A New Beginning

10 0 0
                                    

Matapos mabigo sa unang pag-ibig, natuto din naman akong tumanggap ng pagkabigo. Nakamoveon ako sa una kong nagustuhan na itatago sa pangalang josie. Natanggap ko na iba ang mahal niya at yun si Hiroshima. Kahit masakit datiay successful naman ang pagmomove-on dahil sa suporta ng mga kaibigan ko. Nabigyan nila ko ng atensyon at mga opinyon lalung-lalo na ang aking nanaynayan at tataytatayan.  Sa aking pagkabigo, noong gumagawa kami ng Investigatory Project sa aming chemistry subject, medyo nahuhulog na ako sa babaeng itatago ko nalang sa pangalang Year.Nagustuhan ko siya sapagkat mabait siya, maganda, walang arte at higit sa lahat sinasabi niya ang nasa isipan niya.

Mabait siya sa akin at siya rin ay best friend ng dati kong gusto. Nang dahil sa kanya, unti-unti din ako nakamove-on. Siya rin ay single tulad ko pero nanggaling na siya sa isang relasyon. Wala naman akong nakikitang masama kung magustuhan ko siya. Lalo pa itong tumindi noong prom, nabighani ako sa kanya, para siyang dyosa. Kaya naman noong natapos ang pagMMc ko sa promenade, agad-agad akong bumaba at siya ang una kong sinayaw. Ako rin ang unang sumayaw sa kanya, naiyak pa nga siya pero di nya inaamin na umiiyak siya. Lalo pa itong tumindi dahil sa Investigatory na halos araw araw na naming inaasikaso tuwing chemistry, Mahilig kaming kumanta at nagduduet pa kami. Isang araw, nahuli kami ng teacher namin na kumakanta ng pangcouple na song, napagsabihan kami kase oras ng klase. 

Napadalas ang aming pagtetext sa isa't isa kaya naman lalo akong nahuhulog. Sabi ni inay sa akin, gawin mo siyang best friend para katulad ng sa amin ng itay mo. Ginawa ko yun kaya naman naging magbestfriend kami ni Year. Nagkwento na siya sa akin na may nanliligaw sa kanya kaso binusted niya. Inaamn kong natuwa ako pero alam ko namang parang wala siyang gusto sa akin. Nasaktan ako nung nalaman kong nagkakagusto siya sa kanyang manliligaw kaso ayaw  niya dahil mukhang di matino yung kanyang manliligaw.

Nagsimula na rin siya magtanong kung sino nga ba ang nasa likod ng pangalang year, di ko alam ang sasabihin ko kaya naman nagpatulong ako sa aking kaibigan na magpanggap na nagugustuhan ko. Kinakamusta niya kung ano ng kundisyon namin nung kaibigan ko, hindi niya alam, nagsinunghaling ako dahil siya ang gusto ko. Noong kuhaan namin ng Card, dapat ay magtatapat ako sa kanya, kaso napigilan ako ni inay at itay, masyado pa daw maaga, baka mabigla. Kaya sinunod ko na lamang sila. Di ko na tinuloy, baka masia lang ang aming ugnayan. 

Noong araw na yun, nagtanong sa akin si Josie kung sino nga ba daw si Year at nalaman kinutuban siyang iyon ang kanyang bestfriend. Ngunit sa panahong iyon, inamin ko din kay Josie na minahal ko na siya dati. Pinayuhan pa nga niya ko na lagi ko daw dapat dmayan si Year kaya naman ginagawa ko iyon. 

Noong Graduation, nakita niya ko at tuwang tuwa siya. Medyo kinilig naman ako nun <3. Proud daw siya sa akin... "YES, HAHAHAH". 

Nagpatuloy ang pagiging magkatet namin at patuloy kaming nagkakamabutihan. Per parang hindi siya naninwala sa sinabi ko kung sino si Year. Meron pa din siyang pagdududa. To Be Continued

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon