It's a sign :)))

105 5 4
  • Dedicated kay Charlene Ilog
                                    

Maraming tao sa ngayon ang naniniwala sa paghingi ng mga signs.

Ito ay ang paraan nila upang magkaroon ng kasagutan ang ilang tanong na bumabagabag sa kanila.

Isa na dito si Pia. 

Simpleng dalaga na nangangarap na mahanap ang prince charming na magmamahal sa kanya.

19 years old na si Pia at never pa syang nagkaka-bf sa buong talambuhay nya.

bakit??

Hinihintay nya kasing matupad ang 3 signs na hiningi nya noong 16 years old pa lamang sya.

Takot syang masaktan.

Kaya naman,

gusto nya na kung magkaka-bf sya, sigurado na siya na ang lalaking yun ang talagang soulmate nya.

Heto ang tatlong signs na hiniling nya:

1. Uulan sa unang pagkikita nila.

2. Pareho sila ng cellphone unit.

3. Nakasuot ito ng brown sa 1st date nila.

______

JUNE 2011

1st day of school

Papasok na si Pia nang bigla na lang umulan ng malakas. . .

At dahil malapit lang ang tinutuluyan nyang dormitoryo sa FEU, naglalakad lamang ito papasok.

Anu ba yan!  Lakas naman ng ulan. May pasok ba talaga ngayon?? Kainis. tsk.


Nang malapit na si Pia sa FEU,

bigla na lang may tumawag sa kanya. . . .

Miss! miss! Sandali lang.  pwede bang makisukob sa payong mo?


Napatingin si pia sa tumawag sa kanya. Isang matangkad na lalaki ang nasa harapan nya.

Gwapo at mukha namang mapagkakatiwalaan.

schoolmate din nya ang lalaki.

Oh sige, sabay ka na. Tutal schoolmates naman eh :)



Nang makapasok na ang dalawa sa university . . .

Vince:  Thank you miss ha. anu nga pa lang pangalan mo? 

Pia:  Ahhmm. Sophia. Pia na lang :)

Vince:  Ah sige, thank you Pia ha. Vince nga pala. :)

Pia:  Walang anuman Vince. 

Vince:  Sige ha, mauna na ako sayo. Salamat ulit. :)


Nang paalis na sana si Vince, napansin nito ang cellphone ni Pia na nakasabit sa I.D. lace nito.

Vince: Wow, pareho pala tayo ng cellphone. :D

Pia:  Ay, ou nga nuh :) nakakatuwa naman. hahaha


Nagkatawanan ang dalawa. . . 

Vince: Eh Pia, pwede ka bang maging kaibigan? Transferee kasi ako dito at wala pa kong kakilala. 

Pia:  No problem :) schoolmates naman eh. So, Friends?

Vince:  Friends. :)))


Pagkauwi ni Pia sa dorm, naalala nya ang 3 signs na hiningi nya noon.

OMG!!! 2 signs ang natupad ngayon ah. Sya na kaya???



beeeeep!! May nag-text!

              Hi Pia, goodnight. Salamat talaga kanina ha. Ganung time ka din ba papasok bukas?

              Can I invite you for lunch? :)     --Vince




 This is it . :))))) [ ang sabi ni Pia sa isip nya]

------------

kinabuksan. . . 

Sa isang fastfood na malapit sa FEU napag-usapang maglunch ng dalawa.

Nasa loob na si Vince at hinihintay ang pagdating ni Pia.

Naka-civilian ito dahil wala naman itong klase ngayong araw.

ang tanong: 

NAKA-BROWN KAYA SYA????

Lord, please sya nalang oh. pleaaaasse. . . [ ang sabi ni Pia sa isip nya ]

Pumasok na si Pia sa loob.

Natanaw nito agad si Vince. At biglang nabalot ng lungkot ang mukha nito nang makitang walang kahit anong kulay brown na suot si Vince.

Vince:  Oh, hi Pia :) Andyan ka na pala. Upo ka.


Nang matapos kumain ang dalawa. . . 

Vince:  Pia, hatid na kita sa school :)

Pia:  Oh sige, salamat pala sa treat ha.

Vince: Wala yun, basta ikaw :))


Paglabas nila ay inilabas ni Vince ang cap nito mula sa kanyang bag at isinuot.

Paharap sa kanya ni Pia, bigla itong napangiti at napayakap sa kanya.

bakit????

kasi brown. 

Oo brown. 

Brown ang cap na isinuot ni vince :)))

Hindi alam ni Vince kung bakit sya niyakap ni Pia, ngunit may bigla itong naramdaman na hindi maipapaliwanag ng salita.

<3 <3 <3

----END----

--NIKKI27


It's a sign :)))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon