kalalabasan matapos ang operasyon. At kung pwede lang sa'yo ay maisagawa na namin ang operasyon sa lalong madaling panahon."

"G-gawin n-nyo po agad ang operasyon dok. Iligtas nyo po ang nanay ko. P-parang awa nyo na po!" I know, i'm desperate now. Pero anong magagawa ko? Wala. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay tatagan ang loob ko at maghanap ng pera kung saan pwedeng ipang-gamit sa pampaopera ng nanay.

"Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin Ms. Fajardo, isasagawa namin ang operasyon sa lalong madaling panahon. Ngunit ang pinakamabisang gawin ngayon ay magdasal at manalig sa Diyos para sa kaligtasan ng nanay mo, so Ms. Fajardo i gotta go. Marami pa akong pasyenteng aasikuhin."

"S-salamat po, dok."

Tuluyan ng umalis ang doktor pero nakatitig pa'rin ako sa kawalan. Tiyak na mababaon ako sa utang kung sakali mang mangutang ako sa mga pinagtatrabahuan ko. Kung may alam lang akong trabahong may malaking sahod.

At biglang nagliwanag ang ulo ko sa aking naisip.

Tama! I-text ko kaya yung jejemong nag-offer sakin ng trabaho. Hindi naman siguro mahirap ang trabahong gagawin ko.

Pero ang alam ko lang, lahat kaya kong gawin para sa nanay ko. Kahit pa kahit anong trabaho sa mundo.

Seduction Series #1: Kaiden Lohr MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon